wasting time.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai naku.. hirap talaga ng buhay ng mga mahihirap.. mas konti ang mga prebilehyong nakukuha mo.. at mas konti ang mga pleasures na natitikman mo.. pero on the other hand.. mas murang tax ang babayaran mo.. :-P
baket yan ang naisip kong topic? WALA LANG!! wala talaga akong magawa.. as in.. pero sabi ng utak ko gawin ko na ung project ko para sa Soc Sci.. pero sabi naman ng katawan ko next time na lang.. wala nang sinabing iba ang aking katawan.. haaaaaaaaaaaaai naku.. amboring nitong araw na ito.. sa simula lang maganda.. baket? kasi may pumunta kami sa tahanang walang hagdan..
TAHANANG WALANG HAGDAN
ang tahanang walang hagdan ay isang tahanan na walang hagdan.. NGEEEEEEEEE~
totoo nga un.. pero ang nakakapagtaka.. baket pa kaya tatawaging 'Tahanang Walang Hagdan' ung lugar na un kung wala naman silang second floor?!?! nu ba naman un?! atska hinde lang mga pilay ang naandun! may mga 'i-special' na mga nilalang dun! natuwa ako dun sa isang MALIIT na nilalang.. mga nasa 70-sumthing years old na DAW.. mabilis daw kasi tumanda.. lupet nga eh.. anliit.. mas maliit pa kay Dagul!! atska ampayat nya!! nakakatuwa nga nung nakita ko sya may dala-dalang plastic bag na may laman na ispaghetti at burger(mula kay Jan Corcuera).. halos 1/3 na ng katawan nya ang size nung plastic bag!! putaningang yan!! nag-enjoy lang naman kasi ako dito kasi nakakain ako ng 2 ispaghetti atska 4 na burger mula McDo.. solb na!!
BAKET NAGING BORING ANG ARAW
haaaaaaaaaaaaaaaai naku.. nakakainis.. sira nanaman DSL namin.. gago talaga PLDT.. ampanget ng serbisyo nila!! AARRRGGHH!! napilitan tuloy akong gumawa na lang ng musika.. nasa kwarto lang ako magdamag.. tumutugtog ng Keys atska ng 5 string acoustic guitar.. baket naging 5 string? kasi naputol ung isang string.. T_T.. putcha.. apat na oras ako sa kwarto ko.. pinageexperimentuhan ang iba't ibang tech chorva ng keys ko.. sa keys ko Square Lead kadalasan kong ginagamit pero minsan ginagamit ko rin ang Analog at ang Grand Piano.. at since tanga ako sa gitara.. puro E, A, G at C ang nagagawa ko.. T_T.. malas.. kaya ang ginawa ko na lang.. sinubukan kong i-arrange sila sa iba-ibang orders or iniba ko ung pag-strum ko.. kaya nakagawa ako ng shit(song).. ang title nya ay 'Silence'.. isang kanta tungkol sa loneliness at kung ano ang epekto nito sa pagiisip mo.. atska nakagawa rin ako ng isang piyesa gamit ang Grand Piano.. malungkot ang tunog nya(katulad ng ibang piyesang nagagawa ko)..
68 DAYS TO LIVE
lam nyo ba.. habang ginagawa ko itong blog post na ito.. nakikinig lang ako sa 68 ng The Late Isabel mula sa album nilang The Doll's Head na mabibili nyo sa mga leading record bars.. nagagandahan ako dun sa kanta (pati kay Wawi).. lalo na ung isang part na may sisigaw.. ngagandahan ako sa linyang 'cause I've got 68 days to live, and I've got nothing much to give' atska sa 'hands clutching, soon gasping ahhhhhhhaaahaaaa'.. gusto nyo marinig? http://www.geocities.com/thelateisabel/dollshead.htm << ayan link.. enjoy!!
No comments:
Post a Comment