Tuesday, November 04, 2008

I don't wanna play Metal Gear Solid 4 until I get an HDTV

medyo mediocre ang experience ko sa PS3.. kahit nasa akin na ang two of the most critically acclaimed games such as Little Big Planet at Grand Theft Auto 4.. di ako maysadong nag-eenjoy sa GTA 4.. parang Grand Theft Auto doesn't feel right pag next gen ang graphics.. mas at home ako sa simpleng graphics ng San Andreas.. pero na-eelibs pa rin ako sa dusk filter ng GTA 4.. yung nagiging saturated yung colors pag mag-ga-gabi na.. pero medyo naiirita lang ako sa inconsistent color scheme ng GTA 4..

Little Big Planet is kinda fun.. online.. ansarap ng feeling pag natapos mo ang level na ikaw ang highest with a bunch of people from all over the world.. parang isang malaking "in yo face mofos!" sa kanila eh.. pero maybe it's just me..

siguro kaya mediocre ang dating ng mga games saken kasi parang sila yung launch titles ng PS3 ko.. soooooo.. walang mapagbabasehan ng kapangitan.. siguro pag nalaro ko yung mga pangit na games sa PS3.. I guess? nah.. masyadong mahal ang games para pagsayangan lang sa mga walang kwentang laro..

enjoy ang PlayStation Store.. lalo na kung mag dadownload ka ng demos.. at least na-tra-try ko muna yung laro bago gumastos ng pagka-mahal-mahal..

nasubukan ko na ang NBA 2k9 at NBA Live 09.. at na-gets ko rin yung sentiments ng mga tao sa formus.. mas maganda nga ang NBA 2k9 keysa Live 09.. mas maganda yung graphics.. pero ampangit lang ng character models dahil parang anliliit ng shoulders nila.. at mas well proportioned ang mga players sa court keysa Live 09.. kasi sa Live 09 anliliit ng players sa court eh.. kaya feeling ko generic ang mga EA Sports titles.. kasi nung nalaro ko yung Live 09 parang naglalaro lang ako ng FIFA 09 except ma maliit yung court at iba ang controls.. yung feel nung game parehong pareho.. kaya bibilhin ko na lang siguro ang NBA 2k9 ng used next year para mga nasa 2k or 1k+ na lang ang presyo..

MotorStorm: Pacific Rift isn't really fun.. it's either my sucky SDTV or talagang masyadong magulo yung graphics dahil sa mga vegetation sa tracks.. kasi parang chambahan na lang na maka-land ako sa maayos na daanan eh.. either puno mabagsakan ko o bato.. pambihira.. kaya I'm pretty sure the only reason I'll be playing MotorStorm: Pacific Rift ay dahil sa mga trophies.. period

di ko nalaro yung Facebreaker dahil nag-hang sya.. pantawid gutom ko sana sya bago mag-release ng bagong Fight Night ang EA next year.. pero sabi nila pangit daw yung game.. kaya kung walang Trophy Suppot ang Facebreaker.. di ko lalaruin yan..

at lastly, ang Naruto Ultimate Ninja Storm.. ang kaisa-isang laro sa PS3 na na-satisfy ang graphical needs ko.. dahil simpleng cel shading lang ang ginamit ng Naruto Ultimate Ninja Storm.. di katulad ng Little Big Planet at Grand Theft Auto 4 na maraming palabok kaya di ako makapag-focus sa taong nasa screen.. kaya sa tingin ko graphics really isn't everything.. going back.. nakakatuwa ang simplicity ng Naruto.. from simple graphics to simple gameplay.. I love it.. nakakatuwa dahil circle o square lang kelangan mo pindutin para umatake tas triangle para mag-charge ng chakra.. pero kahit isa o dalawang buttons lang pinipindot ko the gameplay is very much satisfying.. I'm pretty much sold on this game kahit walang trophy support.. the gameplay compenstates for the lack of it..

currently I'm downloading the Mirror's Edge demo..

actually feeling ko kaya ko lang linalaro ang Grand Theft Auto 4 at Little Big Planet ay para sa mga trophies.. kawawa.. parang nawawala yung essence ng game.. tsk tsk.. pero anyway.. Level 3 na.. mostly bronze mga trophies ko(sino bang hinde?).. at sa GTA 4 at LBP ko lang nakukhua yung trophies! pano pa kaya pag nakakuha na ko ng Battlefield: Bad Company at Burnout: Paradise?

at eto po ang aking listahan ng bibilhing games.. in order..

1. Naruto Ultimate Ninja Storm
2. Battlefield: Bad Company
3. Burnout: Paradise
4. NBA 2k9
5. ROCK BAND 2.. haha.. I wish

but there are actually two games that I have played that I enjoyed in the current gen of gaming.. and those two are Naruto Ultimate Ninja Storm and Call of Duty 4: Modern Warfare.. COD4 just kicks ass with it's single player campaign.. lalo na yung part na may kelangan kang i-sinpe sa Chernobyl.. coolest..

AND NOW I CAN CALL MYSELF A NEXT GEN GAMER.. a gamer who skipped the last gen of gaming.. huhuhu.. di ko na-enjoy ang God of War series.. although feeling ko di ako mageenjoy dun dahil hackenslash gameplay yun.. siguro pag nag-enjoy ako sa Bayonetta o Devil May Cry 4.. susubukan ko yung God of War 3.. :D

1 comment: