argh.. may cuts na yung index finger ko sa kakalaro ng playstation..
hanep nga eh.. parang ewan..
pero siguro kasi pindot ako ng pindot ng L2 at L1 magdamag...
I am currently playing Metal Gear Solid 3: Subsistence
nasa pag-infiltrate na ko ng lab kung saan tinatago si Sokolov.. naninibago na ko sa indoor environments.. parang magdamag akong nasa labas at natuto nang manirahan kasama ang mga damo at lupa.. kaya nawala yung indoor covert skillz ko.. nyahaha.. badtrip..
lugi rin kasi wala ka nung radar parang sa MGS1 at MGS2.. kaya di ko feel yung pagka-Metal Gear nya pag nasa indoor environment ako..
nabadtrip ako kasi paulit ulit na nahuhuli ako eh.. tuloy.. fake death pill ako ng fake death pill tas continue.. pero at least nakaka-tatlong saves pa lang ako! yesss! di na ko magiging Elephant sa huli.. for the pers time..
badtrip na ko sa Tekken 5 eh.. lagi akong natatalo nung Jinpachi.. di sya masayang laro eh.. isa syang laro na nagbibigay ng dahilan para ibato ang controller...
anyway.. enough gamer talk.. let's go to current events!
pag nasanay ka na sa paghanap ng butas sa mga flat o sharp notes tulad ng ginagawa ng mga jurors sa Pinoy Dream Academy.. mandidiri ka sa mga boses ng mga kumakanta sa Celebrity Duets ng GMA.. parang ako lang kung kumanta eh.. makalat yung nota, di maayos ang pag-hinga.. pakshet!
pakshet yung show na Celebrity Duets.. lalo na nung kumanta si Bayani Fernando.. god damn it.. they were clearly kissing his ass! pero who cares anyway? lalo ko lang sya di iboboto sa 2010 elections.. trying hard eh.. tas babawiin niya yung mga ginastos nya sa pag-kontrata niya sa GMA para kunin sya, sa mga tarpaulins ng muka niya, at sa mga stickers na may "Bayani" sa pondo na para sa atin..
pero wala naman rin tayong magagawa sa korupsyon.. tanggapin na lang natin ito.. kaya iboto niyo na lang kung sino ang lesser evil.. yung lalaking kinakawawa ang mga sidewalk vendors, yung lalaking pinagmamalaki ang kakarampot na OFWs na naligtas niya, o yung babaeng nagpapaputi?
1 comment:
adik sa playstation :]]
Post a Comment