ack... I feel like Morpheus from the Sandman series. Parang yung sa Preludes & Nocturnes. Na-imprison ako by accident tapos after years wala na lahat ng power ko. Ack! Antagal ko ring hinde nagpost! Na-miss nyo ba ko?(kung may readers man ako) Tska sa tagal ng pagkawala ko ay nawala rin ang kaalaman ko sa html, flash, photoshop at kung anu-ano pang chuva. Kakapain ko uelt ang blogging. Parang ginawa ni Morpheus sa Preludes & Nocturnes, babawiin ko yung nawala kong kaalaman sa blogging!
Wala masyadong nangyari saken since tumigil akong mag-post, isa pa rin ako sa mga underrated players sa team, di pa rin ako nakakakuha ng DSLR, di pa rin ako gumagwapo, di pa rin ako pumuputi. Tska you might be wondering kung ba't ako tumigil mag-post. Simple lang naman ang kasagutan dun eh... NAKALIMUTAN KO PASSWORD KO. Diba sinabi ko na magpopost ulet ako pagkatapos ng eleksyon? Eh dahil dun, nalayo ako sa kompyuter ko. Araw-araw na yung training namin... tapos mga college men's kasama namin! pakinshet! Tapos ayun, nakaligtaan ko na yung blag pagktapos ng eleksyon. Then one afternoon, habang nag-babasa ako ng Wikipedia articles... nakita ko yung logo ng Blogger. Naalala ko na may blag pala ako, binalikan ko yung blag... wala masyadong nagbago. Naisip ko "kelangan ko pa rin bang mag-post ulet sa blag na 'to? wala naman masyadong nagbabasa eh". Nag-dalawang isip ako kung iiwanan ko na sa grave ang blag ko o hinde. Parang sayang naman kasi sa time and effort kung gagawa pa ako ng blag at wala rin namang mag-babasa. Pero naalala ko yung isang wikipedia article na nabasa ko on business ethics. Dapat mag-advertise daw! Kaya napag-desisyunan ko na buhayin ulet ang blag ko. Pero nang nag-sign in ako... PAKSYET! Ba't di tinatanggap yung password ko?! agh! sinubukan kong i-crack ang password ko... but to no avail. Nawalan na ako ng pag-asa, nakakatamad rin namang gumawa ng bagong blag. Andaming nang time and effort na linagay ko sa blag na 'to. Kaya iniwan ko to ng ilang buwan... and kaninang umaga, naalala ko na marami palang projects! At pag marami akong projects naalala ko yung sican yir(second year) days ko na nagkakandarapa mga klasmeyts kong online sa YM dahil sa mga proyekto(or ako lang yung nagkakadarapa?) At para mawala ang stress at chuva, gumagawa ako ng blag entry. Kaya ayun... sinipag akong alamin yung password ko.. tapos.. ayun.. ummmmmmmmm... ayun nga.
word of the day:
SICAN YIR - translates to second year - origin: yung tennis player na si Patrombon... sican yir daw sya! haha
No comments:
Post a Comment