Sunday, September 14, 2008

skinny jeans are not for skinny people

ang araw pagkatapos ng ACET

napaka-dali lang naman pala nung ACET eh.. pero kaya rin naman kasi madali kasi di right minus wrong.. sa UPCAT kasi kelangan talagang gumana ang utak mo eh.. bawat item pagiisipan mo talaga ng mabuti kung sure ka na ba o ano.. ACET no brainer eh.. basta maka-shade ka lang ng circle eh..

pero di ko inaasahang makapasa ako.. shinotgun ko lang yung math at yung numerical ability eh.. pero kung yung english at yung mga five minute tests ang basehan maayos naman iskor ko.. anlupet nga eh.. ang aga ko matapos sa karamihan ng tests..

kaya sa mga mag-A-ACET.. next year.. WAG MATAKOT SA EXAM!

lalo na yung essay.. pakshet yung mga nakikita ko dito sa multiply.. nananakot eh.. may nagsasabi pa nga na di na nakuntento yung mga 'teneo people sa essay sa application form.. pero keri lang naman yung essay.. 21st century hero.. buti nakinig ako sa AM radio bago ako nag ACET.. para may mga facts akong ilalagay dun.. IN YO' FACE!!!

nakakatuwa ang mga differences ng mga taong kumuha ng ACET at ng mga taong kumuha ng UPCAT.. nagmistulang fashion week sa pila ng ACET eh.. may mga naka-high heels pa eh.. parang nasa mall lang.. sana di makapasa yung mga sosyalin yung suot! haha.. jologs attire ko eh.. adidas na t-shirt, tska adidas na track jacket, tas adidas na sapatos.. puro adidas eh..

isa pa sa nakakatuwa eh maraming singkit!! parang nasa international school ka eh.. di lang sa maganda na ang campus may singkit pa! tska inglesero rin pala mga tao dun.. :D

given magagaling sa math yung mga singkit na yun eh.. sana SUPER STUPID nila sa english para di sila makapasa! kelangan kong makapasok sa top 10-15% ng ACET takers.. BS Health Sciences pa naman din ang kinuha kong kurso!

ambisyoso

nakakabadtrip lang sa pila ng ACET kasi parang ako lang ata sa pila ang di nagsasalita ng ingles dun.. parang lahat sila pag kinakausap mga kasama inglesan.. tska ang malupet pa dun eh modulated ang boses nila! no match na no match ako.. boses ko parang retired rak star eh.. sirang sira na lalamunan ko sa kakasigaw sa mga NCAA games.. buti pa sila pang-radyo ang boses.. pero DI BOSES ANG BASEHAN SA ACET! kaya may chance pa ko.. :D:D:D

ay.. oo nga pala.. left handed chair yung nabigay saken.. at ang masaya dun eh mas kumportable pala ako sa left handed chair keysa sa right.. ewan ko ba kung baket pero kahit na ba medyo marunong na ko gumamit ng left hand eh.. tutal shade lang naman eh.. madali lang yun...

sana maraming nahirapan sa ACET.. lalo na sa english parts.. kasi sobrang nadalian ako sa english at logic at chorva parts.. math lang talaga yung wala akong ka-alam-alam..

kaya in-e-encourage kong mag-comment ang lahat ng nag-ACET.. at sabihin nyo sobrang nahirapan kayo sa english because I need the positive reinforcement..

hard dip

1 comment:

Dexter Ancheta said...

Parang nagsisisi ako na hindi ako umapply sa Ateneo.