nakakabobo ang walang pasok... seriously... pumanget ang performance ko ngayong taon compared last year... ay teka.. pano ko nga ba mamemeasure yun?
anyway... nung mga huling linggo ng summer vacation na tag-ulan.. atat na atat na kong pumasok dahil sobrang nakaka-depress ang di nagbabagong environment.. pero 'oly shet.. dumating si A(H1N1)... natulak ang klase for a week... matapos nun eh wala akong maalala na significant na nangyari para maudlot ang klase ng ganun katagal.. pero andyan ang mga long weekends dahil sa mga ka-chorvahan ngadministrasyon ng uste para di kami magka-klase.. mga apat o tatlo ata yung mga fridays na wala kaming pasok... kaya that's 8-9 school days out of the calendar..
pero wag nyo kalimutang namatay si tita Cory.. at nauso ang mga fans ni tita Cory sa facebook at sinamantala naman ng ibang negosyo ang pagkamatay niya at nagbenta ng Cory themed apparel na binili naman ng sambayanan.. isang araw yun na nakaltas sa kalendaryo... but wait there's more! namatay pa si Ka-whoever ng Iglesia... that's another day off the school calendar... and we have a total of: 10-11 school days out of the window...
at eto nanaman po.. isang bigating class suspension na kasing haba ng sembreak ng mga hayskul students... humagupit si Ondoy! at apat na araw kaming walang kuryente! I wouldn't say na its an unfortunate situation.. dahil kahit papaano eh naputol ang monotony ng "gising-computer-kain-computer-tulog" cycle ko.. kaya it was nice I guess.. naglaro lang ako ng candle.. tapos binabalik balik ko yung natuyong tumulo na wax sa apoy.. at nagkaroon ako ng philosophical realization habang pinaglalaruan ang candle wax na di ko ididisclose sa blog entry na 'to dahil magiging masyadong mahaba... pero anywayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy
15-16 days ang nawala sa school days ko.. and it is math time!!!
para sa basic education.. kelangan ng 200 school days per year.. that's 20 school days for one month.. and 5 school days for one week... so kung kakaltasin ang 15-16 days... kelangan magkaroon ng saturday classes para mag-compensate sa nawalang araw.. or kung autonomous naman ang isang pribadong iskwelahan.. pababayaan na nila siguro yun... kaya hooray for PAASCU
at para sa kolehiyo.. sa tatlong units.. kelangan ng 52 hours per sem.. thats 3 hours a week.. 12 hours a month.. and 60 hours per sem.. at dahil oras oras ang pinaguusapan natin... di ko na itutuloy 'to dahil pakshet sumasakit lang ulo ko sa numero... tama na...
No comments:
Post a Comment