pwede naman kasi ituloy yung title dito kung ganun kasi kahaba eh...
pero meh.. it's better to reinvent yourself sometimes.. kasi nakakasawa pag... para kang tirahan ng mga lamok.. stagnant..hahaha.. echos
anyway...
tutal may kolehiyo na ko.. siguro mag-se-settle in na ko.. parang asawa.. aasawahin ko na ang aking kurso.. pero kung di ko trip yung building, department at mga ka-block.. makikipag-divorce ako at lilipat sa Philosophy.. o sa Eccle.. para magiging pari ako.. tapos gagawa ako ng banda.. parang Calla Lily.. pero about God naman yung songs.. and St. Thomas Aquinas.. and the secrets of life na tinago nya.. soooo simply put.. parang cheap christian ripoff ako ng Sponge Cola.. na galing nga pala sa admu.. hello admu peeps.. mabuhay iswkelahan nyo.. sana umabot ng 400 years yan parang UST.. pero siguro by that time.. galit pa rin ang Vatican sa mga hesuwitang nag-ha-handle ng iskwelahan nyo kaya sorry.. Benedictines poreber!
pero mga Letranista kapatid ng mga taga-uste eh.. tsk.. kaaway pa naman din ng Beda yun.. pero ayos lang naman ako sa uste kung di ako pipilitin makihalubilo sa mga Letranistang makakalam na Bedista ako.. anywaaaaaaaaay.. school rivalries aside..
ayaw ko na mag-aral pag dating ng kolehiyo.. mukang mas malaki kikitain ko pag maaga akong nag-negosyo keysa idelay ko pa para lang makakuha ng connections.. eh UST naman yan eh.. di diyan nangagaling ang mga tanyag na CEOs at Presidente ng mga kumpanya.. Team Manila oo.. I admire them.. pero sayang lang investment..
pero di ko naman talaga trip ang negosyo.. pera lang habol ko dun.. frustrated na bata kasi ako eh..
ang tunay kong hilig ay gumawa ng pelikula at kung anu-ano pang creative pursuits.. tulad ng pagluluto ng exotic foods.. like sunog na canned sisig with eggs at chicharong kanin na may mang tomas.. atska creative dancing.. like dancing without music and dancing to the music of the national anthem of other countries.. tska siguro kasama na rin yung ibang forms of self expression tulad ng pagiging gago sa klasrum at di nakikialam sa pananaw ng iba...
kaya ang ideal na kurso saken ay WALA! i-asa na lang sa mga magulang ang kikitain...
... because pursuing expensive dreams will always be irrelevant if you don't want something like MD or Atty attached to your name on your gravestone
3 comments:
creative dancing. demonstrate! :D
Since when do you dance, Kenneth? O_o
Ay okay, 'yun din pala comment mo. =))
'Di ko nakita. =))
Post a Comment