Kapag ang paligid ay mainit, at may mga bagong tuling tumatalon sa tubig... isa lang ang ibig sabihin... BINATA NA SILA!
Saturday, July 29, 2006
Dorks in Space
YAMAN
naiingit ako sa mga mayayaman.. pero diba sabi nila masamang maingit? pero hinde natin maiiwasan un eh.. kaya nagpupursigi akong maging magaling sa larangan ng football(or soccer para dun sa mga influenced ng mga Americano).. baket? kasi pag magaling ako sa football pwede akong matangap sa isang football club.. tas aasenso rin ako.. tas kukunin ako ng mga european football clubs! eh milyon-milyon pa naman ang bayad sa mga football players!!! hehe..
kaya pag nagkapera ako.. eto bibilhin ko:
1. buong set ng The Sandman
2. ang mga translated versions ng XIII(volumes 1-5)
3. PS3
4. Xbox 360
5. Nintendo Wii
6. Nintendo DS
7. High-end PC(P4 3.0 GHz Processor, 120 GB HD, 256 MB na video card.. pwede na ATi Radeon, surround sound enabled na sound system at 1GB of RAM)
8. HDTV!!!
9. maayos na sound system
10. Korg na synths
11. Bass Guitar
12. Electric Guitar
13. Effect Pedals(Delay, Distortion, Chorus)
14. Nokia N91
15. Adidas +Teamgeist ball
16. Adidas +F50
17. isang malaking lote kung saan pwede ako magpatayo ng isang football field
18. replica jerseys ng France, Netherlands, Germany, Argentina, Barcelona FC, Chelsea FC, Manchester United, Arsenal, Real Madrid at ng PHILIPPINE TEAM!!
19. pagkain para sa mga skwater dito.. :D
BACK TO REALITY
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. tama na ang pananaginip ng gising.. wala lang akong mapapala dito.. haaaaaaaaaaaaaaaai.. sadyang lahat talaga ng bagay ay may kapalit.. haaaaaaaaaaaaaai.. ay! naku! di ko pa pala nagagawa mga dapat kong gawin!!! HALA!!
baket pa kasi ako nagbasa ng The Sandman.. T_T.. pero may naitulong ang pagbabasa ko ng The Sandman sa mga gagawin ko.. since dapat kaming gumawa ng comic book para sa english.. nakakuha na ako ng inspirasyon! kaya lalagyan ko ng dark elements ung gagawin kong komiks.. gagawin kong 'graphic novel' ang 'comic book' na hinihingi ni Elemento..
ano nga ba ang pinagkaiba ng comic book sa graphic novel? eh pareho lang naman silang mga drinawing na istorya.. nakapanel para ipakita ang mga aksyon na nangyayari.. pero ang pagkakaiba nila ay ang comic book ay hinde gaanong seryoso.. more on the funny side sya.. eh ang graphic novel naman ay mas seryoso.. at minsan.. hinde na nakakatawa.. o.. ayan nanaman.. mga definitions ng isang troubled boy.. salamat sa pakikinig..
Buko Juice at Babaeng Puto..
KULUR GREEN
haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. baket kaya sinasabing green ang mga kabastusan o ka-'L'an?? wala na ba talagang maisip ang mga tao ngayon at sa kulay green nila isinasama ang kabastusan?!?! ano ba ang meron sa kulay na green?? wala ka namang maiisip na bastos kung tinitingnan mo ang kulay green.. kung tutuosin nga.. masakit sa mata ang kulay green eh(maliban lang sa dark green).. tska lalo lang akong nahihilo pag tinitingnan ko ang kulay green! kaya baket nila iaasociate ang green sa kabastusan?!?! haaaaaaaaaaaaaaaai.. pagkatapos ikumpara ang pula sa galit o away(at sa pinaka-magaling na team ngayon sa NCAA Basketball!! hohoho!).. or ikumpara ang asul sa kalungkutan at tranquility(na hinde ko alam ang ibig sabihin).. or puti sa purity.. or sa yellow na pwedeng maassociate sa kasiyahan o sa pinaka banong team sa NCAA Basketball (tska samahan mo ng dark blue para hinde matamaan ung ibang iskwelahan).. at sa pink na maassociate sa femininity.. haaaaaaaaaaaaaaai.. hinde ko na alam ang aking sasabihin..
CSJL-SBC MATCH
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. sayang.. hinde ko napanood ang laban ng Beda't Letran.. sold out na kasi eh.. T_T.. nakakainis!! pero since may ID naman mum ko at pwede naman syang lumusot sa mga guards pag may laro sa NCAA, nakapanood sya! nakakaingit.. pero sabi ng mum ko parang championship ung laban dahil sa sobrang dami ng tao!! tska sabi nya baka daw may magsuntukan kasi nagmumurahan daw ung dalawang iskwelahan.. haaaaaaaaaaaaai naku!! mga pare pa naman mga humahawak sa kanilang iskwelahan(Jesuits para sa Letran at Benedictines para sa mga Bedista).. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. naiingit ako sa mga nakapanood..
Isang malaking tagumpay ang pag talo sa Letran! baket? kasi sila ung nasa tuktok ng standing sa NCAA Basketball.. at nakakatuwa naman kung matatalo ng Beda ang Letran na nakatalo sa PCU ngunit nakatalo sa Beda.. gets? basta.. hinde man ako basketball fan(dahil naboboringan ako sa laro) sapat na ang saya ng mga tao pag nananalo ang isang team para mahiligan ito.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. ano kaya ang mangyayari sa Finals?? hehe..
Wednesday, July 26, 2006
Steff Nick
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. nakakainis.. ansakeeeeeeeeet ng leeg(neck) ko.. stiff neck daw.. ansakeeeeeeeeeeeeeeeeet.. buti't walang practice ang football team.. sumakit na rin ung right binti ko.. T_T
OMEGA PAIN KILLER
Sandamakmak na Omega Pain Killer na pinahid ko sa aking leeg kanina sa clinic.. pero ansarap nya.. mainit sa balat.. enjoy! :D.. sinubukan ko ito nung umaga habang nag-sascience.. since wala namang paki si Seguban kung may ginagawa kang kagaguhan sa papel.. naisipan kong gumawa ng komiks.. tungkol sa isang super hero.. inspirasyon ko ang init na nadarama dahil sa Omega Pain Killer.. kaya ginawa ko si Omega ang Pain Killer.. walang kwenta naman ung komiks ko.. kalaban ni Omega ay si Alpha.. walang istorya.. nagpapasiklaban lang naman ng 'powers' ung dalawa.. ang power ni Omega ay mag-dura ng green na fluid na nakakatunaw ng bagay.. at si Alpha naman ay nakaka-restore ng mga bagay na nasisira ni Omega.. nakalimutan ko pala.. si Omega ay isang malaking bote na may kamay't binti.. tska mata't bibig.. at si Alpha ay bote rin, ngunit sya'y cute.. :D
Pagkatapos ng science ay nagisip pa ako ng mga bagay na pwedeng idagdag sa komiks ko habang pinoproblema ko ang aking stiff neck.. naisip ko.. magbabati rin balang araw si Alpha at si Omega.. at ang magkukunekta sa kanila ay si Beta! tska si Numeric.. para may AlphaBeta at AlphaNumeric!!(NGEEEEEEEEEEEEEEEEE~ KORNI!!!!)..
ALPHA PAIN GENERATOR
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. lam nyo ba pag mahaba ang mga hai's ko, ibig sabihin nun eh bored ako.. at kung maiksi.. wala akong magawa.. ano pinagkaiba nun? ayon sa aking diksyonaryo ang bored ay tinatamad sa isang bagay at nagsasawa na.. at ang walang magawa ay wala talagang magawa maliban sa ginagawa nya nung sinabi nya na wala siyang magawa.. eto example: nag-sasaoundtrip ang isang bata habang gumagawa ng bagong post para sa kanyang walang kwentang blog at may ka-chat sa YM o sa kahit ano mang instant messenger chorva.. nakipag-chat sya sa isang contact nya.. 'uy pare, wala akong magawa..'.. pero kitang-kita naman na nag-sasoundtrip si adik at gumagawa pa ng bagong chorva para sa kanyang blog.. ganun ang walang magawa!!
lupet 'no? kung gusto nyong mag pa-define sakin ng mga salita.. mag-comment lang kayo sa post na ito at gagawa ako ng bagong post kung saan nakalagay ang definiton ng salitang gusto nyong maintindihan.. pero kung nalalabuan kayo.. dontcha worry! dahil bumubobo ako pag may stiff neck.. :D
weyt por moir..
wala lang talag akong magawa.. pero kahit ganito kaiksi itong post na ito.. masaya na ako dahil ito ang pinakauna kong post sa blog na ito na ginawa ko sa kompyuter lab ng Beda.. :D
Monday, July 24, 2006
Gusto ko ng Baboy
Napakasaya at maulan at walang pasok! Pero nakakainis dahil hinde ako makakasali sa football team ngayon.. kasabayan ko sana si Toru.. dapat nga sasali sya nung thursday pero pinigilan ko para may kasama ako!(wat r prends r por? lol) astka kailangan daw may studs ung sapatos na gagamitin.. inde nyo alam ung studs? ang studs ay ang mga maliliit na bagay na nakalawit sa sole ng mga sapatos na pang football.. may matulis, may hinde.. may malambot, may matigas.. may rubber, at may plastik.. teka.. may naiisip ba kayong bastos sa mga sinabi ko?? hehe..
FUTBOL
Binigyan ako kahapon ng dad ko ng 5k pambili daw ng equips na gagamitin ko para sumali sa football team.. ang plano ko sanang bilhin ay ang Adidas F30 na nakita ko sa Shang, atska kahit anong knee high socks at disenteng shin guards..
ayan ang Adidas F30.. ganyan na ganyan ung nakita ko sa Shang.. 4k isa nyan.. pero iniisip ko.. kailangan ko ba ng ganyang sapatos? eh hinde nga ako sigurado kung makakatagal ako sa team eh.. pero with my strong passion.. makakatagal ako sa team.. sana(NGEEEEEEEEEEEEEE~)
MUISQUE
haaaaaaaaaaaaai naku.. mukang nagiging emoer na ako.. kasi sabi ng aking WinAmp naplay ko na dwa ng 126 times ang kantang A Promise ng Chicosci.. habang ang ibang kanta katulad ng Lullaby ng The Cure atska Follow(The Mad March) ng The Late Isabel ay umaabot lang ng 40+.. kaya napagisipan ko na munang i-erase ang kantang A Promise sa PC ko.. sayang at may topak DSL namin.. andami ko na sanang na-download.. gusto ko sana ung Something About Us ng Daft Punk.. atska ung TAMANG version ng Voyager ng Daft Punk ulet.. haaaaaaaaaaaaaaaai.. mukang mas mainam na iwanan ko na ang mundo ng mga rockers dahil nagiging korni na at napupuno na ng mga posers ang pinas.. sa electronic music na lang ulet ako.. at least sa electronic music pwede kong gawin ng walang kasamang iba.. basta't may kompyuter lang ako at pwede na akong gumawa ng sarili kong musika!!
PINOY POSERS
nakakahalata lang ako sa mga batang nakikita ko dito sa Rizal/Cainta/or kung saan man.. nahahalata nyo ba ung mga taong may mga bags ko shirts o kahit anu man na may sign ng Anarchy atska ng Swastika? basta.. ako nakakahalata na.. sure ako hinde alam ng mga nilalang na iyan kung ano ang TOTOONG ibig sabihin ng mga signs na iyan! pasuotsuot pa sila ng ganyan.. pero.. hinde ko pa natatanong ang meisang batang nagsusuot ng ganun.. kaya dinedare ko kayo na maghanap ng mga GANUNG nilalang at tanongin nyo 'ano ibig sabihin nyan?'*sabay turo sa swastika/anarchy sign*.. pero kung alam nga nila un.. baket ayaw nilang manira, magnakaw, pumatay, man-rape? ganun naman pag anarchy diba? atska pag may swastika.. wag na wag na silang pumunta sa church o mag dasal!! tae.. parang inverted na cross ang katumbas nyan sa chatholicism! pero sa pagkakaalam ko.. roman cross na tabingi ang swastika.. blah! bahala na..
ang mahiwagang swastika.. siguro sasabihin ng mga tao.. 'Nazi yan!'.. isasagot ko.. 'sa palagay mo asteeg ka na kung may ganyan ka? alam mo ba ibig sabihin nyan?..
ang mahiwagang anarchy sign.. asteeg daw.. pero kung asteeg nga.. gawin nga nila ung mga ginagawa ng taong namumuhay sa isang bansang nasa anarchy!
Saturday, July 22, 2006
Cause I've Got 68 Days to Live
baket yan ang naisip kong topic? WALA LANG!! wala talaga akong magawa.. as in.. pero sabi ng utak ko gawin ko na ung project ko para sa Soc Sci.. pero sabi naman ng katawan ko next time na lang.. wala nang sinabing iba ang aking katawan.. haaaaaaaaaaaaai naku.. amboring nitong araw na ito.. sa simula lang maganda.. baket? kasi may pumunta kami sa tahanang walang hagdan..
TAHANANG WALANG HAGDAN
ang tahanang walang hagdan ay isang tahanan na walang hagdan.. NGEEEEEEEEE~
totoo nga un.. pero ang nakakapagtaka.. baket pa kaya tatawaging 'Tahanang Walang Hagdan' ung lugar na un kung wala naman silang second floor?!?! nu ba naman un?! atska hinde lang mga pilay ang naandun! may mga 'i-special' na mga nilalang dun! natuwa ako dun sa isang MALIIT na nilalang.. mga nasa 70-sumthing years old na DAW.. mabilis daw kasi tumanda.. lupet nga eh.. anliit.. mas maliit pa kay Dagul!! atska ampayat nya!! nakakatuwa nga nung nakita ko sya may dala-dalang plastic bag na may laman na ispaghetti at burger(mula kay Jan Corcuera).. halos 1/3 na ng katawan nya ang size nung plastic bag!! putaningang yan!! nag-enjoy lang naman kasi ako dito kasi nakakain ako ng 2 ispaghetti atska 4 na burger mula McDo.. solb na!!
BAKET NAGING BORING ANG ARAW
haaaaaaaaaaaaaaaai naku.. nakakainis.. sira nanaman DSL namin.. gago talaga PLDT.. ampanget ng serbisyo nila!! AARRRGGHH!! napilitan tuloy akong gumawa na lang ng musika.. nasa kwarto lang ako magdamag.. tumutugtog ng Keys atska ng 5 string acoustic guitar.. baket naging 5 string? kasi naputol ung isang string.. T_T.. putcha.. apat na oras ako sa kwarto ko.. pinageexperimentuhan ang iba't ibang tech chorva ng keys ko.. sa keys ko Square Lead kadalasan kong ginagamit pero minsan ginagamit ko rin ang Analog at ang Grand Piano.. at since tanga ako sa gitara.. puro E, A, G at C ang nagagawa ko.. T_T.. malas.. kaya ang ginawa ko na lang.. sinubukan kong i-arrange sila sa iba-ibang orders or iniba ko ung pag-strum ko.. kaya nakagawa ako ng shit(song).. ang title nya ay 'Silence'.. isang kanta tungkol sa loneliness at kung ano ang epekto nito sa pagiisip mo.. atska nakagawa rin ako ng isang piyesa gamit ang Grand Piano.. malungkot ang tunog nya(katulad ng ibang piyesang nagagawa ko)..
68 DAYS TO LIVE
lam nyo ba.. habang ginagawa ko itong blog post na ito.. nakikinig lang ako sa 68 ng The Late Isabel mula sa album nilang The Doll's Head na mabibili nyo sa mga leading record bars.. nagagandahan ako dun sa kanta (pati kay Wawi).. lalo na ung isang part na may sisigaw.. ngagandahan ako sa linyang 'cause I've got 68 days to live, and I've got nothing much to give' atska sa 'hands clutching, soon gasping ahhhhhhhaaahaaaa'.. gusto nyo marinig? http://www.geocities.com/thelateisabel/dollshead.htm << ayan link.. enjoy!!
Friday, July 21, 2006
Secondyer
DOS-BENTE
ang dos-bente ay isang section na hinahandle ni Ms Michelle Duka.. si Ms Duka ay isang math titser ng secondyers at ng terdyers(ata).. karamihan ng mga tao sa dos-bente ay mga mababait na tao('lupet ha.. walang nambababra').. or matatalino('pare.. pakopya ng assignment').. or mapera('PALIBRE!!').. ang dos-bente ay nasa ilalim ng rule ng presidenteng si Apple.. at sa assistant ni Apple na si Nicole.. at ang taga-kuha ng tax na si Dyan.. at ang guardya ng sagradong lalagyan ng pera na si Kevin.. at ang opiser na pang-intrams na si Camille.. pero sa palagay ko.. Anarchy ang type ng government ng dos-bente..
at kung may depatment of health at kung anu-ano pang chrova ang pangulo ng Pilipinas.. meron ring ganyan ang dos-bente! committees ang tawag dyan!! may Peace Committee(kung saan ako nabibilang) led by Jan Corcuera.. ang committee na yan ang nag-didisiplina sa mga estudyante ng dos-bente.. pero dahil sa katamaran ng lider ng committeeng iyan.. balewala na rin sila.. meron ring Faith Committe.. hinde ko alam ung lider kasi hinde naman ako kasali sa comitteeng iyan.. sila daw ung mga nag-aayos ng misa at kung anu-ano pang religious na bagay na gaganapin.. susunod naman ay ang Hope Committee.. paki ko rin ba sa lider ng committeeng iyan.. pero sila ung mga tumutulong sa mga tamad na bata or sa mga batang minalas dahil boring mag-turo ung guro.. sunod naman ay ang Work Committee.. led by fafa Sean Pomperada.. sila ung mga taong nag-aayos ng ewan ng mga ewan.. basta.. ganun na un!
ang mga nilalang na bumubuo ng dos-bente:
Akeem Aragon - pinakamaliit na lalaki ng dos-bente
Mikki Barrameda - isa daw sa mga lalaking barako ng seksyon
Camille Bartolo - ang isports rep ng seksyon na puno ng mga matatalinong estudyante
Kevin Cabral - maliit rin.. wala pa namang kakaiba sa kanya.. natutuwa naman si Pascual at si Rivor sa kanya..
Gerard Chu - si Dragon Ball.. at palaging amoy wax ang buhok nya
Paolo Chua - emo boy DAW.. isa rin sa bading ng seksyon..
Julian Cirineo - isa sa mga matatalinong bata ng seksyon at ang nag-iisang batang may kulay ang buhok.. na hinde natural!!
Jan Corcuera - ang lalaking may pinakamababang boses sa dos-bente.. mapera pa!!
JM Corotan - si Boy Angas..
Charmaine Dela Cruz - isa sa pinakamayaman sa klasrum.. at isa ko ring kaklase lastyer
Merlin Dionisio - ang katabi ko!! un lang.. hehe
Clang Dombrique - isa sa mga new istudents ng Beda.. varsity rin ng taekwondo.. tibo daw..
Russel Endaya - mtalinong bata!! atska sacristan!!
Kenneth Fernandez - ang pinakapogi na bata sa dos-bente.. ULOOOOOOOOOOL!!
Shenyll Fuentes - ang babaeng hinde nag-eexist sa Beda dahil Sheryll ang pangalan nya sa record.. NGEEEEEEEEEEEEE~
Amira Gocela - bagong estudyante.. di ko kilala..
Rainier Hermosa - isa sa mga pogi sa klasrum.. kasunod lang ni Kenneth Fernandez..
Mike Limlengco - ang pinakaunang nabara(na-weh) sa dos-bente.. maliit rin! :D
Dyan Lucero - ang pinakamaliit na babae sa dos-bente.. at ang aming tax collector
Apple Mertalla - ang presidente namin.. T_T
Sid Pacis - ang aking bespren sa klasrum!! atska may kras sya kay Guillen
DJ Pascua - semi-kal.. un lang.. :D
CJ Pascual - ang paboritong estudyante ni Mrs Elemento..
Pieranne Penero - dati kong klasmeyt.. un lang! XD
JC Perez - anak ng presidente ng parents chorva ng dos-bente
Sean Pomperada - isa sa mga pinakapoging estudyante sa dos-bente.. kasunod lang ni Kenneth.. XD
Paolo Quimbo - ang messenger boy namin.. aka PRO
Jonell Remigio - dating taga-trese.. un lang!!
Emmanuel Reyes - hinde daw sya bading.. un lang!!
Kevin Rivor - ang tagapagbantay ng mahiwagang lalagyan ng pera ng dos-bente.. aka Auditor
King Rull - ang pinakahuling estudyanteng dumating sa klasrum.. at ang estudyanteng may pinakamaraming tawag.. 'King!', 'Jerusalem!', 'KJ!', 'Rull!'..
Katz Rullan - dati kong kaklase.. un lang!!
Ralvin Torres - ang higante ng dos-bente.. dating dos-bente-dos.. at vartisy ng basketball.. :D
Nicole Tulagan - ang assistant ng presidente.. at isa rin sa mga matatalinong estudyante..
Anzel Valderama - pang-emo ung frame ng eyeglasses.. un lang!!
Redmond Zapanta - isa sa mga pinakagwapong estudyante ng dos-bente.. kasunod lang ni Kenneth!! dancer rin.. atska vatisy ng Table Tennis.. :D
BUHAY SECONDYER
andaming bago ngayon.. si Sid na kasama ko on a regular basis, prends na kami nina Toru, nakakausap ko na rin sa personal si Bea, in lab na si Justin Malicdem.. may pa-angelface-angelface pa silang natututunan!! nahalata ko rin.. andami nang mag-syosyota sa secondyer.. nakakpagtaka lang.. baket kaya sila magkakaroon ng ganyan eh kung hinde naman sila marunong mag mahal.. or hinde pa nila naiintindihan ang meaning ng love.. pwede mo ring masabing puppy love yan.. pero baket umaabot na sa pagkakaroon ng syota?? wooooo.. strange.. buti pa ang mga single!! ansasaya!! pero depende na rin sa tao un.. may iba na gustong magkasyota.. may iba na hinde.. at isa ako sa mga ayaw magkasyota!! baket masaya? kasi mas marami kang time para ma-enjoy ang iyong pagkabata! admit it.. mga bata pa tayo(except sa mga 15 yrs old pataas).. i-enjoy muna natin ang mga araw natin na kaunti lang ang mga responsibilidad.. pero kung gusto nyo nang magka-syota.. sige.. go.. hinde ko kayo pinipigilan.. sino ba ako para mag-dikta sa inyo?(nakana.. pan-drama na!! whooooooo!!)
Thursday, July 13, 2006
+5 Team
now let's begin..
ang magiging formation ko ay 1-2-1.. para ung dalawang midfields pwede sa opensa at sa depensa.. .. sorry kung panget itong nagawa ko.. tanga ako eh!
for my goalkeeper.. pipiliin ko siguro si Oliver Kahn ng Germany.. wala lang.. nakita ko
lang ung iskills nya nung WC.. isipin mo.. 37 yrs old na sya!! ayos!
or.. pipiliin ko si Edwin van der Sar ng Netherlands.. lufet!!
or.. si Toru Takahashi!!! da bestest!!
kung defender pag uusapan.. baka piliin ko si Marcel Desailly.. pero.. di kami close.. T_T
tapos sa midfield.. ilalagay ko ay ang pass master! si Zizou! ang lalaking nanheadbutt sa finals ng WC!!
ako rin kasama nya!! :D
striker ko.. Paulino Alcantara.. ang pinaka-malupet ng Pinoy Football player!! siya rin ung highest scorer ng FC Barcelona!! san ka pa?!
magkamuka kami 'no? hehe..
at salamat sa inyong oras na nasayang.. :D
Friday, July 07, 2006
my blog sucks.. :D
wala ka nanamang magawa 'no? naisipan mong tingnan ang aking walang kwentang blog.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. baket kaya itim lang ang meron sa blog ko? wala na kayong mapapala dito sa blog ko! parang spam! kaya ang dapat nating gawin ay magpakamatay!! Gayahin natin ang mga emo-friends natin!! /heh
WALA AKONG MAGAWA!!