no rest for the weary...
kelangan ko pang ipasa ung thesis namin para sa Scientific Research... this sunday.. gawd deym it!
chapter 1 pa lang nagagawa ko sa buong thesis.. pero tutal madali lang naman chapter 2 kasi review of related literature lang naman...
teka.. my god! nakay Micah pa rin pala yung edited na chapter 1 namin!!
dadayain ko na lang si ma'am magpapasa na lang ako ng chapters 1-5 na half-baked..
di ko tuloy feel yung bakasyon.. tapos ngayon kelangan ko pang puntahan yung cardiologist na magaanalyze ng blood chem results..
kakayanin kaya ng dalawang araw ang pagsulat ng thesis?
anyway...
walang kwenta nanaman yung christmas party namin.. tapos di pa ko pumunta sa party ng aidan.. pero may sakit naman kasi ako eh.. kahit nakatulog ako buong hapon ansama pa rin ng lagnat ko..
pagkain lang yung habol ko kaya pumunta pa kong beda eh.. nagpanggap na lang nga akong walang sakit sa magulang ko eh..
ayos naman yung pagkain.. masarap yung siomai ni Jessie.. pero mas masarap pa rin yung sharksfin dumpling sa Red Ninja sa Robinson's Metro East.. tapos ansarap lalo nung salisbury steak na dala ni Oscar.. grabe.. 'd best! pero ang abnormal lang kasi yung mga nasa harapan rare ang luto.. kaya nagustuhan ko talaga.. pero nung parating na sa may dulo.. biglang naging well done.. ang hirap na tuloy nguyain.. badtrip yan..
pero kahit masarap yung mga hinain.. ansama pa rin ng pakiramdam ko.. pag naglalakad ako parang biglang lumalapit saken yung mga bagay bagay eh.. parang naka-hallucinogenic..
yung regalo naman.. ayos lang.. si Lim nakabunot saken.. as expected.. di yung gusto ko yung ibibigay saken.. I never get what I want.. last year humingi ako ng Fused Magazine kay Rull.. pero binigay nya saken dalawang magazine na pinag-tape para "fused" daw.. tapos ngayon ang hiningi ko shirt mula sa Team Manila o Electrolychee.. binigay saken.. red na shirt na may football.. dapat pala cash na lang hiningi ko.. tas bumili na lang ako ng print sa Electrolychee..
oh well.. regalo naman kasi yun eh.. ba't ako nagiging demanding.. ako na nga yung bibigyan eh..
3 comments:
ay may lagnat ka nga pala. tsk.
hahahahaha. benta yung regalo ni Rull. fused. hahahahaha.
Fused Magazine! =)))
Tanginang fused yan. =)) hahahahaha. Karamay pala kita, may lagnat at sipon ako eh. :| So much for the holidays.
Tag-limandaan naman kasi yung mga t-shirt sa Team Manila. Limit niyo ata tatlongdaan. At kaunti lang ang kanilang retail stores.
Post a Comment