Sunday, October 07, 2007

reclusion perpetua

haaaaaaai... nakakabanas talaga yung mga pinoy ngayon. Porque linait ni Teri Hatcher ang mga Filipino medical schools sa sitcom na Desperate Housewives -- nagwawala na sila! Ano naman iniisip ng mga Pinoy? Na magaganda med schools dito sa pilipinas? Kung tutuusin nga, di pa gaanong maganda mga med schools dito eh. Alam nyo ba na wala pa ang UP(which is the highest ranking school here in the Philippines, btw) sa top 500 univerities in the world? at pang 48(I'm not sure with my figures though) ang UP sa buong Asia! Oo, Pinoy ang naging doktor ni Clinton nung time nya as President. Oo, very caring daw sa mga pasyente ang mga Pinoy workers(under the field of medicine) SA ABROAD. Pero does that give us(or the Fil-Am community) the right na magreklamo at mag-rally sa harap ng ABC studio? and have you heard their demands?! Gagawa daw ng episode ng Desperate Housewives na kukuha si Teri Hatcher ng Pinoy doctor kasi magagaling sila or something like that! Come on! Eto suggestion ko sa mga kapwa ko Pinoy, imbes na mag-reklamo kayo(matapos nang humingi ng patawad ang ABC) GUMAWA NA LANG KAYO NG PARAAN PARA MAIBA ANG TINGIN NG MGA TAGA-IBANG BANSA SA MEDICAL SCHOOLS AND WORKERS NG PHILIPPINES!(ie. pagandahin nyo Medical schools sa Pilipinas kung alumni kayo ng isang Med School dito) Kasi, wala rin kayong pinagkaiba sa mga nagra-rally eh. Imbes na sayangin nyo ang oras nyo sa kaka-reklamo(at sila pa ang pagagawan nyo ng paraan ha! kapal ng muka!) gamitin nyo na lang ang oras nyo sa pagpapaunlad ng bansa natin!

Tapos sa Daily Show With Jon Stewart naman....
Peyborit ko yung show na yun! I love news satire shows. Buti nga konti lang yung nagrereklamo sa ginawa ng The Daily Show eh. Siguro kasi di naiintindihan ng ibang pinoy ang salitang SLUT? Pero sa mga nagrereklamo... GUYS, IT'S A NEWS SATIRE! HINDI LAHAT NG NANDUN AT FACTUAL! Come on! Wala ba kayong sense of humor?!(although, I don't find calling Cory Aquino a SLUT funny) Kahit nga sa mga news shows dito sa Pilipinas di lahat makatotohanan eh(ano? sigurado ka bang buo ang binibigay nilang news? sigurado ka ba na hinde kontrolado ng mga kinauukulan ang dapat ipaalam ng mga news shows sa mga Pilipino? ano?!)

Contradictions? Kudos? Opinions? They are all welcome! Nandyan naman yung tag board eh!
word of the day:
COME ON!

No comments: