agh... trip ko lang gumawa ng post na hinde storya ngayon dahil WALA TALAGA AKONG MAGAWA! Actually, may nagawa na ako. Nag-paint ako, nag-dota ako buong araw at... ayun lang. Hinde pa nga ako kumakain ng kanin ngayon araw eh. Sandwich pa lang kinakain ko! LUFET! Bukas na rin pala ang Christmas Party ng Agron family. YEHEY!! MASAYA NANAMAN ULIT YUN!
Since matutulog na ako... gusto ko nga pala ipakita sa inyo ang basura na ginawa ko kanina.

An Army of Me
eto nga pala yung pangatlo kong painting. Sorry po kung hindi maayos yung lighting. Gawa lang po yan sa bond paper at poster color yung ginamit ko.

Bamboo
Eto naman po ang pangalawa ko pong painting. ngayon medyo maayos-ayos na yung lighting dahil gumana na yung flash ng camera ko. Ginamitan ko po ng itim at pulang poster color at pinaint ko yan sa oslo paper. Mga ginagawa talaga ng mga bored 'no?

Death Flower
Ayan naman po ang pinaka una kong gawa. Actually, ilang buwan ko nang nagawa yan eh. Natagpuan ko lang kanina. Sorry po kung panget ung lighting -- madilim. Ginamitan ko ng watercolor at poster color yan. Pinaint ko sa oslo paper. ^_^
(>',')> ^_^ '_' <(','<) sorry po.. bored lang talaga ako.
No comments:
Post a Comment