Tuesday, December 09, 2008

doctor when

gusto ko maging isang batikan na physicist... para tanggapin ako sa Area 51 sa Nevada.. para mag-dra-drive ako ng mga UFOs...

na-e-LSS ako sa original theme song ng Doctor Who.. yung sobrang makaluma.. yung first ever song na maproduce without using any musical instruments..

anyway...

nawala lahat ng blood chem results ng respondents namin sa trial namin para sa scientific research.. putchak patay kami..

tapos wala pang kwenta si Geo sa grupo... napakasaklap talaga pag ikaw lang ang inaasahan ng grupo at tamad ka pa...

tama na ang distractions.. kelangan ko ng inspirasyon para magtrabaho!

pero wala eh.. inaayos yung pintura ng bahay namin.. di ako makapag-focus...

dun ako kulang eh.. sa focus... kaya kelangan ko ng... NORMAL NA SCHOOL SCHEDULE!

putchak yan.. parang araw-araw na lang sa school petiks na lang kami.. english time.. sa library! scientific research.. sa library! filipino.. activity na ewan! CAT.. maghanap ng hazards sa school! Economics.. umupo!

buti pa ang math, physics at theology... may mga lessons.. at least di nakaka-mush ng utak pag ganun.. pero grabe naman! parang buong araw wala na kong ginawa sa iskwelahan.. 80 thou binabayad namin.. at san napupunta yung pera? sa pagpapaganda para sa PAASCU! para saan yung 5 thou na UBD books? para sa wala! halos di namin nagamit yung Writer's Choice namin! buti pa yung Physics at Math books.. nagagamit kahit papaano.. pero pakshet naman! eh kung yung economics book namin na pagka-nipis-nipis di pa namin matapos at 3rd quarter na... pano pa kaya yung pagka-kapal at pagka-laking mga UBD na yun? kaya nga tayo nag aaral ng economics eh.. para di sayang yung resources natin.. eh tingnan mo ngayon kung san napupunta pera ng mga magulang natin.. sa sub standard education na inooffer ng iskwelahan natin!

kahit si Manny Miranda nagsasabi sub standard yung iskwelahan natin(namin? natin? ewan..) eh.. tapos yung CAT activity na maghanap ng hazards sa iskwelahan.. activity ba yan ng iskwelahanang binabayaran ng roughly 180 students ng 80 thou? sa 80 thou na binabayad dapat ng mga magulang natin wala nang ganyan ganyan.. dapat yung gym di pambanyo na exhaust fan ang ginagamit.. dapat yung surveilance cameras ginagamit.. eh mukang props lang sa mga sekyu ng iskwelahan yun eh.. panakot sa mga baguhan sa sistema...

pakshet nagmumuka tuloy akong tibak.. pero syempre.. ba't ka naman ba magrereklamo kung maayos naman yung sistemang kinabibilangan mo diba? kaya may mga nagrereklamo kasi di nila nakukuha ang nararapat sa kanila.. pero ibang kaso naman ang pagiging spoiled... pero kung ang value ng nakukuha mo in return ay di katumbas ng effort na binigay mo para dun.. eh panahon na para mambulabog.. mga pakshet pala sila eh..

talamak naman kasi ang katiwalian sa bansa natin eh.. let us not hold our breaths..

oh when? doctor when?

6 comments:

Gesmund Ballecer said...

:)) Kenneth is so mareklamo. :)))))

Bea Sigua said...

pamatay yung oh when doctor when. hahahahaha.

obedodo . said...

hahahahah.

nice. :))

Mikko dC said...

impernes, may sense 'yung pinagtatayp mo ngayon, prend. =)))
'cept the doctor when part =))

Dexter Ancheta said...

walang UFO sa area 51... ahahaha! di mo ba alam? nagbabayad tayo ng PhP80,000 para lang umupo, mag-isip at gumawa ng term paper slash thesis! :>

Kenneth Francis Fernandez said...

gago... its not what you think it is.. walang sense talaga yan