Tuesday, August 05, 2008

mas madaling kalimutan.. mas madaling pugutan

tapos na sa prajek... pinetiks lahat... tibay ko brad... pramis

pero naawa rin ako kay Yusores, Sigua at Estabillo... kasi makakatanggap sila ng mga ubod ng pangit na gawa.. at di lang saken.. galing na rin sa ibang mga katulad kong tamad at gago

pero kahit petiks yung kay ma'am Yusores may laman rin naman yung saken.. di ko naman sinasabing may kwenta.. pero may laman oo.. as in laman na worthy naman bigyan ng grade..

yung kay ser Sigua maganda sana kung nabigyan ng sapat na oras.. as in sapat na may time na para matapos ang Metal Gear Solid at manood ng pelikula ni Stanley Kubrick... syempre paano ako gagawa ng isang creative output kung walang inspirasyon.. kahit sabihin mo bang magkaibang medium yung gawa nina Kojima at Kubrick sa timeline ng economics.. kelangan ko pa rin ng stimuli that would trigger the release of my creative juices... or any other juices

yung kay ma'am Estabillo na siguro ang pinaka-presentable kong endeavor.. kasi syempre digital filmmaking na ata ang forte ko... kaya nga bago ako grumadweyt ng hayskul gusto ko sanang makapag-release ng kahit dalawa man lang na feature presentation under the name of PURPLEINKPEN FILMS... di ko kasi kayang tapatan yung pangalan na NERD WORLD CINEMA eh... kaya ayun.. tiningnan ko na yung pinakamalapit na bagay saken at yun ang pinangalan ko sa kumpanya ko ng pelikula..

grabe.. inaantok na ko.. feeling ko ibabagsak ko yung physics, economics at filipino quizzes ko bukas.. bloody hell..

tama na ang school stuff... dumako naman tayo sa normal na basura ni Kenneth

Gesmund is a busy man and di kami makapag-simula sa pelikula niya... kaya naisipan ko na ring makipag-partnership kay Jedrickson para gumawa kami ng isa nanamang indie film.. habol naman daw nya isang mala-Da Vinci Code na pelikula.. ibig sabihin pangit! ahy... joke.. pero ayun... mahilig ako sa absurd at moody at si Jedrickson ay mahilig sa.... babae.. kaya ayun.. mukang magcocompensate na lang kami sa ideas and stuff...

gusto ko sanang gawin eh parang iba namang rendition ng indie film namin nung terd year.. yung Afterhours.. kasi syempre.. paborito kong tema ang dreams and sleeping and mental disorders... kaya ayun.. iaavenge ko yung pangit kong pelikula...

gusto ko sanang title eh Overture... kasi plano ko sana gumawa ng trilogy.. tungkol sa mga chorva ng sleep, dreaming and disorders.. ang Overture ay isang pelikula tungkol sa isang taong may di makontrol na sleep pattern at kung saan saan na lang sya nakakatulog... tapos ang paniniwala niya eh pinapatulog siya ng mga personal demons nya sa Dreaming(so may Sandman references tayo).. kaya ayun.. kinakalaban niya ang mga personal demons nya to stay awake.. and his personal demons are the personifications of his regrets and other dramatic chorva.. tas para matapos ito eh kelangan niyang ayusin ang mga problemang nakalimutan... at dito pumapasok ang theme ng memory.. peyborit ko pa naman din yung topic ng memory dahil may topak rin ako sa utak at malakas ako makalimot... tas ayun... kelangan nyang alalahanin ang mga nakalimutan niyang bagay.. at syempre diba may problema na rin sya sa sleeping patterns niya.. at lalong lalala sa kalagitnaan! magkakaroon siya ng short term memory loss(mala Memento ba.. isa nanaman sa mga influences).. kaya ang ginawa naman niya eh mag lagay ng post it notes sa katawan niya bago sya bumagsak at makatulog para maalala niya yung mga nangyari sa kanya bago siya makatulog... at sa huli... may surprise... :D:D:D:D

pero ayos na yung storyline na yun para sa trilogy na pinaplano ko... I totally hope that it would come into fruition.. kasi pramis.. I think it's my best idea yet.. at take note.. ginawa ko lang yan ngayon! :D:D:D pero ayun.. the story is very close to my heart.. it's a personal story in a way... but yeah... si Jedrickson pa lang kaakibat ko sa trabahong ito at kekelanganin ko ng at least three (3) actors/actresses at isang magpapakain :D at of course medium in which I can display my work... diba? kung pwede lang sana gumawa ng sariling organization o club eh.. club ng mga taong into filmmaking and the like... problema nga lang walang moderator.. sana si ser Cabuang na lang eh.. sabihin na lang natin na alter ego niya ang isang 60s Arnis action star! diba? lupet nun!

harlem globetrotters

No comments: