nakuha ko na rin ang illegal copy ko ng Spore.. ang latest game ni Will Wright.. ang taong gumawa ng The Sims, SimCity at.. erm.. mga Sim based games.. :D
buong aaaaaaaaaaaraw kong linaro ito.. as in buong araw talaga.. parang from 8 ng umaga hanggang 6 ng gabi nasa tapat lang ako ng kompyuter naglalaro ng Spore..
pero di lang naman ako nag-adik sa Spore buong araw eh.. tinuruan rin ako ng dad ko kung pano mag-drive eh.. although natuto na rin ako mag-drive sa mga laro tulad ng Need For Speed at Grand Theft Auto.. pero mas matagal kong linaro ang Grand Theft Auto kaya nasanay ako sa di realistic na physics..
pagkatapos ng pang apat o pang lima kong turn sa pagmamaneho.. narealize ko na di ako marunong mag-drive ng kotse.. nasanay na ko sa third person view ng GTA at NFS.. at least dun makikita mo kung babanga ka na ba.. eh pag sa kotse.. limited lang ang field of view mo.. kaya lagi akong nasa gitna ng kalsada imbes na nasa tamang lane ako..
hihintayin ko na lang nag 2009 release ng Gran Turismo 5.. parang di kasi tama na gumastos ako ng dalawang libo para sa demo lang eh..
anyway.. ACET ko na sa sabado ng hapon.. whooopeee.. get ready for cranial torture... pambihira.. ayaw ko nang pagdaanan ang dinanas kong stress sa isang upuan nung UPCAT..
SHINJI, IKASA ANG SHOTGUN!
NGAYON DIN!
1 comment:
ohh..
feeling ko, ako yung taong hindi matututong magdrive.
mapapatay ko lang sarili ko. :))
Post a Comment