Monday, March 23, 2009

seriously can't sleep

seriously...

parang di ako makahanap ng tamang pwesto sa pag-tulog.. ewan ko ba kung sadyang may bumabagabag saken o nasobrahan lang talaga ako sa tulog kahapon...

eto.. di dapat ako gising ngayon eh.. alas singko ng umaga.. well.. kaka-almusal ko lang nung alas kwatro.. kumain ako ng dalawang pakete ng Mi Goreng.. yung uwing pancit ni Ate Che galing Singapore.. sobrang bigat niya sa tiyan! parang kumain na ko ng tatlo o apat na pakete ng pancit ng Lucky Me.. feeling ko yung 'Me' ng Lucky Me ay 'Mi' talaga.. kasi sa pagkakaalam ko ang 'Mi' ng Mi Goreng ay noodles ata.. or something na pancit.. soooo ayun.. wala lang.. mga naiisip ko talaga sa ganitong oras ng umaga.. na parang gabi..

mukang panonoorin ko ang sunrise today ah..

feeling ko ang solusyon sa economic problem natin ngayon ay gumastos lang ng gumastos... baket? kaya lang naman may mga trabahong nawawala kasi kulang sa buget yung mga kumpanya eh.. kinukulangan sa buget ang mga kumpanya pag yung ginagatos nila ay mas mahal kumpara sa natatanggap nilang pera.. basta circular flow lang.. kaya as much as possible.. dapat iwasan natin ang pag-bili habang sale.. baket? kasi mapipilitan ang mga companies na ibenta ang mga goods nila at a lower price.. pero mabuti naman yun diba? oo naman.. para sa mga consumers.. pero hinde sa mga workers.. sila apektado eh...

parang imagine.. gumastos ang T Shirt Project ng isang libo (1,000.00) para sa pag-produce ng limang (5) damit.. sabihin na nating para maging profitable ang mga goods na prinoduce ng T Shirt Project eh dapat 300 ang benta ng mga shirt nila.. so sa kabuuan eh 1,500 ang matatanggap nila.. at 500 yung income nila.. dahil yung isang libo.. cost of production...

so let's say walang bumili ng damit kasi mas gusto nila bumili ng chicken fillet ng McDo.. kaya ayun.. naisipan ng management ng T Shirt Project na mag-baba ng presyo para lang mabenta yung limang damit.. clearance sale! all must go! kaya ginawa nang 200 per shirt.. so saktong 1,000 ang matatanggap nila.. so zero ang income nila..suicide naman yun sa mga kumpanya dahil hello? antagal mong naghintay para magproduce ng good at wala ka ring kikitain.. so para naman di sila ma-disheartened.. bababaan na nila yung cost of production nila sa isang damit para mas kumita.. sabihin na nating 500 pesos para gumawa ng limang damit! at sa kinaltas na 500 sa original na cost.. mawawalan ng let's say dalawang trabahador ang company.. so that's two unemployed people..

so ayun.. tinatamad na kong mag-explain kasi medyo lumiliwanag na.. :D

basta please.. let us not save money! let's spend and spend and spend! dahil baka the more we save money.. the more na tataas ang presyo ng mga goods.. at the more na mag-devalue ang pera natin..

anyway.. dati ko pang iniisip yung raket na 'to.. kasi balita ko kay elmar.. mga 30 pesos ang ibinaba ng UK Pound.. yung dating 90.. 60 na lang.. so naisip ko.. what if... bumili ako ng maraming maraming UK Pounds ngayon.. baket naman ako bibili ng ganun? well.. since bata pa naman ako.. at malabo kong magamit yung currency na yun.. baka mag-normalize na ulet yung value ng UK Pound.. bumalik sa 90 pesos.. so yung binili kong 60 pesos ngayon.. 90 pesos after a few years! o diba? naghintay lang ako kumita na ko ng 30 pesos.. 30 pesos may be little.. pero imagine.. kung bumili ako ng 1,000 UK Pound.. that's like 60,000 Pesos.. tapos let's say pagkagradweyt ko ng college.. eh bumalik na siya sa normal value.. edi 90,000 Pesos na yung dati kong 60,000! so parang.. imagine.. four years ako sa college.. there are 365 days in a year.. so 1460 days in four years.. divide that by 30,000(which is yung kinita ko after four years).. edi parang kumi-kita na ko ng 21 Pesos a day! 21 Pesos just for being patient!

oh my god.. kung anu ano na sinasabi ko... dapat kasi tulog ako ngayon eh... papasok na nga ako.. -_-"

waiting is the easiest part.. you basically do nothing.. so yeah.. I'll wait..

No comments: