Sunday, August 13, 2006

eggpies in the middle of the night..

ugh.. nakakainis kainin ang crust ng eggpie.. haaaaaaaaai.. inuwian ako ng mum ko ng eggpie mula sa Goldilocks.. since gutom naman ako.. kainin ko na lang ito!!

haaaaaaaaaaaaaaai.. paborito ko talaga na mga eggpie.. ansarapsarap.. at may protien pa! eto na lang siguro ang nagpapagising saken ngayon.. dapat natutulog na ako.. pero dahil nasira ang body clock ko.. eto, tingnan nyo.. gising pa rin ako.. lupet ano? yo!(nahalata nyo.. magkakarhyme? NGEEEEEEEEEEEE~).. naku.. naubusan na ako ng eggpie.. T_T mukang tuna sandwich na lang muna ang titirahin ko buong gabi..

galing o.. pagkatapos ng ilang silces ng eggpie.. lumawak ang aking isipan.. kaya pwede na akong mamatay.. pwede na akong mabuhay nang wala ang wallet ko.. at pwede na akong mag-sayang ng precious na oras..

grabe.. habang kumakaen ako.. nakikinig ako sa mga na-download kong kanta ng Radioactive Sago Project.. shet, anlupet ng musika nila.. napakahusay ng lyrics ni Lourd.. lalo na dun sa kanta nilang 'Gin Pomelo'! it makes a lot of sense! shet! angaling rin ng iba nilang kanta.. pero naiinis lang ako dun sa 'Nalulunod sa Isang Basong Tubig' at sa 'Huwag Maingay May Naglalala' dahil nawawala ung jazzy-ness nila.. at alam nyo naman sa gabi na.. ampanget makinig sa maingay na musika sa ganitong oras.. kaya 'slow sounds' pakinggan naten.. aaarrrgghh! putcha.. nasira Winamp ko!! AMP!

haaaaaaaaaaaaaaai.. wala na eggpie, paubos na tuna sandwich, sira na Winamp, walang kwenta Windows Media Player namen.. haaaaaaaaaaaaaaai.. ano na ang nangyari sa mundo?

Kung paguusapan natin ang mundo.. nagtataka lang ako.. ba't ba andaming nagtatanong saken kung kami na daw ba ni Bea? ano bang nakikita nyo samin at nagtatanong kayo ng ganyan? pero ngayon-ngayon lang.. may nakuha akong text message na nagsasabing may chemistry daw kami nina Bea.. waw.. psychic.. pero chemistry?!?! ano un? halos wala nga akong nakikitang chemistry saming dalawa eh.. or is it just me? basta! tas may mga nagsasabing palagi daw kaming magkasama kaya muka na daw kami! tanginang yan.. eh meron ka ngang nakikitang mga lalaki't babaeng magkasama pero hinde sila eh! haaaaaaaaaaaaaai..

haaaaaaaaaai.. nagtataka ako.. baket ba amputiputi ng palad ng mga tao? kung titingnan mo ung mga maiitim(katulad ko) maputi ung palad.. tas kung titingnan mo naman ung mga pauputi.. mapuputi pa rin ung palad? baket kaya?? gusto kong malaman ito!! at gusto ko ng scientific na explanasyon!!

No comments: