Saturday, February 24, 2007

director day

Umaga... alas sais... ginising ako ng cellphone ko. Argh... medyo nagsasawa na ako sa N70 ko. Sa lunes nga yung uber luma na celpon ang gagamitin ko. Hihihihi...

May 'Exposure Trip' kami para sa Peer Facilitators. At pumunta kami sa isang lugar na parang home for the aged/kumbento. Late kami nakarating, salamat sa Revo ng isang ka-club ko na hinde ko kilala. Nasa likod kami nina Bernard Lacerna, Juan Benito Corcuera at yung Pascal sa 2-24. Ansikip nung papunta! Palibhasa, may kasama kaming mga adult diapers at toiletries. Nung pagkarating dun sa dapat puntahan ay sinabihan na kami na makipag-interact. I am not a social person! Kaya clueless ako nun. I don't even know how to start a normal conversation with a normal person! Paano pa kaya sa isang iniwanan ng pamilya?! Medyo naawa rin ako dun sa mga tao dun(like what everybody would say). Yung iba ngang matatanda dun hinde na makapagsalita eh! Naawa pa ako dun sa mga hinde nakausap, sa mga hinde pinsansin, at dun sa mga hinde naasikaso(sounds repetitive). 20 minutes lang yung tinagal namin dun. And I find Indian chicks hot. HAHAHAHAHA

Hapon(afternoon), may practice kami dapat sa music(na naging practice para sa susunod na IAC) at shooting ng video sa practical arts. Nagpaka direktor/actor ako nung nag-shoo-shoot na kami ng video. Ngayon nga, inaayos ko na yung video. Nasa post-production phase na... pagod na pagod ako ngayon araw.

"I dream of plastic vaginas on building walls"

Friday, February 23, 2007

blog entry happy

Naawa na ako sa blog ko. Ilang buwan ko syang hinde nagamit. Walang kwenta naman kasi yung blag ko eh. Pero hintayin ko na lang na umabot ng isang taon blag ko. Kung gusto nyo malaman kung gaano pa katagal. Tingnan nyo lang sa ibaba ng page na ito...

Argh. Nakakainis ang bagong blogger. Pinilit akong gumawa ng Google Account. Pero may Google Account pa naman ako dati eh. Nakalimutan ko lang yung password. Tuloy, ginamit ko yung kafernandez_j14so ko. Punyeta!

Patay na yung Flickr account ko. Masyado akong nag-focus sa Deviant Art. Feeling ko, mas at home ako sa Flickr. Kasi sa Deviant Art iba't ibang klase ng artworks ang mga naisusumite ng mga tao. Buti pa sa Flickr, photography talaga. Eh Digital Photographer pa naman ako. Actually, gagamitin ko ang Deviant Art para sa mga paintings ko (yes, I paint). Kaya sa Flickr na lang siguro ako. Nandun naman kasi yung mga idolo ko eh, namely Wawi Navarroza and Danny Sillada. Pero at least sa Deviant Art may journal. Mas konti lang kasi titingin sa blag ko eh. Boring naman kasi blag ko. Walang kwenta. Hinde kasi ako naglalagay ng mga template. Pero I think it's not my thing na gumamit ng ibang templates.

Ngayon ko lang ulet chineck yung page ni Wawi Navarroza. At nakita ko yung Anamnesis: Tarot Major Arcana Self-Portraits at yung Saturnine, exhibit ni Wawi Navarroza sa Pasong Tamo. Sayang yung Saturnine! Gusto ko pa naman mapuntahan yun. Mula January 18 to February 17 yung exhibit niya. haaaaaaaaaaai... I love Wawi Navarroza and her photographs. Kaya ngayon ko lang ulet na-realize... parang gusto kong bumalik sa roots ko. Yung mga black & white photographs, high contrast at kung anu-ano pang magbibigay ng darkness or whatever sa shot.

Napanood nyo na ba yung mga nagkakalat na political ads sa TV? Nung kumain ako dalawa nakita ko. Yung kay Migs Zubiri at si Prospero Pichay. Tawang-tawa talaga ako sa mga political ads ngayon. Lalo na yung mga political ads na gumagamit ng mga patok na stuffs katulad ng kay Kiko Pangilinan, Migs Zubiri at yung isang politician na gumamit ng jingle na "Lagot Ka" at si Peque Gallaga ang nag-direct. Pero ang pinakanakakatawang ad ay galing kay Prospero Pichay. Sa huli kasi ng ad, may nakalagay. ITANIM! hahahaha... Pichay! Itanim! bffffft.. angkorny alam ko. Pero nagbago na rin yung itsura ni Joker Arroyo ah. Mas gwapo pa nga yung Joker Arroyo na drowing keysa sa mismong Joker Arroyo eh! oh well... I guess some people look better when they're immortalized.

Naalala ko tuloy, nung nag-lelecture yung paborito kong teacher(si J.Lo). Napunta sa kung saan napupunta yung buwis na binabayad ng lipunan. Feeling ko lang, kaya mas binabayaran ng gobyerno ang utang natin keysa sa development ng education natin ay para mas konti ang mga edukado. Alam kong it sounds stupid pero tingnan nyo. Pag nangangampanya ang mga politicians, konti lang ang mga seryosong TV ads. Puro may gimmick. At alam naman natin na ang mga uneducated na voters ay madaling kumagat sa mga gimmicks ng mga politicians! Baka may conspiracy! Paano kaya kung naging Communist country tayo? hmmmmm... siguro mawawala yung mga Chinese sa 'Pinas.

A long time ago, nasabi daw na tinest ng mga Chinese ang anti-satellite missiles nila. And a longer time ago, nasabing may mga nuclear weapons ang North Korea. Could it be possible na gumawa ng bagong Axis powers ang China at North Korea? Oo, alam kong nakipag-deal na ang UN sa North Korea. Pero hinde ko pa alam kung ano nangyari. Kung nabaklas man o natanggal yung mga weapons. Sure ba silang nawala na completely ang mga Nuclear Weapons ng North Korea? Magingat kayo! At dun naman sa anti-satellite whatever ng China. Baka makatulong pa yun. Nabasa ko sa news na may meteor na papalapit sa atin. Posibleng mawala sa course yung meteor na yung kung gagamitin ang anti-satellite whatever ng China. Pero sa pagkakaalam ko, hinde lang China ang may ganun. May ganun rin daw ang Australia...

haaaaaaaaaaaaaai... the product of extreme boredom. Sira pa rin po PC ko...

balls don't cry

"dream big!" yan ang sabi sa amin ng Asian History Teacher ko na si Jason Lorenzo (J.Lo for short). Sinabi niya yun sa amin nung dinidiscuss namin ang Nationalism. Sabi niya ang problema daw sa ating mga Pilipino ay we're not dreaming big. Karamihan daw, iniisip na magiging employees daw sila pagka-graduate o magiging call center agent. We should dream big! Wag daw tayo makontento sa pagiging employee. Why not become the employer rather than the employee. Tingnan nyo si Lucio Tan o si Henry Sy! They started small pero tingnan nyo kung nasaan na sila! Kaya pagkalaki ko, gagawa ako ng factory ng fishballs! At susubukan kong maging number 1 producer ng fishballs sa buong Asia!

In line with that, I want to share an experience kanina lang. Dismissal time, gutom na gutom na ako. Pinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa, 4 pesos na lang ang natitira. Nakakita ako ng pizza sa cafeteria. "Kelangang kong mabili yun!" sabi ko sa sarili ko. Syempre, gumana na ang pagka-chinese ko. Nagsimula na akong mag hanap ng mga taong pwedeng hingian ng pera. Kadalasan, pag may hihingi, sinasabi nila "oy! pautang/pahinge ng bente". Para sa akin, isang malaking pagkakamali iyun. Dahil pag ganun ang ginawa mo, mas bababa ang chances mong mabigyan ng pera. Kaya ang hinihingi ko ay limang piso lang. Oo, 5 pesos. It might sound stupid pero effective yun! Lalo na kung marami kang kakilala at uwian na(dahil by that time... konti na lang ang may pera)! Syempre ang challenge sa paghingi ng singko ay kelangan mong humingi sa maraming tao. Pero at least pag ganun, pwedeng umabot ng 100+ ang makukuha mo. Let's say may 10 kang kaibigan sa bawat section, at hiningian mo ng tig-lilimang piso ang bawat isa. May 50 ka na! at since may anim na sections sa 2nd year, pwedeng umabot sa tumataginting na 300 pesos ang mabuburakot mo! Pero may limitasyon ang pambuburakot. Dapat paminsan-minsan ka lang mamburakot! Dahil pag nahalata ng mga kaibigan mo ang modus operandi mo, baka hinde ka na nila bigyan! At dapat rin, may script ka rin! Wag yung "oy, pahingi ng singko". Dapat smooth, yung tipong mapapaniwala sila o maaliw sila. Para mabigyan ka naman ng pera dahil sa effort mo. Balik sa storya ko... nung tiningnan ko kung sino ang mga tao sa cafeteria, nakita ko sila Rochelle at iba pang upper classmen. Bawal ko nang hingian ng pera sina Rochelle dahil nahuli na nila ako. At bawal ko naman hingian ng singko ang mga hinde ko kilala. Pero nung papalabas na ako, nakita ko si JC(Perez). Humingi ako sa kanya ng singko. Wala daw sya, pero sabi ko hingian nya ang mga friendly friends nya. At nagbigay naman ng singko yung friend nya. Hanep, may 9 pesos na ako. Pumunta na akong Mendiola Hall, at nakita ko sina Joanalou at si Arabhel. Naghanda na ako ng script. Sabi ko inaatake na ako ng ulcer, kaya kelangan ko ng pambili ng pizza(na sabi ko ay 25 pesos). Natuwa naman sila saken at binigyan nila ako ng pera, at may 25 pesos na ako! Pumunta na akong cafeteria ulet, at kinuha ang pizza. Pero nagulat ako nung 35 pesos pala yun! Mali ang pagkakadinig ko na-order ko na, lagot. Pero Jelyn appeared in the nick of time. Nag-ayos ulet ako ng script. Sabi ko pinambayad ko sa class fund yung dapat kong pambili ng pizza. Eh mukang nainis, at gusto na nya ata akong mawala. Binigyan nya ako ng 10 pesos! YAY! Pagkatapos kong kumain ay nauhaw ako. Syempre, dahil wala na akong pera, pumunta akong clinic. Libreng inom naman yun eh, basta may gamot ka. Sabi ko "ate, pahingi ng neozep, angsakit ng tiyan ko eh". Kumagat naman sya sa script ko. At binigyan nya ako ng Neozep. At nakainom ako ng libre!!

Kita nyo... mula sa 4 pesos ko. Nakabili ako ng Pizza na nagkakahalagang 35 pesos! We should be more like the Chinese! matiyaga! Kaya dream big mga Pinoy! Kaya natin 'to!

Saturday, February 10, 2007

blah!

nakakatamad gumawa ng isang meaningful na blog entry... (kelan ba naging meaningful ang mga blog entries ko?!)


so... andami sigurong Bedistang(Rizal) gumawa ng blog entry tungkol sa BEDAzzled. Wala pa akong tinitingnan na post tungkol sa Bedazzled kaya baka mali ako sa sinasabi ko....

Ano nga ba ang nangyari kahapon? hmmmmmmm... nagperform ang Mendiola whatevers(I like their last song... nakalimutan ko lang yung title nun... narinig ko na yun sa Gran Turismo eh), ang banda ni EJ(na idolo ko), Join the (fucking gay) Club(gusto ba nila manalo ng Best Live Performance sa NU Rock Awards?), Chicosci(bagong gupet nga pala si Mong), at Sponge Cola(na hinde ko pinanood ang performance). Pagkatapos ng concert naisip ko... asan yung iba pang Surprise Guests? Si EJ lang naman ata yung surprising(hahaha) sa kanila. OOOooooooooooooOOOOOOOOOOOOOOoooookay... let's start with the Mendiola whatevers. Ayos naman yung performance nila. Tahimik yung audience(except nung naghanap sila ng mga former titsers nila) during their performance. Nahalata ko rin yung bassist nila, fretless yung bass... ata. Tapos yung sa banda ni EJ, hanep yung energy, at surprising na guest si EJ(tawa ulet... kahit korny). Hanep yung bass sa last song na pinerform nila. Tska... naawa ako sa mga freshmen na hinde nakakakilala kay EJ(maliban kay Ezekiel Tan!! hahahaha). Tapos yung Join the Club, dun na ako nagsimulang mag-slam. Medyo napilitan lang nga ako mag-slam eh. Kawawa naman kasi si Join the Club. pagkatapos ng dalawang kanta ng Join the Club kumain kami ni Anzel, Anzel's brother at ni Jonas sa isang madilim na sulok ng venue. Hinde ko na pinakialaman yung performance ng Join the Club dahil HINDE KO MATANGGAL ANG PUTANG INANG TINGA DULOT NG PUTANG INANG JAPANESE CORN NA BINEBENTA DUN! Pagkatapos ng performance ng Join the Club hinanap ko na si Sid. Nung nakita ko si Sid, kasama nya sina Raven at Justin. Nakakainis si Raven eh. Hinahanap si Miggy. "Sus! makikita nyo rin naman si Miggy sa stage eh!" sabi ko sa kanya. Ba't kaya ganun mga turing ng mga tao sa kanila. Buti sana kung mga legends sila tulad ni Marilyn Manson, Robert Smith, Ely Buendia, Manny Pacquiao, FPJ, Saddam Hussein at Osama Bin Laden. Pagkatapos ng unang song na pinerform ng Chicosci, sinigaw ko "Paris!!" para makita ko talaga kung sino ang mga taong nakakilala sa Chicosci dahil sa A Promise. Nung pinerform na nila yung Paris, sumabay ako sa pag-kanta. Sinigaw ko sa tenga ni Raven yung kanta. Tapos talon ako ng talon mag-isa. Halatang ako lang sa grupo namin(Sid, Raven, and friends) ang nakakakilala sa Chicosci during their Method of Breathing days nila. Nakita ko rin na Behringer ang ginamit na synthesizer ni Mong(I WANT ONE OF THOSE!!). Nagsimula na akong mag-slam nung A Promise at Seven Black Roses. Ewan ko ba kung baket, pero tuwing nakikipag-slam ako parang nasa isang trance ako. Wala akong nararamdaman na sakit. Basta talon at bungo lang ako at peace. Partida pa yun! Naka-chinelas lang ako! Ansakit ng paa ko pagkatapos ng Chicosci. Shet! Ilang mga naka sapatos ang tumapak sa paa ko! Tapos nung performance na nung Sponge Cola, umupo na lang ako kasama si Sid at ang mga 2-21 friends ko habang nag-de-date ng mga Landicho si Malibi at si Pe. Dinedma ko na lang yung performance eh. Nakapagtataka, pagkatapos ng performance ng Sponge Cola, ambilis mag-disperse ng mga tao. Pero konti lang naman yung mga tao eh(tapos anlaki ng venue). Lovapalooza ngayon diba? sayang hinde ako nakapunta! Manghahalik ako ng isang complete stranger dun! habang nasa may registering-whatever, magtataas ako ng karatula na may nakasulat na "need kissing partner sa Lovapalooza?"! At least makakatulong ako sa pag-regain ng world record ng pinakamaraming couples na nag-kiss sa isang lugar!

haaaaaaaaaaaaaaaaai... may multo nanaman... tsk.. kakadownload ko nga lang pala ng Season 10 ng South Park, Donnie Darko soundtrack, at Silent Alarm ng Bloc Party. I wasted my day by playing GTA: San Andreas from 8 am to 10:30 pm. I am such a bum. I am working on the fourth episode and I now have the list of supporting characters and the antagonists of The Adventures of Flaviano Cabuang. I know, the thrid episode sucks. It's one of my rushed shit. I like did it for an hour or something. I am one of the worst wannabe writers who post their stuff on the internet! So screw me and have a good sleep! God! I need seeders!

Tuesday, February 06, 2007

at last!

after months of waiting... now I give you THE THIRD EPISODE OF THE ADVENTURES OF FLAVIANO CABUANG!!

The Adventures of Flaviano Cabuang
Episode III: Tomaster

Dahil sa labis na lungkot at pagkabagot ni Flaviano ay umuwi na siya...

Pagkarating ni Flaviano sa kanyang bahay ay agad-agad niyang tinext ang kanyang mga kaibigan(Mendiola boys, at BMS). Naghanda na rin sya ng beer at pulutan(since mahirap lang siya, Boy Bawang yung pulutan nila). Dumating ang mga BMS boys. "Flaviano! High tech ka na ah! Nagtetext ka na ah!" sabi ng mga BMS boys. Hindi umimik si Flaviano at tumungo na lang. "Flavy my mehn! Ba't ka ganyehn?" tanong ng isang BMS boy. Hindi sumagot si Flaviano. Umupo na lang siya at kumuha ng isang bote't ininom. Hindi dumating ang mga Mendiola boys dahil alas diyes na ng gabi tinawag ni Flaviano ang mga Mendiola boys, sarado na ang LRT2 by that time. Wala ring inutos si Flaviano sa mga BMS boys kaya tumayo lang sila dun habang pinapanood si Flaviano na tulala at umiinom ng beer habang pumapapak ng Boy Bawang. "Flaviano, uhhh... wala ba kaming gagawin dito? tingnan mo oras o... may pasok pa kami bukas" sabi ng isang BMS boy. Wala talagang sinasabi si Flaviano. Tumagal hanggang alas tres ng madaling araw ang pag-solo ni Flaviano sa beer na inutang niya. Hindi pa rin umaalis ang mga BMS boys(dahil hindi sila gumagalaw hangga't walang sinasabi sa kanila). At ayun din, nung alas kwatro ng umaga, bumagsak si Flaviano.

*dream world sequence*
"Tomaster... TOMASTER... TOMASTER!!!" isang boses na tila nangigising kay Flaviano. Nang imulat ni Flaviano ang kanyang mga mata ay nakita niya'y may isang panda sa harap niya! Nagulat si Flaviano at napatayo bigla. Ngunit medyo groggy pa sya at hinde makatayo ng tuwid. Tila ba naka-marijuana siya. Nanlalabo na ang kanyang paningin. Bumibigat na ang kanyang katawan. "Panda, ano pangalan mo?" tinanong ni Flaviano. "Yun nga po sana itatanong ko sa'yo eh" sagot ng panda. Bumibigat pa lalo ang katawan ni Flaviano. Parang bang nae-e6@k na sya. "Panda, asan ba yung pinakamalapit na CR dito?" tanong ni Flaviano. "You're in nature! pwede kang ume6@k kahit saan!" sagot ni Panda. "Ha? di kita naintindihaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa--" tuluyan nang bumagsak sa sahig si Flaviano. "Tomaster! Gumising ka na! Putcha!" sabi ni Panda. Binuksan ng Panda ang kanyang bibig at humugot ng isang arnis mula sa kanyang lalmunan. "Gumising ka at pangalanan mo ako Master!" hinampas ni Panda ang arnis niya na puno ng laway kay Flaviano. Pero ngunit hinde gumigising si Flaviano, parang isang bato. "PUTANG INA! GUMISING KA!!" isa nanamang mas malakas na hampas ni Panda kay Flaviano. Ilang beses pa ulet hinampas ni Panda si Flaviano at nagising na rin ulet sya. "Nasan na ako?" tanong ni Flaviano. "Pangalan ko nga hinde ko alam eh! Kinaroroonan pa kaya natin?" sagot ng inis na Panda. Binuhat ni Panda si Flaviano at pumunta sila sa pinakamalapit na batis. "Sige na nga, mukang lasing ka pa ata eh" sabi ni Panda. Hinawakan ni Panda ang muka ni Flaviano at linunod ang muka niya sa 2ft na tubig.
*end of dream world sequence*

Nagising si Flaviano na nasa bahay niya ulet. Nandun pa rin ang mga BMS boys at ang beer at Boy Bawang na inutang nya. Nanlalabo pa rin ang paningin niya... at bigla siyang sumuka. Nakita niya na buo-buo pa rin ang Boy Bawang na kinain nya sa sinuka niya. At naayos na rin ang paningin niya. Nabulantang siya nang nakita niya na ang panda na nakita niya sa dream sequence ay nasa likod ng mga BMS boys. "Sundan mo ako" utos ng panda. Tumayo si Flaviano at dirediretso lang siya, tumatagos sa table at sa mga BMS boys. Nagnakaw si Panda ng motorsiklo. "Halika, sumakay ka dito" utos ng panda. Agad-agad sinunod ni Flaviano ang utos ng Panda. vrooom ang tunog ng motorsiklo. Dirediretso sila Flaviano papuntang Highlands Pointe at pumunta sila sa edge ng isang cliff. "Flaviano, hawakan mo ang kamay ko. We will fly" sabi ng Panda. Tulala si Flaviano pero humawak siya sa kaliwang kamay ng Panda. Tumalon ang Panda sa cliff kasama ni Flaviano...

Monday, February 05, 2007

to keep this blog alive...

I really don't give a fuck about blogs anymore... anyways, to keep this blog alive... I've decided to make a new post! YAY!

It's 11 o' clock, it's way past a normal kid's bedtime (but I am not normal and I am not a kid... I am a monster). I don't think I can make blog entry worthy enough to be read by normal human beings. But I don't care about worthyness and shit. I care about my daily needs and shit! Yes... I am on drugs.

Just to inform those who don't care, a lot have changed in my life. Firstly, I now have a semi-high-end PC. It's running on a 3.0GHz Pentium 4 processor(and I was supposed to buy a 2.66GHz Pentium D processor[which was better for those who are not in the know]), the graphics is powered by an ATi Radeon X800(which is a nice graphics card, it is in PCI-E, it has 256MB of RAM and I think it has 435MHz of processing power[I'm not really sure though]), I have an 80GB storage(still, not enough for my videos and games). I'm planning to buy the new DirectX 10 capable video cards from Nvidia(with a staggering 748MB of VIDEO RAM!!) and a gig of RAM. WINDOWS VISTA ULTIMATE, HERE I COME!

I now have A CREATVE ZEN VISION: M!! I think it's waaaaaaay better than the iPod. I currently have 12 gigs of music and 3 gigs of videos. Unlike the iPod, the Zen can display about 256,000 colors on the screen and the Zen can play .avi videos!! I've uploaded the 5th season of South Park on my Zen and my classmates are like borrowing it every once in a while to watch South Park. SOUTH PARK + ZEN RULES!

So that are just some of the things that've changed... so until next time.
Christmas Episode of The Adventures of Flaviano Cabuang will be moved next year and the 3rd will be coming soon!