Wednesday, December 31, 2008

annus

I'm sad...

it's either an early onset of midlife crisis or I just feel overly apathetic...

badtrip...

di ko feel yung pasko.. parang normal na gabi lang nagka-sama sama ang mga Agron... di ko talaga mawari kung baket.. pakshet..

pati new year di ko feel.. or baka I just cannot feel time itself.. waw.. lalim

tapos ngayong new year's eve.. buong araw lang ako naglaro ng Elder Scrolls IV: Oblivion...
ngayon ko lang nag-enjoy yung game na yun.. amboring nun dati eh.. anlayo na ng na-abot ko.. Grey Fox na ko ng Thieves Guild, Listener na ko ng Dark Brotherhood, Evoker na ko ng Mages Guild, Champion na ko ng Arena, at nakuha ko na yung tatlo sa set ng armor ng Knights of the Nine.. sobra akong nag-eenjoy sa game...

or siguro yun yung dahilan kung ba't di ko feel yung pasko at new year.. kasi ang buhay ko nasa Elder Scrolls IV?

I dunno.. kanina nga nagulat ako na alas diyes na pala.. kala ko alas otso pa lang..

BAKET BA GANUN?!

I'm not having fun kaya di mo pwedeng idahilan na time flies when you're having fun..

I'm not bored kaya di mo pwedeng idahilan na tumatagal ang oras pag bored ka...

ewan.. I'm just right here in the middle of the cold concrete ruins..

feeling old and weary...

I need a new brain

Monday, December 29, 2008

I miss you

it has been a long time... too bad you're growing old and I have lost track of time...

people aren't acting the way they should and I am starting to notice... and hate it

I can't stand the smoke.. I can't stand the smell of new paint... I'm starting to realize that what I have now is not affected by what I used to have.. or be..

I do not expect any reruns and/or home video releases.. only blurry images inside my disintegrating brain.. I cannot remember your face anymore.. when I start to imagine.. all I see are images of the victims of Sadako..

and the only way I can save you is to show a copy of the tape to someone else..

but then again.. is it really my responsibility to do all the hard work that you might not even be aware of in the long run? I'll let the little powdered children to push you away from the railroad tracks..

or all I need is a place where I can do the fetal position freely.. most preferably under your wings.. I wish I can still take a sip of your luxurious dawn.. but you are now under the protection of the blue army.. even though you wear the colors of their enemy..

I wish I had a clue..

on how not to miss you..

Thursday, December 25, 2008

kesong puti

teka.. december 24 na pala ngayon?! este 25..

di ko feel guys.. kaya di pinoproseso ng utak ko yung mga Merry Christmas nyo..

pero mahal ko kayong lahat..

dhe.. joke lang pala..

di ako yung tipong tao na mag-ce-celebrate ng isang bagay na taon taong ginaganap.. buti pa Olympics at World Cup.. pero nakakasawa na rin after the 2nd time...

sorry kung naghahanap kayo ng celebration.. meh.. kahit sarili kong bertdey di ko sine-celebrate eh.. bertdey pa kaya ng iba?

call me cynical or something.. pero that's life in front of the computer screen..

walang pinagkaiba... ang nagbabago lang ay ang blog posts sa Kotaku at ang headlines sa Yahoo frontpage.. pero ni design nga ng Yahoo di mo ma-fee-feel na pasko.. tapos yung theme ng Google masyadong politically correct kaya di ko rin feel..

I drown in the wires and silicone of my circuits.. at di tumatagos ang sinag ng araw... ako'y linalamig.. ako'y nasasakal..

ako'y isang bulag na pusakal...

Tuesday, December 23, 2008

streak

tagal ko nang di sumasagot ng survey... masubukan nga survey sa multiply..

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

1) BUDDY OF THE YEAR?

- Germund Ballecer

2) LIFETIME SERVICE AWARD (longest friend)
- Ezekiel Q. Ponce

3) NEWCOMER AWARD (coolest new friend)
- Geoffery "Adiktus" Velasquez

4) HIGHEST POINT OF THE YEAR?
- yung naglaro ako sa Timzone last month.. naka 23 points ako..

5) LOWEST POINT OF THE YEAR?
- nung naglaro ako ng training sa Wii Boxing.. 3 points

6) BEST HOLIDAY
- yung Halloween.. kasi may horror special sa TV

7) SONG FOR 2008
- Taken By Cars' Uh Oh.. isa nanamang tatlong minutong kabaliwan

8) BEST MOVIE FOR 2008
- Dancer in the Dark

9) WHO DID YOU SPEND VALENTINES WITH AND WHERE?
- kasama ko ata sila Bea at Daniel dun sa may megamol

10) WHAT WERE YOU FOR HALLOWEEN?
- probinsyano

11) RESTAURANT OF THE YEAR?
- Red Ninja.. yung siomaian sa Robinsons.. 'd best


12) KISS OF THE YEAR?
- Germund

13) BEST DECISION MADE THIS YEAR?
- sagutan itong survey

14) WHAT ARE YOUR PLANS FOR NEXT YEAR?
- mag-aral sa Austrailiyahhhh

15) MOST STUPID IDEA WHEN DRUNK?
- meh

16) TV SHOW OF THE YEAR?
- House pa rin..

17) MOST LOYAL FRIEND(s)?
- happy tree

18) HEARTBREAKER OF THE YEAR?
- hbk

19) BIGGEST CHANGE OF THE YEAR?
- acne overload

20) NEW YEAR’S RESOLUTION?
- maghanap ng trabaho


What did you do in 2008 that you'd never done before?
- mag-commute mag-isa.. mag-commute habang wala sa tamang pag-iisip..

Did you keep your new years' resolutions, and will you make more for next year?
- meh..

Did anyone close to you give birth?
- I think so..

Did anyone close to you die?
- yung lolo ko ata.. o baka last year yun? ewan..

What countries did you visit?
- asia

What would you like to have in 2009 that you lacked in 2008?
- trabaho

What date from 2008 will remain etched upon your memory, and why?
- November 23.. ewan.. random date eh

What was your biggest achievement of the year?
- nakabili ng PlayStation with my own money

What was your biggest failure?
- di nanalo ng palanca awards.. haha

Did you suffer illness or injury?
- yeah.. flu..

What was the best thing you bought?
- PlayStation 3

Whose behavior merited celebration?
- Adiktus

Whose behavior made you appalled and depressed?
- ewan.. happy akong nilalang

Where did most of your money go?
- sa PlayStation


What did you get really, really, really excited about?
- graduation.. para makapag-trabaho na ko for Jeebus' sake!

What song(s) will always remind you of 2008?
- Taken By Cars.. lahat nun.. Adele's Chasing Pavements..


Compared to this time last year, are you:

i.happier or sadder? -- happier
ii. thinner or fatter? -- thinner
iii. richer or poorer? -- poorer


What do you wish you'd done more?
- join contests.. para manalo ng mas maraming pera..

What do you wish you'd done less of?
- matulog sa library..

How many one-night stands?
- a multitude

What was your favorite TV program?
- yung nasa National Geographic at Discover Channel.. tska House..

Do you hate anyone now that you didn't hate this time last year?
- hmmm.. siguro..

What was the best book you read?
- Sandman..

What was your greatest musical discovery?
- Black Kids, Taken By Cars, Adele, The Cardigans, Modest Mouse...

What did you want and get?
- PlayStation 3



What did you do on your birthday, and how old were you?
- 1st day ng review classes.. 16.. huhu.. matanda na ko..

What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?
- bumata ako..

How would you describe your personal fashion concept in 2008?
- the "bagong gising at di pa naliligo" look

What kept you sane?
- podcasts, random songs, dota

Which celebrity/public figure did you fancy the most?
- Posh Spice..

What political issue stirred you the most?
- yung evil plans ni Manny Villar.. tapos yung premature campaigning ni Bayani Fernando..

Who did you miss?
- 3-32

Who was the best new person you met?
- Aimee..

Tell us a valuable life lesson you learned in 2008:
- love is like an egg.. leave it in hot water for too long and the shell will be more difficult to remove.. haha.. pramis.. yan nga..


What was the nicest thing someone told you about yourself:
- wala nga eh.. sabi pa nga saken ni Ryan sa unang tingin parang ako yung tipong tao na may masamang gagawin..

The most touching experience you've had this year?
- ewan.. walang ganun samin eh

What did you like most about yourself this year?
- mas pursigido makuha yung PlayStation.. haha

What did you hate most about yourself this year?
- nag-mukang adik

Quote a song lyric that sums up your year:
- alab ng puso.. kailanma'y hindi sumuko.. tagumpaaaaaaaaaaAAAaaaaAAAAAaaaaaAAAAAAaaaaaaaaaaaaaAy.. ooooooooohhhhhoooooooooooooohhhh

Was 2008 a good year for you?
- it was a good year for gaming..

What was your least favorite moment of the year?
- retreat.. boredom to the max..

Where were you when 2008 began?
- naghahanap ng makakain sa cupboad

Who were you with?
- pamilya

Where will you be when 2008 ends?
- sa kalangitan.. pumuputok

Who will you be with when 2008 ends?
- with the stars

Do you have a new years resolution for 2009?
- no way..

What was your favorite month of 2008?
- November.. dahil natahimik na rin ang multo ni Davy Jones

Did you lose anybody close to you in 2008?
- wala.. kasi pag nawala sya.. ibig sabihin di na kami close.. nyeh

Did you miss anybody in the past year?
- meh.. we're all here

How many concerts did you see in 2008?
- ewan.. isa, dalawa, tatlo?


Did you drink a lot of alchohol in 2008?
- meh

Do a lot of drugs in 2008?
- meh

Did you do anything you are ashamed of this year?
- oo.. sumali sa carlos palanca.. haha

How much money did you spend in 2008?
- 25+? 30+?

What was your proudest moment of 2008?
- nung dala-dala ko yung kahon ng PlayStation sa Virra Mall..

What was your most embarrassing moment of 2008?
- madali ako makalimot eh..

If you could go back in time to any moment of 2008 and change something, what would it be?
- nung April.. dinamihan ko na sana yung binili kong Sasusage McMuffin..

What are your plans for 2009?
- maghanap ng trabaho..

How are you different now that the year has ended?
- mas masaya na ko..

What are your wishes for the new year?
- di ako makita ng mga inaanak ko..

heimlich maneuver



I don't know when to start...

siguro... ipagpapatuloy ko na lang yung nasimulan at isawsaw sa gatas ang oreos na maalat..

I do not believe in friendships.. I believe in partnerships..

and that is where we gain the most..

yes, the economy may not be in a recession right now but sooner or later it will.. and people will have to stop acting nice to each other.. but the holidays might be over by that time sooooooo.. surely there will be no mr nice guy anymore..

mga blue collar workers na lang ang bibili.. at key chains ang ibibigay..

buhayin ko pa kaya? o wag ko na lang subukan dahil baka lalo pa kong makasama at ayaw naman natin na dumami ang mga single dads sa mundo.. walang anak.. walang asawa.. pero napaka-raming utang..

buti't di ako naghahanap ng gamot.. kelangan ko lang naman makalimutan iyun..

at napakadaling makalimot.. kelangan lang naman may matamaang matigas.. mas maganda kung sa mataas ka manga-galing..

sa panahon ngayon.. pasko't kelangang magregalo.. makipag-kaibigan kayo.. friends are a good investment.. but I say otherwise..

at sabi pa nga ni Judy Tenuta.. "friends are enemies who don't have the guts to kill you"

Sunday, December 21, 2008

Welcome Home...

where can a peso take you?

some.. might say here.. some might say there.. but most people will say.. nowhere...

pero I say otherwise... maniniwala ka ba na mula sa Tiendesitas pauwi ng bahay.. piso lang ang nasa bulsa ko at wala nang iba? walang cellphone, resibo, candy wrapper o toothpick...

imagine... Tiendesitas... Rosario.. Ever Gotesco.. Junction.. Vista Verde Country Homes.. homebase...

yung kahabaan ng Pasig.. dinaan lang sa lakad..

kaya ba? siguro sa alay lakad.. para sa Diyos kasi yun eh..

pero yung pag-uwi? kaya nga may taxi eh...

nagsimula kaming maglakad ng alas siyete ng gabi.. at ngayon.. alas diyes.. kakauwi lang namin..

nagsimula ang lahat sa Tiendesitas.. kasama ko sila:
Kat Fernandez
Kaye Agron
Jona Batallones


and together.. we're called.. the FAB 4.. alam nyo na siguro kung ano etymology nung moniker namin..

nag-christmas shopping mga pinsan ko panregalo sa christmas party ng Agron.. as usual wala akong plano bumili.. pero I have a good reason!

PISO LANG ANG DALA KO

ni kendi di ka makakabili sa Tiendesitas.. kaya parang upos lang ng sigarilyo ang piso sa bulsa ko..

pero kahit may pera rin naman ako wala akong plano bumili ng regalo.. buying gifts for others isn't a good investment.. for me.. because I have no idea how to give a worthwhile gift.. I can give ballpens as gifts.. but people won't remember it as much as they would remember that big teddy bear from the rich kid..

that's why gift giving is not on my agenda.. and so as receiving gifts.. I am not expecting anyone to give me a gift out of kindness or something.. its always a product out of the assembly line.. and nothing more.. the only gifts that I am expecting are the gifts from my own money.. I'm planning to buy a Diana+ Edelweiss lomo camera..

great success!

anyway.. back to the Amazing Race..

di ko alam kung ano nakain ko at naisipan kong pilitin yung mga kasama ko.. pero kumagat rin naman sila..

1st Road Block: yung intersection sa ilalim ng mga flyovers

grabe.. muka kaming mga tanga naglalakad na parang bubunguin ng mga kotse.. at ang malupet pa dun.. nakita lang namin yung pedestrian stop light nung nasa gitna na kami ng kalsada.. at NAKA-RED pa sya.. san ka pa diba?

pero kinaya naman ng powers namin..

2nd Road Block: yung bridge na may mababang ledge sa may Rosario

nakakatakot dun eh.. tuwing dumadaan ang mga bus at truck parang matatangay kami sa sobrang bilis.. at ang nakakatakot pa.. ambaba talaga ng ledge ng bridge..parang konting tulak lang babagsak na ko.. kasi parang above my knees.. lower than my gonads yung level..

at tulad nung 1st Road Block.. kinaya pa rin.. malupet ang Agron eh..

3rd Road Block: pag-tawid mula sa palengke ng Rosario papunta sa Jollibee na katabi ng church

yun ang pinaka-mahirap na Road Block na nakatapat namin.. dahil buhay namin ang nakataya.. haha.. andaming rumaragasang jeep, bus at truck na handang mag-vehicular manslaughter..

pero with the help of a little native lady.. naka-tawid kami!!

1st Pit Stop: Jollibee sa Rosario na katabi ng Church

si ate Kaye ang sponsor ng rations namin.. umorder ako ng Palabok.. na matabang.. T_T

1st Elimination...

sadly, kelangan nang pumunta ni Ate Kaye sa Megamall para bumili ng children's stuff para sa inaanak nya..

matapos mawala si Ate Kaye.. medyo tahimik na.. halos tahimik na.. ang nagiingay na lang ay ang streets of Pasig..

2nd Pit Stop: Ever Gotesco

finally, nakarating rin kami sa Ever.. may nakita kaming isang malaking inflated na Zagu sa harap.. kaya naisipan naming pumasok sa Ever at bumili ng Zagu..

advertising yellow stuff works

umorder ako ng Vanilla.. at wala na silang pearls.. boohoo.. crystals na lang daw.. nung una.. inisip ko "putcha ano yan? shabs?!" pero ayun.. nung natikman ko.. nata de coco pala.. tsk.. tae

4th Road Block: the great divide

alam nyo yung space between Robinsons Junction at Ever Gotesco? yung industrial space.. yung sa BF Metals?

alam nyo itsura nung pag gabi?

its the darkest part of Pasig mehn.. and the inhabitants will trick you.. kasi nung dumaaan kami.. sabi nung isang babaeng skwater.. "ate may nahulog o".. sabi ni ate Jona its a trick to corner you.. that's just scary.. sana mamatay sila sa lamig..

yun yung beauty ng christmas eh.. it's cold.. and people die..

3rd Pit Stop: Big R Junction

nag-CR kami.. yun lang... hahaha.. dun ko na rin narealize na sobrang sakit ng binti at legs ko

from then on.. parang umuwi lang ako mula kila Bea.. evade the mongrels of Junction.. lampasan ang tricycle terminal.. lakarin hanggang loob..

anlaking achievement yun samin...

kumbaga sa Xbox Live 1,000,000 achievement points yun! haha..

or limang Platinum Trophies sa PlayStation Network..

anyway.. you just gotta the love the feeling of.. uhmmm.. triumph.. over the great distance from Tiendesitas to our house...

AMEN? AMEN!

Saturday, December 20, 2008

I love you Gesmund Ballecer

I really do

I love you Mikko Dela Cruz

I really do

...and the Half-Baked Prince


muka akong bading dito eh 'no?

christmas party, suot ang pinaglumaang jacket ni jessie at may lagnat...

credit for the image goes to: Ana Micaele De Guzman

buti naka-jacket pa ko dyan.. kasi pag wala yun muka talaga akong adik...

ampayat na ng braso ko.. anluwag na ng mga damit na dating sakto saken.. at nagkasya na rin yung mga damit ko dati na bodyfit..

medyo natatakot na ko sa sarili kong braso eh.. parang di saken.. parang augmented arms ng serial killer na madalas mag-twitch.. beware.. of the Night Mare!

grabe.. laki talaga ng ipinayat ko.. lahat ng dapat naging body mass ko napunta sa Playstation.. kaya its like a part of me.. haha.. dun napunta yung 15 pounds na nawala sa katawan ko.. and surprisingly.. kaka-check ko lang sa Amazon yung weight ng Playstation.. 15 pounds rin sya..

too bad alaws akong comparison picture.. sige.. baka sa mga susunod na blag entries gawin ko yun...

kelangan ko nang magkatrabaho.. para di ko na kelangang mag-abstain sa pagkain para lang makabili ng gaming related stuff.. magkano ba sweldo ng store clerk? tska pwede ba high school graduate sa call center? teka.. itutuloy ba ni Barack Obama yung pag tigil ng outsourcing?!

Friday, December 19, 2008

wetdreamer

di ko talga masimulan yung thesis.. laging may distraction.. badtrip..

anyway.. to keep my mind off the work I:

...played jam legend.. yung guitar hero-ish thingy na may rock band-esque note chart.. ayos lang.. badtrip kasi di ako sanay sa kulay ng notes kaya pag yung 5th note dapat pindutin which is blue.. yung ring finger yung nagagamit ko sa pag pindot(which is tama sa guitar hero at rock band) imbes na pinky.. the songs aren't that fun to play.. fun to listen to? sorta..

...watched Borat:Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan for the billionth time.. I love my brain damage.. andali kong makalimot.. at with films.. its a great thing.. pag nanood ako ng isang bagay its like new again!! unless memorable yung film na yun tulad ng... uhmmmm.. Donnie Darko, Dancer in The Dark or.. Tanging Ina..

...whistle.. its kinda strange.. na misan parang dalawang notes yung natatamaan ko.. ewan.. parang harmonica yung tunog eh.. tin-ish..

whatever.. I guess it's back to pseudo-work

Paraless

no rest for the weary...

kelangan ko pang ipasa ung thesis namin para sa Scientific Research... this sunday.. gawd deym it!

chapter 1 pa lang nagagawa ko sa buong thesis.. pero tutal madali lang naman chapter 2 kasi review of related literature lang naman...

teka.. my god! nakay Micah pa rin pala yung edited na chapter 1 namin!!

dadayain ko na lang si ma'am magpapasa na lang ako ng chapters 1-5 na half-baked..

di ko tuloy feel yung bakasyon.. tapos ngayon kelangan ko pang puntahan yung cardiologist na magaanalyze ng blood chem results..

kakayanin kaya ng dalawang araw ang pagsulat ng thesis?

anyway...

walang kwenta nanaman yung christmas party namin.. tapos di pa ko pumunta sa party ng aidan.. pero may sakit naman kasi ako eh.. kahit nakatulog ako buong hapon ansama pa rin ng lagnat ko..

pagkain lang yung habol ko kaya pumunta pa kong beda eh.. nagpanggap na lang nga akong walang sakit sa magulang ko eh..

ayos naman yung pagkain.. masarap yung siomai ni Jessie.. pero mas masarap pa rin yung sharksfin dumpling sa Red Ninja sa Robinson's Metro East.. tapos ansarap lalo nung salisbury steak na dala ni Oscar.. grabe.. 'd best! pero ang abnormal lang kasi yung mga nasa harapan rare ang luto.. kaya nagustuhan ko talaga.. pero nung parating na sa may dulo.. biglang naging well done.. ang hirap na tuloy nguyain.. badtrip yan..

pero kahit masarap yung mga hinain.. ansama pa rin ng pakiramdam ko.. pag naglalakad ako parang biglang lumalapit saken yung mga bagay bagay eh.. parang naka-hallucinogenic..

yung regalo naman.. ayos lang.. si Lim nakabunot saken.. as expected.. di yung gusto ko yung ibibigay saken.. I never get what I want.. last year humingi ako ng Fused Magazine kay Rull.. pero binigay nya saken dalawang magazine na pinag-tape para "fused" daw.. tapos ngayon ang hiningi ko shirt mula sa Team Manila o Electrolychee.. binigay saken.. red na shirt na may football.. dapat pala cash na lang hiningi ko.. tas bumili na lang ako ng print sa Electrolychee..

oh well.. regalo naman kasi yun eh.. ba't ako nagiging demanding.. ako na nga yung bibigyan eh..

Wednesday, December 17, 2008

hard off

grabe... di ko feel na tapos ko na term paper kuno ko sa english.. parang may kulang...

pero lagi naman diba?

pag... matutulog ako.. feeling ko talaga may dapat akong ginawa maliban sa homeworks..

ever had that feeling? na parang may naiwan ka.. na parang may nakalimutan ka..

its either that o talagang malakas na tama ng alzheimer's ko..

my brain will slowly turn into mashed potatos..eventually..

napaka-lamig ng pasko... muka akong tanga naka-sweater ako sa loob ng bahay.. its could.. hahaha..

and its lonely.. ham and cheese with baloney..

kahit anong lamig ng simoy ng hangin di talaga maiiwasang masira ang keso na iiniiwang nasa labas..

buti pa mga relgao't mga lumpia.. may wrapper.. dito kahit anong sarado sa bintana damang dama ang ginaw.. brrr..

nakakarelate tuloy ako sa kanta ng Couldplay.. yung Shiver.. yung nasa Parachutes na album nila..

na-mi-miss ko na tuloy yung init.. pero kahit naman summer giniginaw ako sa sarili ko..

its could outside

Tuesday, December 16, 2008

vida la viva

ito na ba yung tamang pagkakataon para mag-give up?

we had all the time we needed...

we.. or I never took the chance..

to smile.. to chuckle.. to be happy and free..

its all my fault.. I was always away.. aloof.. up in the skies with the 747s..

its everybody's fault.. if they hadn't influenced me in doing so then I never hesitated.. to walk.. to approach the pen and paper... to sacrifice time for something that I would like...

but yeah.. is it time to pull the plug and give up? is it time to turn your back from the crowd to return to the dressing room? is it time to remove all costumes and prosthetics? is it time to forget the lines I've memorized for so long? is it time to give up the pound of gold that I've been saving for that cloudy day?

but for the past few days.. I've done so much.. too much for me to just let go just like that...

should I just learn from this experience? or should I put all of my hope in the on the cigarette pack I picked up from the alley?

4 years typing and I still do not make any sense...

but isn't that what I am supposed to be?

Monday, December 15, 2008

hamsterdam

people like me should stop talking..

I am pretty much built for a solitary life in the mountains... I guess.. I just.. have.. to.. take a piss in front of the Statue of Liberty..

the notion of liberty or freedom does not exist..

that's what I've realized.. we are never free.. as long as you're not stepping on the country you call your own.. forget about freedom..

you will always have to conform.. you will always have to wear the same clothes.. you'll always be that guy's baby.. you will always be someone you're not..

or maybe what defines us is the law.. the commandments you follow.. the truths that you believe in.. the direction you always kneel to.. the force that governs you..

I dunno.. I am pretty sure that I am not making sense..

isn't that the thing we gotta do sometimes?

why add to the noise that tries to sound important when in reality... no voice will ever be heard.. no decision will ever be made.. no reform will ever be done..

I think we should all be like JFK.. a victim of an assassination plot.. or maybe we are already? all we're waiting for is the time when the assailant pulls his trigger.. we all have different assassins watching over us.. they watch our every move.. they listen to our every conversation.. and they are the ones who will decide when will they be letting that bullet hit your head.. and where..

and maybe why? nah.. I don't think so.. there will never be a reason for death.. death is random..

but sometimes we can press the power button..

there is no reset button..

there is no memory card slot for you to save in..

just a disc spinning until the laser burns it... in hell

Saturday, December 13, 2008

jeebus loves his babies

jeebus saves

I never liked children.. lalo na mga sanggol.. pero buti't di na mga sanggol 'tong mga pinsan ko mula sa amerika...

ngayon ko lang naisipang ipakilala sila sa mundo...

stupid

Victim#1: Johann Benjamin Agron aka Hanns

ang pinakamatanda sa mga Agron sa states... 11 years old...

ang nakakatuwa sa kanya eh nagkakasundo kami sa hilig.. GAAAAAAAAAAAAMES!!

although yung taste nya ay medyo pambata, at mas trip nya mga flash based web games habang ako naman eh mas trip ang mga retail games na pinipirata ko lang.. pero at least nagkakasundo kami sa arcades at Guitar Hero.. too bad wala pa kaming Rock Band for the PS3.. di tuloy kami makapag-jamming..

Victim #2: Beatrice Joyce Agron aka Bea

ang pangatlo? pang-apat? o pang-lima na taong kilala ko na Bea ang pangalan.. kaya tinatawag ko na lang syang "Hey" para walang pagkakatalo..

Di kami masyadong close pero hey.. I can keep up with her accent.. inglesera silang lahat pero sya yung walang tagalog na punto eh.. kaya feeling mo talagang amerikana ang kausap mo..

siguro may mga times na close kami.. lalo na pag nagiging professor nya ko sa Foreign Languages class nya.. ang topic namin eh ang language na "Tagalog".. so far.. err.. ayos lang.. nakakalimutan nya minsan yung mga words pero alam nya yung ibig sabihin.. pero yung accent talaga nya eh.. pag sinasabi nya yung "alis ka" sinasabi nya "aliska" para tuloy amerikanang nag-rurussian..

pero kahit di kami ganun ka-close nagkakasundo pa rin kami sa isang bagay.. ang Little Big Planet.. isa sa mga games ko sa PS3..

see? mga nagagawa talaga ng games sa kabataan.. games unite people!

kaya dapat naglalaro na lang tayo lagi at di gumagawa ng term paper.. para lahat nag-u-unite

Victim# 3: Samantha Claire Agron aka Little Miss Thumbsucker

five years old and still sucking her thumb...

sa tatlo sya yung muka nang adolescent.. dahil sa mga allergies nya.. muka tuloy maraming pimples.. although di halata sa shot na 'to kasi masyadong warm yung colors tapos di ganun ka-ganda yung image contrast...

kahit papaano eh nagkakasundo kami.. pero di sa games.. sa kulitan naman.. lagi akong kinukulit nyan! pag may maliit na teddy bear laging ilalagay saken at sasabihin nya sa matinis na boses "I wanna eat your hair! it tastes solid!" kaya ang ginagawa ko eh tinatago ko ang teddy bear pag may pagkakataon.. :D:D:D

I am such a good kuya..

jeebus loves you

Thursday, December 11, 2008

Doctor a-Who! a-Who!

at ngayon... i-enjoy niyo ang musika ng Doctor Who!!!



so.. di mo ginagamit ang science sa transformation mo..

you really are that beautiful..

too bad I don't have the niznags to swim with the sharks..

true, I like sharksfin dumplings but I can only handle them when they're dead and processed... not when they're alive and swimming...

compared to most of them I'm a microscopic plankton.. food for the whales..

but at least I know how to make my own food.. unlike the other creatures in the sea who would kill for food...

Wednesday, December 10, 2008

fake up

ikaw ba yan?

anlaki ng ipinagbago mo sa pagkaliit liit na panahon.. pumayat ka, pumuti ka.. gumanda ka?

kung hindi ka lang sana kinain ng mga kapitalista na kinakalaban ko..

nawala na yung dating nakilala ko.. nawala na yung mga mata na nagpapakita ng innocence and curiosity.. napalitan na ng eyeliner at mascara.. nawala na ang dati mong balat.. napalitan na ng foundation at powder..

pero lahat tayo nagbabago.. baka di ko lang matanggap kung ano ang nangayari sa'yo.. oo nga maganda ka ngayon.. pero mas katanggap tanggap ka dati.. nung di ka pa katulad ng marami..

wala eh.. natulad ka na rin sa kanila eh.. sayang.. kung di ka lang nag-suot ng make up in the first place..

pero di ko dapat pagisipan ang dapat kong ginawa.. sa mga ganito nagmumula ang idea ng pag-balik sa nakaraan para baguhin to eh..

kung meron lang talaga ako nun.. kinausap na kita't nagpakilala na ko ng mas maaga nung nagkasalubong ang titig natin..

baka ibang tao na ako ngayon kung nauna ka noon..

atska di ka na sana taong make up ngayon

Tuesday, December 09, 2008

doctor when

gusto ko maging isang batikan na physicist... para tanggapin ako sa Area 51 sa Nevada.. para mag-dra-drive ako ng mga UFOs...

na-e-LSS ako sa original theme song ng Doctor Who.. yung sobrang makaluma.. yung first ever song na maproduce without using any musical instruments..

anyway...

nawala lahat ng blood chem results ng respondents namin sa trial namin para sa scientific research.. putchak patay kami..

tapos wala pang kwenta si Geo sa grupo... napakasaklap talaga pag ikaw lang ang inaasahan ng grupo at tamad ka pa...

tama na ang distractions.. kelangan ko ng inspirasyon para magtrabaho!

pero wala eh.. inaayos yung pintura ng bahay namin.. di ako makapag-focus...

dun ako kulang eh.. sa focus... kaya kelangan ko ng... NORMAL NA SCHOOL SCHEDULE!

putchak yan.. parang araw-araw na lang sa school petiks na lang kami.. english time.. sa library! scientific research.. sa library! filipino.. activity na ewan! CAT.. maghanap ng hazards sa school! Economics.. umupo!

buti pa ang math, physics at theology... may mga lessons.. at least di nakaka-mush ng utak pag ganun.. pero grabe naman! parang buong araw wala na kong ginawa sa iskwelahan.. 80 thou binabayad namin.. at san napupunta yung pera? sa pagpapaganda para sa PAASCU! para saan yung 5 thou na UBD books? para sa wala! halos di namin nagamit yung Writer's Choice namin! buti pa yung Physics at Math books.. nagagamit kahit papaano.. pero pakshet naman! eh kung yung economics book namin na pagka-nipis-nipis di pa namin matapos at 3rd quarter na... pano pa kaya yung pagka-kapal at pagka-laking mga UBD na yun? kaya nga tayo nag aaral ng economics eh.. para di sayang yung resources natin.. eh tingnan mo ngayon kung san napupunta pera ng mga magulang natin.. sa sub standard education na inooffer ng iskwelahan natin!

kahit si Manny Miranda nagsasabi sub standard yung iskwelahan natin(namin? natin? ewan..) eh.. tapos yung CAT activity na maghanap ng hazards sa iskwelahan.. activity ba yan ng iskwelahanang binabayaran ng roughly 180 students ng 80 thou? sa 80 thou na binabayad dapat ng mga magulang natin wala nang ganyan ganyan.. dapat yung gym di pambanyo na exhaust fan ang ginagamit.. dapat yung surveilance cameras ginagamit.. eh mukang props lang sa mga sekyu ng iskwelahan yun eh.. panakot sa mga baguhan sa sistema...

pakshet nagmumuka tuloy akong tibak.. pero syempre.. ba't ka naman ba magrereklamo kung maayos naman yung sistemang kinabibilangan mo diba? kaya may mga nagrereklamo kasi di nila nakukuha ang nararapat sa kanila.. pero ibang kaso naman ang pagiging spoiled... pero kung ang value ng nakukuha mo in return ay di katumbas ng effort na binigay mo para dun.. eh panahon na para mambulabog.. mga pakshet pala sila eh..

talamak naman kasi ang katiwalian sa bansa natin eh.. let us not hold our breaths..

oh when? doctor when?

Monday, December 08, 2008

posera

di dapat pala ako umalis na maaga.. nakita ko pa sana yun..

oh well.. malabo rin naman akong makapagsalita pa.. baka hanggang titig nanaman ako... magmumuka akong istalker..

pakshet.

ewan muka rin naman maharlika yung gago na yun kaya baka inglesin ako.. keri ko naman.. pero ambaho kasi nung pinangalingan ko.. di tuloy ako makapag-isip ng mabuti..

kaya siguro ako nagmadaling makalabas..

kaya siguro bumalik pa ko at nag-mukang tanga...

kumain na lang sana ako ng snack box pero ambaho sa KFC eh.. wag na lang pala..

madali lang naman mag-hanap ng tao eh.. nandito lang yan sa multiply.. hahantingin ko nga yun..

wala lang.. trip tripan lang.. muka kasing isang spunky little lady eh.. yung tipong makikinig sa poser bands kaya umuupo sa dulo ng room.. tas PMS-y pa yung dating nya pag naglalakad.. kickass..

posera amp

Monday, December 01, 2008

morphine... lessphine

manonood lang ako ng Twilight pag libre lahat ng expenses...

ano ba meron sa Twilight? maliban sa lab story ng isang bampira at babae.. parang andaming gustong manood eh..

sabi nga saken ni Kat(z) di na daw uso ang magic.. kawawa naman ang paborito nating scarred magical school boy.. ni di pa nga tapos yung pelikula ng Harry Potter may papalit nang kasunod!

pero siguro kasi nag-mamature na yung audience.. siguro kasi dati mas nakakarelate sila sa buhay iskwela ni Harry Potter.. tapos ngayon lab story na ng bampira trip ng mga tao.. nagsimula nang mag-rage ang kanilang hormones... based on this trend sa tingin ko mga zombies na may mid-life crisis yung susunod na magiging uso..

nakakatakot ito.. pag mga related sa love ang madalas sa media tumataas lalo yung inflation rate ng population natin eh.. mukang kelangan na nating i-exterminate ang current squatters ng metro manila...

ba't kasi sila dito sa manila namumuhay.. eh mas maginhawa pa nga ang buhay nila sa probinsya kung tutuusin eh...

oh well deep well..

pero at least dito sa maynila maaga ang Twilight at Bolt.. baka trip rin nila yung kilig moments sa tuktok ng puno..

nakaka-LSS yung kanta ng paramore.. yung sa OST ng Twilight.. naiirita ako sa tunog talaga ng bandang yun..

I need morphine