as expected.. may mga prof na di pumasok sa first few days of sican sem...
unlike the pers sem.. wala kaming rest days... dahil ngayon eh evenly spread out ang mga seemingly difficult subjects... MWF has Logic, PGC, and Math.. TTh has History of Western Civ and History of Philippine Economics... ngunit hinde ako matitinag! aking sasalubungin ang daluyog patungo sa bagong liwanag!
pers subject ang logic namin every MWF.. at ang dakilang si Rey Reyes ang aming prof! yehey! gaguhan time na! ngunit ako naman ay sigurado na kaya ko ang Logic.. subalit hinde ako logical na nilalang.. keri ko naman ang syllogism and shit sa lohika!
expected grade: not lower than 2.5.. I hope.. and I pray..
sumunod naman ay english.. reading chorva.. ni ma'am Ana De Guzman.. na baguhang prof.. na 17 years na nagturo sa De La Salle.. Taft.. at ilang years rin sa College of Saint Benilde.. nakakatuwa lang pag sinasabi niya ang De La Salle.. talagang andun ang pagka-la sallista.. at bilib naman ako sa yabang ng mga la sallista.. nasa lugar naman eh.. highest grade na binigay niya eh uno flat... at sana isa ako sa makakauha nun.. at tutal puro reading naman ang english namin.. how hard could it possibly get?
expected grade: 1.5 highest.. 2.25 lowest
di dumating ang PGC prof namin.. pero sana si Yanga.. para di ko na kelangan i-memorize ang preamble.. dahil holy shit.. sa pag-memorize pa naman din ako mahina!
expected grade: aba'y ewan.. wala pa yung prof eh
at buti na lang last subject namin ang college algebra.. with ma'am gotauco.. muka naman siyang mabait.. at namamanipula naman ng mga sican yir students.. sooooo.. kaya yan.. very remote siguro yung possiblity of me failing her subject... dahil ngayon.. ipinapangako ko sa sarili ko na ako'y magsisikap sa matematika ngayong kolehiyo na ko sapagkat may econometrics kami at mathematics of finance next year or whatever... YEAH!
expected grade: lowest 2.75
every tuesdays and thursdays ay medyo mala-crescendo ang mga subjects namin...
dahil magsisimula kami sa napaka-softcore na Theology 2.. na sacraments ng church.. which is 3rd year theology with sir Ines.. ay teka.. SIR INES?! HOLY SHIT!! MAY NAALALA PA BA KO SA TINURO NIYA?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?
expected grade: 2.75 to 1.75
at matapos nun eh Philippine Lit.. at hanep prof namin dun.. nakalimutan ko lang pangalan... pero sobrang Dedace part 2 siya! una eh.. kalbo siya.. panglawa eh parang paos ang boses niya.. at pangatlo eh.. yung pananalita niya ay parang si Dedace talaga.. medyo disappointed lang ako sa mga selections namin this sem dahil hinde kasama ang queer literature.. pero oh well.. andyan pa naman ang mga websites na nagsisimula sa letter 'p'.. tulad ng philippineliteratures.com... pero at least nasama si Jessica Zafra sa mga selections na babasahin namin.. under humor and chorva.. at sa klase namin ay walang kumibo nung tinanong kung may nakakakilala ba kay Jessica Zafra.. ngunit expected naman daw dahil mga econ majors kami.. or at least sila.. I am a Philo major at heart!
expected grade: it doesn't really matter.. c'mon we're going to discuss Jessica Zafra and Ricky Lee!
at si Manapat nanaman sa Eco 102.. ang aming major subject.. na History of Philippine Economic Development.. which I have a background on.. luckily.. thanks ko Tullao's book.. at napansin ko eh mas aktibo na si Manapat sa klase habang lectures.. di katulad nung Management.. na sobrang.. parang.. stereotypical college classes protrayed in films ang dating.. dahil sobrang slow ng pace.. kahit may PhD siya in BM.. he doesn't seem to make his lectures interesting.. pero yeah.. hanep na lectures niya ngayon...
expected grade: has to be 1.something
and to top it all of... last subject namin... History of Western Civilization... YEHES DUMAWAL!!
unang moments pa lang ng klase sermon na agad! at yun ang mga panahon na sobrang naiingit ako sa mga foreigners dahil di nila naiintindihan ang pinagsasabi ng prof.. at least sila di natatakot.. pero kaming lahat.. nasindak eh.. pero I had to keep my composure.. because otherwise I can't pull out my secret weypon.. because I AM LEYGEND!!
anyway... simula pa lang nung grade school eh ganun na talaga ang style ko... I do well when everyone else is crippled by fear... pag takot mga kaklase ko sa teacher.. papakyawin ko ang mga tanong ng teacher dahil lahat sila'y di makakapag-isip ng tama.. and I just get pleasure from seeing others in an uncomfortable state... sadista ako... pero on the other hand.. petiks ako pag ang lahat ay gumagawa ng mabuti.. para bang.. pag ang lahat ng mga kaklase ko'y nagsisitaasan ng kamay para sa recitation... ako naman ay keber na lang.. because its either I'll make a difference or I don't do anything at all..
kaya it totally works to my advantage na takot mga kaklase ko mag-recite sa klase ni Dumawal.. na sobrang Elemento part 2.. siya yung striktong prof na ang gusto talagang mangyari ay matuto ang kanyang mga studyante sa pinaka-disiplinadong paraan...
anyway..
kaya nung history namin eh sagot lang ako ng sagot sa mga tanong niya.. at napuri pa niya ko.. dahil di ako nagpasindak.. kasi nakita ko naman ang tunay niyang hangarin eh.. ang matuto ang mga studyante.. pero wala.. nadala sa sindak ang mga kaklase ko.. kumbaga.. nung panahon na yun eh may combat high ako.. sobrang focused ako sa klase... kasi sino ba naman ang di gaganahan sa prof na gusto talagang matuto ang mga studyante at di lang mang-gago at mambagsak diba?
and yeah... playing tons of Sid Meier's Civilization IV helped sooooooo much during class.. because most of my answers were pretty much things I've seen or read from Civilization IV.. see? games do help in your studies!
expected grade: if things go as planned.. this might be my first flat uno
but yeah.. spending time with people older than mean (read: Richmond and Sang Kaew) made me realize that grades don't matter that much.. as long as you're doing your job in class and you're not failing.. then college is more about the experience with the people around you than the academic shit..
No comments:
Post a Comment