Thursday, August 31, 2006

Don't hold on.. go and get strong..

ahaaaaaai.. ayan.. tapos na isa sa mga proyekto ko sa english.. ang 3d sumthing-sumthing! siyet na malagket! ba't pa kasi kelangan ng ganun!! fotek naman!!! pero mas trip ni Quimbo ung ganun.. kasi pwede mo daw gawing unique ung produkto mo.. haaaaaai.. siguro pagsisisihan ko ung pag-pe-petiks ko english at isa iba pang subjects.. tinatamad lang talaga ako.. baket kaya? baket? baket? baket?

shet.. nakakainis.. pagod na pagooooooooooooooood ako.. tangina.. nanghihina binti ko.. parang pa-bigay na tuhod ko.. kaya ngayon.. kumakaen ako ng macaroni soup.. na kung tawagin ay.. sopas.. ayan.. naka tatlong bowls na ako ng sopas.. mahilig ba kayo sa sopas? kasi ako paborito ko tong kainin! putchak.. paborito ko ito eh! lalo na ung malapot na malapot! tas may mga chicken strips o kung ano man tawag dun.. pero basta! masarap siya! ayaw ko lang ng sopas na may buto-buto pa ung chicken.. tas may hotdog pa! yuck! shet.. gusto ko sa sopas ko eh ung may repolyo tas may garlic.. tas meron pang chicken strips at malapot siya! sheeeeeet! ansarap nun! sana magkaroon ako ng kaibigang magaling magluto ng sopas na malapit lang sa bahay namen! sheeeeeet! tuwing weekends magpapaluto ako sa kanya ng sopas.. kumpleto week ko nun! haharapin ko ang bagong week nang may ngiti sa mukha at mabigat na tiyan!! haaaaaaaaaaaai.. friday na bukas.. magtatapos na ang week!! mukang wala namang masyadong gagawin bukas.. sabi ni Apple baka magkaroon ng Convocation bukas.. hmmmmmm.. hinde na ako umaasa ng makakakuha kami ng banner.. parang nagkalat kami eh.. basta.. ayun.. tapos na ako sa fourth bowl ko.. bukas na rin pala vertey(birthday) ni Ms Manda.. parang ayaw ko mag-attend.. feeling ko kasi galit siya saken eh.. binigay nya kasing conduct grade ko from 1st to 4th quarter ay 75!! kaya mas nararapat na lang na hinde ko siya puntahan dun.. kasi maalala nya lang ang mga masasaklap na pangyayari sa klase nya.. haaaaaaaaaaaaaaaai..

Tuesday, August 29, 2006

layuan ang mga drugs.. it's bad for you!

kami'y nanalo sa sabayang pagbikas sa ikalawang taon.. kami'y maswerte't nandyaan si Ser Sonajo para tulungan kami.. at kami'y maswerte dahil naandyan ang mga malilikhaing nilalang ng 2-20.. pero kami'y malas dahil sa mga petiks na lalaki.. tska dahil kay Limlengco.. PAX!

May mga narinig akong sali-salita mula sa ibang estudyante na mas nararapat ang 2-21 na manalo.. at ang masasabi ko sa inyo ay ito.. tama nga kayo na ang 2-21 ay mas nararapat manalo ng perst place.. ngunit nasa kamay ng mga judges ang desisyon.. kaya kung ako sa inyo.. kaibiganin nyo ang bawat guro sa Beda.. malay nyo.. pag prends nyo sya.. baka taasan pa ang grade na ibigay sa inyo pag magprepresent kayo! ;)

ahaaaaaaaaaaai.. ba't ba ganun? tuwing sinusubukan ko maging seryoso.. napupunta rin sa kalokohan? ano bang meron saken at hinde ko mapanatili ang ka-seryoso-han ko?!?! wahaaaaaaaaai..

Gusto nyo ng donut? ako gusto ko ng donut.. pero wala akong perang pamasahe.. huhuhu.. kawawa naman ako.. buti pa ung iba.. may perang pambili ng donut.. at may perang pamasahe.. ako? bente na lang natitira sa aking bulsa!! putchak! nawalan pa ako ng wallet at ng aso!! tae! medyo nalulungkot ako dahil namatayan kami ng aso.. Dalmatian pa naman un.. tska hinde ko sya nakunan nung kakamatay nya lang!! WAAAAAAAAAH!! anganadang letrato sana un.. pero mas madrama ung pagkamatay ng pusa naming si Blue(na kulay puti ang fur).. kasi hinde na sya nag-palibig samen.. siya na mismo ang nag-libing sa sarili niya! paano? nag-hukay kasi kami nung isang araw.. para sa mga basura.. gusto atang i-contaminate ng mga tao samen ung lupa.. pero.. bago pa namin ilagay ung basura.. natulog na lang siya dun.. at bumaho.. at pinagtirahan na ng mga maggots.. kaya nung binuksan ko ung pusa.. puno ng mga uod! andami-dami nila! it sent shivers down my spine! shet! pero dahil dun.. naitigil ang aming masamang plano para i-contaminate ang lupa!! kaya lab na lab ko ung mga pusa.. kahit pusang kalye ka man o pusang sosyal! I LOVE CATS!!
and Kat also! haha.. ULOL!

ba't ba wala akong magawang matino sa buhay ko ngayon? tingnan mo.. ung post bago ito.. gagung-gago! tae.. ano bang nangyayari saken? baka it's just a part of growing up.. NYEH~.. or siguro kasi dahil ito sa istress.. kaya kelangan ko ng rest!! hinde lang rest na tulog! basta.. ibang klaseng rest.. isang rest na mag-soo-soothe ng spirit.. at ayaw ko ng Yoga! may pagaaralan ka pa dun.. basta.. ibang klaseng rest ung tinutukoy ko! wag na kayong mangialam.. pero kung trip nyo namang makialam.. please.. hesitate.. NYEH~

nu na ba nangyayre saken?! shet..

Sunday, August 27, 2006

get high with God, not with drugs

ahaaaaaai.. it's raining on a sunday evening.. nahalata nyo bang tuwing weekend nagkakaroon ng ulan? nakakainis! shet! dalawang araw na lang nga para magpahinga hinde pa pagbibigyan! tangina mo ulan!! pero paano yan? walang nanay ang ulan.. or meron siguro.. kasi nagkakaroon ng ulan dahil sa mga clouds na napupuno ng tubig.. at dahil sa sobrang bigat na nya.. bumababa sya at hinuhulog ang mga tubig nya.. kaya ang ina nya ay ang tubig ng mga sinampay na damit at tubig mula sa bodies of water.. kaya tangina mo tubig!! pero kung wala namang tubig eh paano tayo mabubuhay? dapat hinde natin ginaganyan ang tubig! importante rin yan 'no! kaya dapat nateng respetuhin ang tubig dahil ito ang nagbubuhay saten! nahahalata nyo ba ako na palaging tubig lang iniinom ko? at ang mga tubig na iniinom ko ay kadalasang galing sa Summit o Absolute.. pero kadalasan Summit iniinom ko kasi ayaw ko sa green(GO LA SALLE!! haha).. tska un lang naman ung meron sa Beda maliban sa Refresh at dun sa water dispenser.. kaya dapat rin nateng pasalamatan ang mga gumagawa ng de-bentang tubig.. salamat Refresh! salamat Albsolute! salamat water dispenser ng Beda! salamat Summit! salamat Wilkins! salamat Viva! at salamat sa mga gumagawa ng de-bentang tubig na hinde ko na nasabi ang pangalan.. pero naisip nyo ba kung baket pa dapat ibenta ang tubig? syempre kasi mas malinis ito.. pero hula ko lang.. may conspiracy sa mga gumagawa ng de-bentang tubig!! dinudumihan nila ang mga bodies of water para hinde dun uminom ang mga tao at bumili na ng tubig sa kanila!! mula san ba ung mga basura sa tubig? maliban sa ihe at tae ng mga iskwater at daga.. mula sa mga factories!! at pag pagod sila(mga trabahador).. ano iniinom nila? tubig!! alanganamang ihe ng iba ung inumin nila! kasi mga desperado mga gagawa nun.. hinde rin naman pwede Gatorade o kahit ano mang energy drink dahil hinde naman nila kaya bilhin ung mga ganung bagay..

baket ko kaya sinasabi ang mga ito? siguro kasi gwapo ako.. baket ko kaya sinabing gwapo ako? kasi sinugnaling ako.. at kung sinungaling ka.. pwede mong sabihin kahit ano! parang I LOVE YOU BEA!!

Thursday, August 17, 2006

dahil sa wala..

LICKS ASS:
  • school
  • exams
  • my cheapo-mp3 player
  • Cueshe
  • babagsak ako sa english
  • jocks
  • cocks
  • and clocks..
KICKS ASS:
  • bago naming digicam
  • isang kahon ng Centrum
  • bagong housing ng celepono
  • RIFA na sa tuesday!!
  • pupunta kaming Davao bukas
  • nakapagpahinga ako ngayon!

Tuesday, August 15, 2006

Rak et!

ba't ganun.. exams na bukas.. gumagawa pa ako ng post sa aking blag.. hmmmmmm.. siguro kasi may ipis sa tulugan ko kaya hinde ako makatulog agad! XD

basta.. kaya naisip ko na eto na ang pinaka magandang paraan para mag-sayang ng oras.. take note: pagsasayang ng oras ang sinabi ko! kaya ang pag-rereview ay hinde kasama dun kasi ang pag-rereview ay hinde pagsasayang ng oras!

nahalata nyo ba.. may tinatawag tayong rock music at heavy metal? kung pakikingan nyo sila.. iisipin nyo.. ano naman pagkakaiba nung dalawa?? pareho lang naman silang maingay eh! isa iyun sa pagkakamali ng mga tao.. dahil ang heavy metal ay mas maingay kung ikukumpara mo sa normal na rock lang.. kaya nga 'metal' ang tinawag dun eh.. kasi mas matigas.. it's harder! kaya mas maingay.. at guys.. please.. wag kayong maniwala saken.. dahil barbero ako!!

napanood nyo na ab ung video ng The Prime Time of Your Life ng Daft Punk? or alam nyo ba ung kanta nilang The Prime Time of Your Life?? or alam nyo ba ung Daft Punk?!?! basta.. kahit bata ka man o matanda.. isa sa ito sa mga videos na dapat mong mapanood! baket? kasi isa ito sa mga pinaka-disturbing na videos na mapapanood nyo! at maganda ang message nung video.. kahit disturbing sya.. ano ba ung message nung video? bahala na kayong mag-decide.. tska may nakalagay naman dun eh.. hanapin nyo na lang sa You Tube un kung gusto nyong mapanood(hula ko.. isa o walang titingin dun.. kasi wala namang nagbabasa ng blag ko eh)..

ayan.. inaantok na ako.. bonne nuit.. at ako'y magpapanhinga na..

Sunday, August 13, 2006

eggpies in the middle of the night..

ugh.. nakakainis kainin ang crust ng eggpie.. haaaaaaaaai.. inuwian ako ng mum ko ng eggpie mula sa Goldilocks.. since gutom naman ako.. kainin ko na lang ito!!

haaaaaaaaaaaaaaai.. paborito ko talaga na mga eggpie.. ansarapsarap.. at may protien pa! eto na lang siguro ang nagpapagising saken ngayon.. dapat natutulog na ako.. pero dahil nasira ang body clock ko.. eto, tingnan nyo.. gising pa rin ako.. lupet ano? yo!(nahalata nyo.. magkakarhyme? NGEEEEEEEEEEEE~).. naku.. naubusan na ako ng eggpie.. T_T mukang tuna sandwich na lang muna ang titirahin ko buong gabi..

galing o.. pagkatapos ng ilang silces ng eggpie.. lumawak ang aking isipan.. kaya pwede na akong mamatay.. pwede na akong mabuhay nang wala ang wallet ko.. at pwede na akong mag-sayang ng precious na oras..

grabe.. habang kumakaen ako.. nakikinig ako sa mga na-download kong kanta ng Radioactive Sago Project.. shet, anlupet ng musika nila.. napakahusay ng lyrics ni Lourd.. lalo na dun sa kanta nilang 'Gin Pomelo'! it makes a lot of sense! shet! angaling rin ng iba nilang kanta.. pero naiinis lang ako dun sa 'Nalulunod sa Isang Basong Tubig' at sa 'Huwag Maingay May Naglalala' dahil nawawala ung jazzy-ness nila.. at alam nyo naman sa gabi na.. ampanget makinig sa maingay na musika sa ganitong oras.. kaya 'slow sounds' pakinggan naten.. aaarrrgghh! putcha.. nasira Winamp ko!! AMP!

haaaaaaaaaaaaaaai.. wala na eggpie, paubos na tuna sandwich, sira na Winamp, walang kwenta Windows Media Player namen.. haaaaaaaaaaaaaaai.. ano na ang nangyari sa mundo?

Kung paguusapan natin ang mundo.. nagtataka lang ako.. ba't ba andaming nagtatanong saken kung kami na daw ba ni Bea? ano bang nakikita nyo samin at nagtatanong kayo ng ganyan? pero ngayon-ngayon lang.. may nakuha akong text message na nagsasabing may chemistry daw kami nina Bea.. waw.. psychic.. pero chemistry?!?! ano un? halos wala nga akong nakikitang chemistry saming dalawa eh.. or is it just me? basta! tas may mga nagsasabing palagi daw kaming magkasama kaya muka na daw kami! tanginang yan.. eh meron ka ngang nakikitang mga lalaki't babaeng magkasama pero hinde sila eh! haaaaaaaaaaaaaai..

haaaaaaaaaai.. nagtataka ako.. baket ba amputiputi ng palad ng mga tao? kung titingnan mo ung mga maiitim(katulad ko) maputi ung palad.. tas kung titingnan mo naman ung mga pauputi.. mapuputi pa rin ung palad? baket kaya?? gusto kong malaman ito!! at gusto ko ng scientific na explanasyon!!

Wednesday, August 09, 2006

bawal na gamot

The quick brown fox jumps over the lazy dog near the bump of the river.. ugh.. pinapatype kami.. kailangan daw nasa tamang posisyon ang daliri nang sa gayoon ay maayos an mgagawa namin para sa practical test bukas.. T_T.. nakakainis.. nakakawalang gana..

baket pa kasi kailangan mag ganito.. baket? baket? baket? pero kung tutuosin.. magagamit rin namin ito kung magiging encoders kami balang araw.. diba? malaki rin sweldo dun.. at kung may kwarta ka.. masaya ang buhay mo.. at kung masaya ang buhay mo.. mamamatay kang nakangiti.. at kung mamamatay kang nakangiti.. pwede kang pumuntang heaven! :D