This day is unsurprisngly slow... I did nothing but sit infornt of the PC all day while eating my grandmother's oranges and my tasteless lemonades...
This post isn't about Oranges and Lemonades actually... it's all about the clichés in Pinoy Action movies... so without further ado(shit), here's 'the-shit-without-a-title-since-Kenneth's-too-lazy-to-formulate-a-single-title'...
cliché # 1: Umiikot and istorya sa paghihiganti.
reason: kasi dun lang makarelate ang mga tindero't tinderang madalas utangan at hinde nababayaran...
cliché # 2: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamaganak n'ya(nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)
reason: kasi mas maayos ang rason ng kanyang paghihiganti kung ganun ang nang-yari
cliché # 3: Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.
reason: kasi ang mga lasing kahit sino na ang pinagtritripan!
cliché # 4: Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
reason: para madaling mang-gulo ang kontrabida... kasi rin mas maraming madadamay sa ganung scenario
cliché # 5: Hinde nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lay ang mga sugat n'ya.
reason: nag-eenjoy pa kasi ang bida sa laban nila...
cliché # 6: Pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahahahaha," autoatic, kontrabida 'yon.
reason: kasi ang tawang 'ahihihihi'/'teehee' ay pang babae; 'hohohohohoho' pang Santa Clause; 'nyahahahaha' ay para sa mga goblins at ang kanyang mga kamaganak; 'hehehehe' ay tawang pilit; 'hahahahaha' ay natatawa dahil sa joke; 'harharharharharhar' ay para sa mga pirata...
cliché # 7: Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.
reason: kasi ibang usapan na kung orgasm ang lumalabas sa bibig ng kontrabida...
cliché # 8: Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
reason: kasi ang sigarilyo at bisyo ay dahilan sa kanyang pagiging masama...
cliché # 9: Mahilig sa leather jacket and kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.
reason: para naman hinde masabing cheap ang kontrabida...
cliché # 10: Ang Structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata"
reason: kasi wala namang paki ang mga pinoy sa mga henchmans at kung anu-ano pa... gusto nila ng aksyon!
cliché # 11: Ang kuta ng kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
reason: Para hinde na makaabala sa mga tao na nasa public places... at para na rin na walang mga taong nag-h-hi sa camera.
cliché # 12: Lagi ding may eksena sa isang beer house.
reason: kasi mas maraming pinoy ang pumupunta sa beer house kaysa sa isang club.
cliché # 13:May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwnto sa Abante.
reason: may deal kasi ang Abante at ang mga direktor ng mga ganyang films...
cliché # 14: Pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin ulit ang leading lady.
reason: lumalabas ang true side ng babae sa isang bed scene.
cliché # 15: Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isa ng lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
reason: sinong pinoy ang hinde?
cliché # 16: Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at papahirapan, dahil lagi s'yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.
reason: kasi sadista dapat ang role ng isang big boss sa isang Pinoy Action Movie...
cliché # 17: Pagdating sa big boss, papatayin din s'ya, pinatagal lang ng konti.
reason: kasi may lahing Japanese ang direktor... tingnan nyo ung death march!
cliché # 18: Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.
reason: mga peace loving people ang mga pinoy... peace!
cliché # 19: May malakas na pagpapasabog kahit hinde naman kailangan.
reason: wala naman kasing Audio Equipment school dito sa pinas!
cliché # 20: Walang malakas na pagsabog kahit na kailangan.
reason: kasi limited lang ang mga sounds na iyon... nagamit na ng mga Sound FX crew ang sound na pagsabog sa mga hinde kailangan.
cliché # 21: Mura lang ang baril aat pwede itong itapon kung wala nang bala.
reason: mahal kasi ang magazine.
cliché # 22: Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
reason: pumepwesto kasi ang bida sa mga mababaril na lugar.
cliché # 23: Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa s'ya nakakahawak nito sa buong buhay n'ya.
reason: beginner's luck?
cliché # 24: Kaya ng dalawangpung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.
reason: kasi pag sabay-sabay sumugod ang mga kontrabida sa kanya eh hinde na makikita ng camera ang mga pangyayari.
cliché # 25: Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
reason: kasi nakakhiya kung mapapatay ka ng 'mga bata'...
cliché # 26: Tamaan man s'ya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.
reason: kasi magalaw ang mga kamay ng 'mga bata'...
cliché # 27: Siyam ang buhay ng bida.
reason: kasi mahilig sa siopao ang bida
cliché # 28: Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
reason: laing The Siopao Factory ang lugar na piagdadatan ng leading lady at ng bida
cliché # 29: Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.
reason: kasi kadalasang walang sequel ang mga movies na may ganung eksena... kaya linulubos na nga mga malalagutan ng hininga ang kanilang oras sa mundo...
cliché # 30: Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.
reason: alanga naman na sa kanan o kaliwa o sa likod siya tumingin... at ampangit naman pakingan kung isisigaw ng namatayan ay:'tae!'... pwede rin naman isigaw ang: 'hinde!'...
cliché # 31: Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
reason: ganun naman mga pinoy diba? mga playboy't playgirl...
cliché # 32: Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aaresto sa mga kalaban. Oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida, kahit na sangkot ito sa riot!
reason: hinde talaga totoong late sila dumating... andyan na talaga sila... pinanood lang nila ang bakbakan para hinde na sila mag sayang ng bala at enerhiya...
*alam kong korny ang post na ito... basta... maki-ride na lang kayo!
No comments:
Post a Comment