Monday, December 31, 2007

new year daw eh..

Wala na kong ibang kantang naririnig kundi ang Kashmir ng Led. Kakabili ko lang ng Mothership eh. Naakit ako sa kagandahan ng pula't itim na album cover at dun sa patalastas na nakita ko sa AXN last week. Enjoy naman yung mga kanta... lalo na yung Immigrant Song. Nakakatuwa yung intro ng Stairway To Heaven eh.. parang yung jingle ng PSCO. HAHAHA. nahalata nyo ba? wala lang.

Di ko nanaman naramdaman ang pasko at new year. As in parang... ano... wala lang. May krismas tree nga na puno ng palamuti, magarang krismas lights, maiingay na krismas party, makukulay na fireworks display na ginagawang painting ang evening sky, mga boga na sa sobrang lakas ng pagsabog ay tila bang may giyera. Pero... I don't feel anything special. Parang isang mahabang sembreak lang 'to. Baka masyado na kong kinakain ng mundo ng kompyuter ko... o baka talagang nagbago na talaga ang panahon...

Mukang wala kaming paputok ngayon. That's a first. At mainit nanaman ang ulo ng dad ko. Di na bago yun... paano kaya kung itulog ko na lang ang bagong taon? (uy! grabe! may biglang nagpaputok ng Sinturon ni Judas.. pramis.. ang-ingay.. nagulat ako) very timely yung paputok ha. Malabong makakatulog ako sa ingay ng mga paputok. Buti pa sa Davao eh... ipinagbawal ni Duterte yung mga paputok. IDOL!

and please... don't expect me to greet you a happy new year or something. it's just not my thing.. y'know.

Saturday, December 29, 2007

no christmas blog entry

*sigh* ansaklap talaga pag malapit na ang bagong taon at wala kang magawa... kaya eto... gagawa na lang ako ng blag entry.

since wala naman akong magawa ngayon, wala ring kwenta yung sasabihin ko! pero kung wala rin naman kayong magawa eh tumambay muna kayo sa blag na 'to. soooooo ayun...

grabe.. miss ko na yung lamig ng aircon sa klasrum. langya! pero medyo ayaw ko ring pumasok kasi nagiging soloista na ko eh. ambaduy. tska nakakamiss rin kasi yung tapa at tatlong itlog diet ko eh. protein overload! anyways, palaging uneventful ang mga christmas vacations ko. wala kasing nagreregalo saken ng Xbox 360 o Nintendo Wii man lang eh. o kahit anong pwedeng malaro! kaya ayun... bumili ako ng DVD ng Elder Scrolls IV. amboring pala nung laro! graphics lang yung maganda! pero kahit papaano... nageenjoy naman ako! kahit boring! pero mas boring pa rin maglaro ng Lineage 2. as in yun talaga... pag may pupuntahan akong lugar sa L2.. tas wala masyadong nangyayari.. bumibigat mata ko eh. amboboring talaga ng mga online games na ganun. click ka lang ng click, patay ka lang ng patay ng monsters, pulot ng loot, tas pagkatapos ng ilang oras... level up. napaka-monotonous! pramis! kaya nananawagan ako sa mga nagbabasa nito at nageenjoy sa mga MMORPGs na ganun... I-EXPLAIN NYO KUNG BAKET KAYO TUMATAGAL SA GANUNG KABORING NA GAMEPLAY! pero nagque-quest ako sa L2 ha! baka idahilan nyo yun eh. buti pa yung Granado Espada, Pangya, O2 Jam, at GunZ yun lang mga MMOGs na nag-enjoy ako. ewan ko ba....

pfft... kaya eto.. nanonood na lang ako ng music videos sa YouTube. may bago na palang solo album si Siouxsie Sioux ng Siouxsie and The Banshees. napanood ko music video nya na Into a Swan. grabe antanda na nya! pero kahit papaano may kagandahan pa rin sya. kras ko yun eh. nung kasama pa nya yung banda nya! nyahaha.. nakakainlab yung pagsayaw nya sa Spellbound. ngayon parang Marilyn Manson na babae na si Siouxsie Sioux eh. saklap.

Wednesday, December 12, 2007

mugshots




I rarely post any of my pictures. sooooooooooo just in case you were wondering how I look like. here are my oh so beautiful mugshots. I'm not into taking pictures of myself anyway. I'm like the opposite of vain or something and now I'm desperately trying to be one! haha

Wednesday, December 05, 2007

digging the dog's grave

fix your damn link...

what I did today was a first... I gave retreat letters for the kids. whoopee! this is a milestone. NOT. I never saw the point of giving a group of kids cheap letters. yes, I called them cheap... but some aren't. Daniel Philip Obedoza gave me non-cheap letters. but most of the letters are... whoopee! I wrote letters to four kids. and in different languages! kickass! I wrote Daniel O a deutsch letter(thankyou Jonas' grandad for translating the letter), I wrote Bea S a spanish letter(thankyou Lorenzo Malbarosa for translating the letter), I wrote Bien L a french letter(thankyou my french dictionary), and I wrote Aimee Sy a chinese letter(thank you china town kids for half-translating the letter)!! I forgot to write letters for Cas, JC P, Maika P, Kevs R, Wertless M, and Katreena Sasis. Well... ummmmmm.. actually, I made a letter for Cas, but I forgot to bring the letter soooooo.. ummmmm.. yeah.. he was asking for a letter in Korean. Park Yeol Lim is the only Korean kid I know and I have no way of contacting that guy. sooooooo... tough luck..

TEKA NGA LANG! ba't ba ko nag-iingles! ipaglaban ang sariling wika! MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO! HUP HOLLAND HUP!! nyay... maling bansa pala..

hmmmmmm... ngayon ko lang ulet naisip.. kamusta na kaya blag ng mga kaibigan ko.. antagal ko nang di tinitingnan ang blag nila Quimbo, Chua, Bea, Kat(z) at Pao. Pero dati ko pang gawain ang hinde pag-tingin sa blag ng iba. Pero kung nakakatawa sila, parang si Matt D, babalikan ko ng babalikan ang mga blag nila. Pero mukang pag-kwekwento lang ng mga nangyayari sa buhay nila eh. Nakakatamad basahin. Pero feeling ko pati yung saken nakakatamad rin basahin eh. O baka di lang ako mahilig magbasa? blah...

Pagkatapos ng 12 levels ng paramedic missions, tinamad rin akong maglaro ng GTA San Andreas. Naayos ko na rin ang audio ng SA! kaya lalaruin ko na ulet ang SA. AT DI NA AKO GAGAMIT NG CHEAT CODES!! whoopee! Di ko pa rin nahahanap ang lunas para sa katamaran. Oo, ayaw ko nang maglaro ng SA. Pero tinatamad pa rin ako gumawa ng projects. Soc Sci, English, Filipino, TLE. gah. "Paano tayo makakapasok sa UP nyan!" sabi nga ni Gamatero saken nung nakita nyang walang laman ang papel ko nung may quiz. Shet! di kasi ako nakikinig sa mga lessons eh. Ano ba yung statement of rationality? tama ba? ewan! di ko na alam. subukan ko ngayong pasko magbago. or... bukas na kaya ako magbago? speaking of bukas... may training nga pala kami bukas. AT BUKAS NA IA-ANNOUNCE KUNG SINU-SINO ANG MGA NASA LINEUP NG NCAA!! whoopee! sana ma-lineup ako. ligtas naman ata ako eh. wala akong bagsak, nagtretraining pa rin naman ako kahit papaano. Pero di ako na-lineup sa municipal meet at provincial meet... paano pa kaya sa NCAA? naku po! pero sabi naman ng tatay ni Darwin Dacanay(Dacs for short) pabigat lang si Karlwin sa team eh. right wing defender ata sya. kelangan pa supportahan ni Ducreay si Karlwin. Tska di rin kinukuha yung first bounce. tang'na ansaklap! kung na-provincial ako! kung na-municipal ako! di kasi ako pinapasok ni coach pag may games eh! mas gusto nyang ipasok si Yuri, Malbarosa, Sud, at Karlwin eh! tuloy di ako nadedevelop! pulitika rin naman kasi ang advantage nila saken eh. kaibigan ni Yuri si Kan, naging prof ni Coach ang tatay ni Mabla, at kabarkada ni Karlwin at ni Sud sila Ezra... eh ako? dakilang loner ako sa training. kay Cabural at Jonas lang ako sumasama eh. haaaaaaaay.. kung tutuosin, mas malakas pa naman sipa ko kumpara sa tatlo, mas matangkad ako kumpara sa tatlo... kumbaga parang Gattuso ako. pero mas payat nga lang naman si Yuri, Karlwin, at Sud. Pero si Malbarosa?! putchak! eh puro yabang lang yun eh! pero kahit papaano mas maayos maglaro si Malba keysa kay Yuri, Karlwin at Sud... minsan. haha!

uy! binasa mo yun? nag-sayang ka ng ilang minuto ng buhay mo pare! joke!

Monday, December 03, 2007

coolest thing evah!

cool.. nakalimutan ko password ko ulet.. soooooooo... nakaligtaan(waw.. thank Hennessy for adding that to my vocabulary!) kong magpost... pero what the hey.. wala rin namang magbabasa eh.. I'm going indie!

marami masayado ang nangyari nung hiatus ko... kaya di ko ilalagay ang mga nangyari! pero ilalagay ko ang mga significant na bagay! hooray!

Una, dalawa na ang nagrereklamo sa mga masasamang pangyayari sa Hengeropolis. Oo mga kaibigan, may pangalan na ang ating minamahal na blag. Anu-ano ang mga rinereklamo? Case number one! May isa akong dating kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang Mikki Barrameda... nagreklamo sya tungkol sa isang entry ko. Sabi niya na tanggalin ko na daw. Ano ang kadahilanan? Ewan ko. Pero mukang nakakasama sa ego nya. Kasi sino bang tao ang gusto makita na lalabas pag sinearch ang pangalan mo sa google ay 'bading'. Except na lang kung sikat ka na at madalas ka tuligsain or kung bading ka nga talaga. Theeeeeen.. di ka siguro dapat maapektuhan. I dunno. Pangalawang anomaly! May isang titser na nakaalala na minemention ko sya sa blog ko. At di daw maganda ang sinabi ko about HER. Gusto na nyang ipatanggal ang entry ko tungkol sa kanya, dahil nakakasama daw yun sa kanya. Which is true naman. Pero, ako... I believe that prejudice must be eradicated! If I were the monarch of the world. I shall make prejudice a crime! pero di na magiging happy yun.... kayaaaaaaaa... ayun.. wag na lang.

Pangalawa, kelangan ko ngayon ng cure sa katamaran. Marami akong kelangang gawin... kelangan ko gawin ang project ko sa TLE, sa Soc Sci, Filipino, at English. Pero gawd! mas pinili kong gumawa ng entry kasi matagal na kong di gumagawa ng entry. GAWD! sige na nga... manonood na lang ako ng YouTube vlogs. -_-"

OYASUMI!! haha.. blame the fat japanese chick for teaching me..