Saturday, August 30, 2008

make up makes people look beautiful...

I am again bored.. bored with my daily routine...

sawa na ko sa kakakompyuter.. sawa na ko sa kakawindowshop sa tipidpc.com at sulit.com.ph.. I totally need something new.. or.. gusto ko lang may klase araw-araw dahil mas mabilis ang oras pag nasa iskwelahan ako... parang nasa time space warp pag nakakahon lang ako dito sa room ko kasama ang aking trusty computer..

sunday bukas... at wala ulit akong gagawin.. I need a new hobby..

puro na lang ako kompyuter eh...

Friday, August 29, 2008

some people are actually stupid

the day is such a mess.. pero my afternoon wasn't...

friday.. pasahan ng filipino project!!

tinatamad ako kaya di ko tinulungan mga kagrupo ko... pero at least tinulungan ko sila sa pag-bigay ng impormasyon para sa prajek...

hapon... uwian.. wala akong magawa.. nagpapasalamat ako kay Cabural.. dahil kung wala siya sa exhibit ng mga projects.. di ko na sana nalaman ang napakalaking.. erm.. ka-bullshitan! nakita ko ang prajek namin.. at ang malupit pa dun eh DI NAKASULAT ANG PANGALAN KO!! bwahahaha... mga tanga.. oo tanga.. di nagiisip.. ang mga kagrupo ko.. I don't wanna name names pero isipin niyo na lang ang tatlo na pinaka-bobong tao sa buong mundo.. at bakit ko sinasabing mga tanga sila? eh tutal ako nga yung di na-acknowledge sa project diba? so dapat ako pa yung tanga.. dhe! sila ang mga tanga dahil handwritten lang ang mga pangalan nila sa project at walang pastic cover! kaya ayun.. linabas ko ang magic pen ko at sinulat ang aking pangalan sa project... ganyan talaga pag di nagiisip.. di nila naisip na pwede kong makita yung kagaguhang ginawa nila.. di nila naisip na may effort ako sa project na yun.. di lalo nila naisip na lagyan ng pastic cover para di ko masulatan yung listahan ng names.. nakakaawa.. ganyan ba ang mga Bedista? nauutakan ng kapwa Bedista? tsk tsk.. mukang pangalan lang ng San Beda ang dala nila..

at dun sa mga taong nagsasabing mali ang ginawa ko.. well.. excuse me nigger.. I have the right to write(I have the right to write.. haha.. hanep) my name on that bloody project! kasi may kinontribute naman ako ha.. kahit sabihin nilang minimal yun.. at least meron.. at kung di dahil sa super powerful researching skillz ko edi di sana nila nalagay yung mga impormasyon na naandun.. mga stupid kids.. huhuhu.. kaawa.. stupid! stupid! bwahahahaha..

napakasaya ng hapon ko dahil dun.. grabe.. feeling ko di ako makakaget over sa tagumpay ko hanggang tuesday..

sweet sweeeeeeeeeeeeeeeet victory and revenge... NIGGA!!!

choosy fruit

Thursday, August 28, 2008

perfect negro

naghahanap lang ako ng away sa title ko eh.. pero nasa Pilipinas naman ako eh kaya walang mambubugbog saken dahil diyan...

madaling lakarin ang Beda hanggang Golden.. no shit.. sinubukan namin ni Elmar eh.. pero siguro kaya naman madali kasi chinika ko lang si Elmar sa buong lakad.. at oo.. di ko ginastos ang singkwentang binigay ni Panyarak.. napagod ako sa paglalakad.. badtrip pa yung bus ng Beda.. nang nakita ko.. tinaas ko ung thumb ko at ginawa ko yung hitch hiking gesture.. tamang-tamang nasa harap si Ma'am Estabillo at di niya ko sinabay! pakshet na malagket! napakalungkot.. nakakabagot.. huhuhu.. pero swerte't ilang hakbang lang ang SMT sa Golden City.. kaya naisipan namin dumaan ni Elmar sa Dairy Queen.. hanep nga eh.. linibre niya ko ng 16 oz na oreo na blizzard.. masaya.. dahil nakaka-bren freeze.. at mas masaya dahil libre lang! pero badtrip lang yung chunks ng oreo.. anlalaki.. buti pa yung McFlurry.. pero at least mas malaki siya dun at mas malameeeeeeeeg.. brrrrr.. magdamag lang kaming nandun ni Elmar pinaguusapan ang mga bagay na walang katuturan.. pero syempre naubos rin yung ice cream.. kaya kelangan rin naming umalis.. pero gutom pa rin ako.. kaya naghanap ako ng siomai.. at sineswerte ata ako dahil katabi lang pala ng DQ yung Dimsum & Dumplings! shet! hanep! pero langya! di kaya ng pera na binigay ni Pan ang isang siomai! at ang masaklap pa dun eh nalaman namin ni Elmar na 60 lang ang meal dun! putcha! sayang! dapat pala di na lang kami ng ice cream.. umorder na lang sana kami ng Buffalo Wings at kanin at Sharksfin.. keysa gamahal na ice cream na may cookie.. kaya ayun.. lesson learned: tingnan muna ang katabing tindahan ng kakainan niyo.. baka may better deal sila..

nakita rin namin ang kapatid ni Panyarak.. yung maputi't maliit na version ni Bea.. nakakatuwa dahil palakad-lakad lang siya sa harap ng Arrow.. at nagtataka kami ni Elmar kung ba't siya palakad-lakad lang dun.. at may theory ako! siguro kasi sinusundan niya kung saan nakaharap yung arrow sa logo ng Arrow kaya pabalik balik siya.. hahaha..

lumabas na kami... madilim na pala.. punuan na ang mga jeep.. badtrip...

nang nakita namin na andaming punong jeep habang naghihintay kami ni Elmar.. kaya bumili muna kami ng intestine killers.. tulad ng chicharon!!! walang kwenta yung mga chicharon na binebenta sa kalye.. no match sa Lapid's.. pero pareho naman silang may secret sauce.. pero ayun.. high quality at walang buhok buhok yung Lapid's chicharon... kaya they're better nigger! matapos namin makita ang mga buhok buhok ng balat ng baboy.. ay tinira naman namin ang sopdrinks nung burger-an..

habang nagfoodtrip kami ay walang kaming pinagusapan kundi ang mga walang katuturang bagay tulad ng mga personalities sa klasrum, mga relatives ni Elmar na bumabagsak sa NCAE, mga bisyo ng ibang tao, mga bagay na walang patutunguhan.. pero sino ba naman kelangan ng meaning sa buhay?

ayaw ko na.. ayaw ko na hanapin ang meaning ng life.. mas wala kang mapapala dun keysa pag-gawa ng bagay na walang patutunguhan..

kakagatin ko na lang ang pain (bait) at magpapahila na lang...

gay punk

Sunday, August 24, 2008

drought

antagal ko nang di gumagawa ng blag entry...

at wala talaga ako sa mood...

hinihintay ko lang talaga yung ipon ko... nagiipon ako ng pera eh.. mahirap na ang buhay... baka sa october makuha ko na ang pinagiipunan ko.. badtrip kasi yung ekonomiya ng pilipinas eh.. ang-hopeless.. andaming nag nu-nursing.. tas ang habol lang pala nila pera.. ba't di na lang kaya sila mag-business.. at least dun malaki rin ang pera at nakaka-generate sila ng trabaho.. diba? takot lang talaga tayong mga pinoy.. we want to play safe.. pero sa kasalukuyang sitwasyon natin eh di mo masisisi yan.. kasi we're almost living on the edge.. isang pagkakamali lang at ayuuuuuuuuuuuuuuuuun.. mahuhulog ka sa bangin ng kahirapan.. sino ba namang gusto maging mahirap diba? konti lang rin naman ang mga martir sa mundo kaya nagkakanya-kanya na tayo.. walang gusto maging titser kasi walang pera.. walang gusto maging doktor kasi mas malaki pa ang gagastusin mo sa pagaaral mo keysa kikitain mo pag nagtrabaho ka na.. mabuti na lang at tumira tayo sa ibang bansa... pero may isang napakalakiiiiiiiiing bagay ang mamimiss mo pag nangibang bansa ka... ang kulturang pinoy...

masisiyahin naman tayong mga nilalang eh.. lalo na yung mga middle at low class na pinoy.. kasi westernized na yung ibang high class people eh.. iba na humor nila kumpara sa mga katulad nating o naming mga relatively poor people.. kaya kung ako rin tatanongin.. gusto ko lang mangibang bansa pag bakasyon lang eh.. ayaw kong tumagal dun.. malungkot.. pero kung isa kang nilalang na sumasaya sa mga materyal na bagay.. pwede ka sa ibang bansa.. at least dun abot kamay ang ibang bagay na suntok sa buwan dito..

ahy tama na... gusto ko nang magpalamig sa panahon ng tagulan...

bali ball

Friday, August 15, 2008

first quasi-legit podcast recording

6th signifies imperfection.. and kakarecord ko lang ng 6th episode ng podcast ko with GESMUND BALLECER AND DEXTER ANCHETA!! woooooooooh!!

at nahalata ko lang eh ampangit ng quality ng podcast.. siguro kasi pangit pagkaka-encode ko at masyado akong malapit sa microphone kaya puro tawa ko na lang ang naririnig.. pero anyway.. here are some few things I have to say..

pang-TV ang personality ni Gesmund
pang-rock radio station naman si Dexter
at I'm hoping that the 7th podcast will be better.. because 7 means perfection.. and 8 is luck.. and 9 is a good card grade.. and 10 means a multitude! baka sa 10th episode may fanbase na kami!!

hanep talaga numerology brad!

anyway.. the episode clocked in at 46 minutes and theres an exponential increase in playtime.. kaya maybe I'll be needing better gear for podcast recording.. dahil ang ginagamit ko lang ay webcam na may microphone para mag-record ng show.. tapos Sound Recorder ng Microsoft.. masaklap.. I need illegal pro tools.. NOW!!!

pes


Thursday, August 14, 2008

learning how to skateboard

napakasaya mag-skateboard.. haha.. enjoy...

once you get the hang of it.. it's alotta fun!!

mas gusto ko na ngang mag-skateboard keysa maglakad eh.. kaya minsan napapa-padyak na lang ako sa sahig tas iniimagine ko may-iskateboard ako.. tas magtataka na lang kasama ko kung ba't ako nakatayo lang at nakataas ang kamay.. haha.. bangag

debating society ang club ko ngayon.. at masaya dun dahil wala nang ibang club members!! puro mga 1-10! tas isa o dalawang sophomore.. tas dalawang juniors na magikero.. at mga patapon na portyer... naging Treasurer ako eh.. kasi wala daw perang involved sa club! pero ang masaklap eh di ako nanalo sa botohan sa vice president.. kami ni elmar naging nominee ng presidency and vice.. at pareho kaming talo sa dalawang juniors! minagic nila yung mga boto nila! huhuhu.. dapat nag-Cub na lang ako.. at least dun walang cover yung bintana.. kaya maliwanag kahit umuulan.. at pwede ka lang tumunganga sa bintana!

----------------------------
                            |
                            |
                            |
                        BOOM!!

na-derail yung train of thought..

haha.. korny

Wednesday, August 13, 2008

for the second time

now this is getting tedious...

I think I need to take down notes of the things that occur in my life on a daily basis... I guess that's the only way I can survive with this brain of mine... I can't remember certain things anymore... or maybe it's something we all go through... I dunno...

I really need to remember the conversations I've had, the secrets that I've heard and told, the moments I need to cherish.. because it's difficult to travel if the bridge you step on falls and you go straight back to square one...

but I guess there is beauty in every predicament... at least everything will seem new to me... nothing will ever lose it's novelty value.. the books I'll be reading will always be the books that I've never read...

and after three years or so... we can start over again.. we'll meet each other.. and not even a single byte of memory of you will be here in my head...

Monday, August 11, 2008

shades para sa mga asteehg at takot sa radiation...

mapolusyon ang China at di dapat dun ginanap ang Olympics...

pero kahit na ba... nasa kanila naman ang pera at malaking labor force kaya mas magandang dun na lang ganapin ang Olympics dahil di naman talaga importante ang kalusugan ng mga atletang sasabak sa mga palaro...

masaya maging kapitalista... lalo na kung pinapairal pa rin ang one child policy.. dapat pinapadala mga skwater ng pilipinas sa china para umasenso sila eh...

SHINJI, PUTULIN ANG TRAIN OF THOUGHT

NGAYON DIN!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------

ayan at nakaalis rin ako sa absurd na intro ko.. pati ako nagulat kung ba't yun yung sinulat ko eh...

balikan ng exam papers!
masaya dahil nagpapababaan kami ng iskor ni Ezekiel Ponce sa exams.. talo naman ako sa karamihan.. pero sinasabi ko na mas mababa iskor ko sa kanya para bayaran niya ko ng singkwenta.. see? crime pays!

bago na ulet ang pwesto ko sa klasrum at katabi ko si Katrina Lim.. anlupet nga eh.. parang lahat na lang ng mga joke ko ay tinatawanan niya.. except yung uber korny na jokes.. puro tumutuligsa sa kapansanan ng iba mga banat ko eh.. kaya masama siya dahil nakikijoin siya sa kasalanang ginawa ko.. at ngayon ko lang nalaman na nag-tae si Jessie nung sumubok siyang uminom ng serbesa.. haha.. late ako sa news

SHINJI, PUTULIN ULIT ANG TRAIN OF THOUGHT!!

NGAYON DIN!!

--------------------------------------------------------------------------

sayang at di ko nahiram kay Gesmund yung hiniram niyang libro sa library na Trip To Quiapo.. isang Scriptwriting Manual na sinulat ni Ricky Lee.. di ko siya kilala pero naiisip ko ay isang bakla na hairstylist pag sinasabi ang Ricky Lee.. pero anyway.. hanep nung libro niya... nawiwili akong mag-summer workshop sa UP Film Institute.. although di ako siguradong taga-peyups yun.. pero dineduce ko na rin kasi tagalog yung libro niya eh... ganun sa UP diba? tagalog.. haha

kinakati ako ng sobra at nasisikipan ako sa suot kong t-shirt.. hanep eh.. small na shirt suot ko.. kasya saken.. kahit masikip.. at ang malupet pa dun ay naka-shades ako! san ka pa?

SHINJI, TAPUSIN ANG BLAG ENTRY!!

NGAYON DIN!!

tapos

Sunday, August 10, 2008

carefree

sunday grabe sunday... masaya

walang assignment o prajek na kelangang problemahin.. walang exam o quiz na kelangang pag-handaan.. masaya ang buhay...

lalo na kung may Metal Gear Solid 2: Substance ka sa PC.. ang saya saya 'no?

kanina pang umaga ako naglalaro ng MGS2:Substance.. naiirita lang ako kasi di si Solid Snake yung linalaro mo sa gitna.. nakakairita kasi itsura ni Raiden eh.. anlaki ng pwet.. kaya you can't help but stare at his very prominent buttocks pag nagcra-crawl sya or pag nakadapa.. or kahit nakatalikod mula sa camera eh.. at madalas mo nang gagamitin yung first person mode dito kasi kelangan mo nang mambaril eh.. di katulad sa Metal Gear Solid.. pero trip ko pa rin yung katawan ni Solid Snake sa Metal Gear Solid kasi 600-pack yung abdomen nya eh.. andaming pandesal.. pero at least dito sa MGS2 makikita mo na yung mata.. di katulad ng MGS lang.. parang mga multo mga tao dun eh.. walang mata si Snake.. pero ampangit rin kasi ng itsura nila kasi nakahiwalay yung buong arm sa katawan.. pero technical limitation lang talaga ng Playstation yun...

ang kinakairitahan ko lang talaga eh yung glitches ng Substance eh.. kasi mahirap mag-exit.. kasi mag-ha-hang pa yung PC mo bago mag-exit.. at may mga bugs rin siya.. let's say pinatay ko lahat ng mga sentry sa Strut F.. tapos lalabas ako papunta sa EF Connection Bridge.. biglang mag-ha-hang.. at ang nakakairita pa eh nung papunta na ko dun sa matabang may bomba pagkatapos ng laban namin ni Fortune eh maghahang siya pag papunta ako sa strut F! badtrip! sobra! di ko tuloy macontinue ung game..

kaya ayun... naglaro na lang ako ng SimCity 4

masaya maglaro ng SimCity.. napaasenso ko yung cites ko na Polly, Batole at Clay gamit yung city kong Holl.. nakaabot na ko ng 150,000 na population sa Batole.. tapos mga 60,000 sa comercial population.. tapos mga 6,000 industrial.. ang ginawa ko sa Batole eh tinaasan ko yung tax sa Dirty at Manufacturing Industry para High Tech Industry lang ang magpapatayo sa city ko.. kaya ayun.. konti lang ang pollution.. galing lang sa commercial buildings lang yung pollution.. at masaya mag-basa ng statistics! I love analyzing charts... da best!

kaya ayun.. gaming weekend.. and tomorrow I return to hell..

Friday, August 08, 2008

batole

nakuha ko na ang exam permit ko sa 'teneo.. at ang angas ng permit ko.. 9 minutes bago sila mag-sara naprint! 4:51PM.. bwahaha.. last minute-er.. at ang malupet pa dun eh 08.08.08 ako kumuha! naku pow! mukang sweswertehin ako sa ACET.. haha.. pero tae yung room na pageexaman ko.. Grade School.. ROOM 9!! TAE!! sumobra ng isa! tuloy.. mukang di ako sweswertehin ng tuluyan sa ACET.. haha... atska isa pa sa mga malupet na bagay eh nakasabay ko si Bato Bato.. yung nakasabayan ko sa Expert Guides nung summer.. asteehg nga eh.. ang problema lang di nya kasama yung payat niyang friend.. pero ayun.. nakakatuwa.. nakita ko.. kamiss yung muka nya.. hahahahaha.. okay.. super saya ko.. tama na..

sinisisi ko ang sopdrinks ng KFC! tae.. hyper tuloy ako.. di ako makatulog.. may game pa bukas tapos kasali ako sa teenpreneur.. tae.. dapat mga sinasali sa teenpreneur eh yung katulad nila Jehu eh.. matalinong gago.. kasi at least si Jehu may alam kung ano gusto ng masa.. at di sya probinsyano.. kaya syempre may advantage ang breeding niya.. okay.. di ko na naiintindihan ang sinasabi ko.. parang type lang ako ng type ng mga salitang di ko naiintindihan.. putcha.. ano ba nangyayari saken...

tama na nga.. naiirita lang ako eh..

santa claws!

Thursday, August 07, 2008

seafood diet

kakahatid ko lang kay Gesmund papalabas ng village namin... at napakasayang karanasan ito.

dahil kine-crave ko talaga ang pisbol at chicken balls... nakakita ako ng bilihan nun sa may tricycle-an... 2.50 yung chicken balls tas .50 yung pisbol.. kaya naka-limang chicken balls ako at apat na pisbol.. kaya naka 12.50 ako sa chickenballs at dalawang piso sa pisbol.. ansarap eh.. tapos may natira pa kong mga kwarenta.. kaya naisip ko.. bumili kaya ako ng tubig na 25 sa Select o 23 pesos na siomai.. eh dahil gutom ako mas pinili ko ang siomai.. pero langya! lugi ako! walang kwenta yung siomai! kaya sayang yung opportunity cost(I sooo love economics).. kaya ayun.. 14.50 pesos sa mga nasulit ko at 23 pesos na nasayang... kaya dahil sa panghihinayang ko.. bumili na lang ako ng Sparkle na otso pesos.. tapos linakad ko na pauwi.. masarap yung Sparkle.. kaya nung may na-encounter akong sari-sari store.. bumili ako ng Mr. Chips na five pesos.. langya eh.. amahal na ng Mr. Chips.. dati four pesos lang yun nung grade school ako eh.. haha.. pero ayun.. 27.50 pesos na yung ginastos ko na sulit at 23 pesos ang nasayang.. ayun.. lamang pa rin yung sulit na gastos.. atska linakad ko lang pauwi ah! mga ilang kilometro ang layo ng bahay namin sa labas ng village.. no shit.. pero I was fueled by the street food.. kaya kinaya ko!

lesson learned: pwede kang mag-review ng economics kahit di ka nagbabasa ng libro.. kelangan mo lang ng pera at mga vendors

pinetiks ko lang ang mga apat kong exam.. theology, physics, english at filipino.. walang exam na di ko shinotgun! parang 25% ng mga items(except sa english at filipino) shinotgun ko eh.. pero ayun.. mas malaking porsiyento ang shinotgun ko sa english at filipino.. dahil langya! wala akong alam sa storya ng Illiad at Odyssey.. at lalo nang wala akong alam sa storya ng El Fili! parang... pinagtatabuyan ako ng sarili kong wika pag binabasa ko ang El Fili kasi.. WALA AKONG MAINTINDIHANG SALITA DUN!! kaya kinamumuhian ko si Rizal.. or yung editor nung El Fili namin.. tska nung nag-nakaw ng El Fili ko...

put the pieces together

Tuesday, August 05, 2008

mas madaling kalimutan.. mas madaling pugutan

tapos na sa prajek... pinetiks lahat... tibay ko brad... pramis

pero naawa rin ako kay Yusores, Sigua at Estabillo... kasi makakatanggap sila ng mga ubod ng pangit na gawa.. at di lang saken.. galing na rin sa ibang mga katulad kong tamad at gago

pero kahit petiks yung kay ma'am Yusores may laman rin naman yung saken.. di ko naman sinasabing may kwenta.. pero may laman oo.. as in laman na worthy naman bigyan ng grade..

yung kay ser Sigua maganda sana kung nabigyan ng sapat na oras.. as in sapat na may time na para matapos ang Metal Gear Solid at manood ng pelikula ni Stanley Kubrick... syempre paano ako gagawa ng isang creative output kung walang inspirasyon.. kahit sabihin mo bang magkaibang medium yung gawa nina Kojima at Kubrick sa timeline ng economics.. kelangan ko pa rin ng stimuli that would trigger the release of my creative juices... or any other juices

yung kay ma'am Estabillo na siguro ang pinaka-presentable kong endeavor.. kasi syempre digital filmmaking na ata ang forte ko... kaya nga bago ako grumadweyt ng hayskul gusto ko sanang makapag-release ng kahit dalawa man lang na feature presentation under the name of PURPLEINKPEN FILMS... di ko kasi kayang tapatan yung pangalan na NERD WORLD CINEMA eh... kaya ayun.. tiningnan ko na yung pinakamalapit na bagay saken at yun ang pinangalan ko sa kumpanya ko ng pelikula..

grabe.. inaantok na ko.. feeling ko ibabagsak ko yung physics, economics at filipino quizzes ko bukas.. bloody hell..

tama na ang school stuff... dumako naman tayo sa normal na basura ni Kenneth

Gesmund is a busy man and di kami makapag-simula sa pelikula niya... kaya naisipan ko na ring makipag-partnership kay Jedrickson para gumawa kami ng isa nanamang indie film.. habol naman daw nya isang mala-Da Vinci Code na pelikula.. ibig sabihin pangit! ahy... joke.. pero ayun... mahilig ako sa absurd at moody at si Jedrickson ay mahilig sa.... babae.. kaya ayun.. mukang magcocompensate na lang kami sa ideas and stuff...

gusto ko sanang gawin eh parang iba namang rendition ng indie film namin nung terd year.. yung Afterhours.. kasi syempre.. paborito kong tema ang dreams and sleeping and mental disorders... kaya ayun.. iaavenge ko yung pangit kong pelikula...

gusto ko sanang title eh Overture... kasi plano ko sana gumawa ng trilogy.. tungkol sa mga chorva ng sleep, dreaming and disorders.. ang Overture ay isang pelikula tungkol sa isang taong may di makontrol na sleep pattern at kung saan saan na lang sya nakakatulog... tapos ang paniniwala niya eh pinapatulog siya ng mga personal demons nya sa Dreaming(so may Sandman references tayo).. kaya ayun.. kinakalaban niya ang mga personal demons nya to stay awake.. and his personal demons are the personifications of his regrets and other dramatic chorva.. tas para matapos ito eh kelangan niyang ayusin ang mga problemang nakalimutan... at dito pumapasok ang theme ng memory.. peyborit ko pa naman din yung topic ng memory dahil may topak rin ako sa utak at malakas ako makalimot... tas ayun... kelangan nyang alalahanin ang mga nakalimutan niyang bagay.. at syempre diba may problema na rin sya sa sleeping patterns niya.. at lalong lalala sa kalagitnaan! magkakaroon siya ng short term memory loss(mala Memento ba.. isa nanaman sa mga influences).. kaya ang ginawa naman niya eh mag lagay ng post it notes sa katawan niya bago sya bumagsak at makatulog para maalala niya yung mga nangyari sa kanya bago siya makatulog... at sa huli... may surprise... :D:D:D:D

pero ayos na yung storyline na yun para sa trilogy na pinaplano ko... I totally hope that it would come into fruition.. kasi pramis.. I think it's my best idea yet.. at take note.. ginawa ko lang yan ngayon! :D:D:D pero ayun.. the story is very close to my heart.. it's a personal story in a way... but yeah... si Jedrickson pa lang kaakibat ko sa trabahong ito at kekelanganin ko ng at least three (3) actors/actresses at isang magpapakain :D at of course medium in which I can display my work... diba? kung pwede lang sana gumawa ng sariling organization o club eh.. club ng mga taong into filmmaking and the like... problema nga lang walang moderator.. sana si ser Cabuang na lang eh.. sabihin na lang natin na alter ego niya ang isang 60s Arnis action star! diba? lupet nun!

harlem globetrotters

Saturday, August 02, 2008

shading oblongs is just half the battle

masaya na ko at natapos ko na rin ang UPCAT... kahit di na ko pumasa basta't di na lang ulet ako daranas ng ganung klaseng torture...

di naman mahirap yung UPCAT eh.. talagang katawan ko lang ang kalaban ko.. parang habang sinasagutan ko yung test gusto nang pumikit mga mata ko.. tae.. hindi naman ako kinulang sa tulog.. 8 hours nga tulog ko eh.. tapos habang sinasagutan ko yung exam ay sumasakit ang buong katawan ko.. binti, dibdib, likod, ulo, balikat... lahat sumasakit.. di tuloy ako makapag-focus sa exam... pero kahit na makapag-focus man ako di ko rin kakayanin yung exam kasi di ko alam kung pano sagutin yung Math part eh.. di ko sasabihing mahirap yung Math kasi kung alam ko naman yun sisiw lang yun saken! parang nung tinitingnan ko yung mga sagot.. parang woah andali lang nito pero di ko alam kung pano gawin.. at ang nakakainis pa eh sa huli linagay yung Logical Reasoning! parang halos lahat na lang ata ng item sa Math test iniiskipan ko eh.. dapat sa unahan nila linagay ung Logical Reasoning para may motivation ako na ituloy yung exam eh.. pero parang sa simula pa lang di ko na alam kung anong letter ang she-shadean ko.. tae.. pero puro common sense lang naman kelangan dun eh.. kahit di ka na mag-aral makakapasa ka na.. lalo na yung Language Proficiency at Reading Comprehension.. basta't mabilis at mapanuri ka magbasa sisiw lang yung dalawang yun eh.. pero natuwa talaga ako sa last three items ng exam! yung tatlong abstract reasoning.. kung puro yun lang yung exam ansaya ko na.. yun yung pinakamadaling parte ng test eh.. although di naman counted.. pero kahit na ba! at least may time ako para mag-enjoy.. kahit ubod na ng sakit ang buong katawan ko...

nakita ko si Dyan Lucero sa testing center eh.. hanep nga eh.. may kachika syang ibang tao.. tas ako wala lang.. wala na ngang kausap wala pa kong bag na dala.. maliban sa balls ko.. lapis, eraser at permit lang dala ko eh.. isa ako sa mga maangas na walang dala.. haha.. tas ang malupit pa dun eh dalawang pirasong Kisses lang yung baon ko! san ka pa? pag pumasa ako sa UPCAT yun ang ipagmamayabang ko.. di ang pagpasa ko sa peyups.. kasi parang andali dali ng UPCAT eh.. subukan mong tumagal sa UP ng apat o limang taon! yun ang totoong acid test.. kaya di ako masyadong kinabahan sa UPCAT eh.. atska pinapasalamatan ko rin ang nanay ko dahil sya ang sponsor sa pre-UPCAT pampering package ko.. nilibre nya ko sa Relaksasi sa may Robinsons Metro East.. grabe! nawala ang stress at kaba ko nung minasahe ako.. pero sayang.. sabi ng mami ko ako naman daw ang mag-sponsor sa post-UPCAT pampering chorva ko.. eh ayaw ko namang gumastos dahil nagiipon ako.. kaya ayun.. eto ang post-UPCAT pampering chorva ko!!

ansakit talaga ng katawan ko.. ewan ko kung bakit.. grabe.. if stress manifests itself as pain then I'm totally stressed out.. pero ayun.. suntukan nalang tayo para mawala 'tong stress ko..

siguro sawa ka na sa mga UPCAT related entries.. kaya ibahin naman natin!!!

nakakatuwa yung ibang parte ng UP eh(di na yan UPCAT.. UP na yan :D:D:D).. parang Baguio ang dating nung 2000.. nung time na di pa uso yung SM sa Baguio..

dhe.. joke lang.. eto seryoso na...

lumalabo na mata ko.. kelangan ko na talaga ng eyeglasses.. dumadami na rin pimples ko.. kelangan ko na talagang kontakin si Belo.. dumadami na lalo ang mga problema ko... kelangan ko na talaga ng unan..

----------------------------------

grabe... may post-UPCAT adrenaline high pa ko.. kung pano ako magbasa nung Reading Comprehension ganun na rin ako magbasa dito.. kaya nakakapanibago.. tinuro kasi ng tatay ni Cabural na dapat tingnan lang daw yung mga importanteng salita eh.. kalimutan na lang daw yung mga words na kinocompose ng less than four to three words.. kaya ayun.. ka-badtrip.. ayaw ko na...

galing 'no? naglagay ako ng mga dash para iseparate yung mood dun at sa mood dito..

tara.. iseparate ulet natin!

-----------------------------------

poke back mountain