Naawa na ako sa blog ko. Ilang buwan ko syang hinde nagamit. Walang kwenta naman kasi yung blag ko eh. Pero hintayin ko na lang na umabot ng isang taon blag ko. Kung gusto nyo malaman kung gaano pa katagal. Tingnan nyo lang sa ibaba ng page na ito...
Argh. Nakakainis ang bagong blogger. Pinilit akong gumawa ng Google Account. Pero may Google Account pa naman ako dati eh. Nakalimutan ko lang yung password. Tuloy, ginamit ko yung kafernandez_j14so ko. Punyeta!
Patay na yung Flickr account ko. Masyado akong nag-focus sa Deviant Art. Feeling ko, mas at home ako sa Flickr. Kasi sa Deviant Art iba't ibang klase ng artworks ang mga naisusumite ng mga tao. Buti pa sa Flickr, photography talaga. Eh Digital Photographer pa naman ako. Actually, gagamitin ko ang Deviant Art para sa mga paintings ko (yes, I paint). Kaya sa Flickr na lang siguro ako. Nandun naman kasi yung mga idolo ko eh, namely Wawi Navarroza and Danny Sillada. Pero at least sa Deviant Art may journal. Mas konti lang kasi titingin sa blag ko eh. Boring naman kasi blag ko. Walang kwenta. Hinde kasi ako naglalagay ng mga template. Pero I think it's not my thing na gumamit ng ibang templates.
Ngayon ko lang ulet chineck yung page ni Wawi Navarroza. At nakita ko yung Anamnesis: Tarot Major Arcana Self-Portraits at yung Saturnine, exhibit ni Wawi Navarroza sa Pasong Tamo. Sayang yung Saturnine! Gusto ko pa naman mapuntahan yun. Mula January 18 to February 17 yung exhibit niya. haaaaaaaaaaai... I love Wawi Navarroza and her photographs. Kaya ngayon ko lang ulet na-realize... parang gusto kong bumalik sa roots ko. Yung mga black & white photographs, high contrast at kung anu-ano pang magbibigay ng darkness or whatever sa shot.
Napanood nyo na ba yung mga nagkakalat na political ads sa TV? Nung kumain ako dalawa nakita ko. Yung kay Migs Zubiri at si Prospero Pichay. Tawang-tawa talaga ako sa mga political ads ngayon. Lalo na yung mga political ads na gumagamit ng mga patok na stuffs katulad ng kay Kiko Pangilinan, Migs Zubiri at yung isang politician na gumamit ng jingle na "Lagot Ka" at si Peque Gallaga ang nag-direct. Pero ang pinakanakakatawang ad ay galing kay Prospero Pichay. Sa huli kasi ng ad, may nakalagay. ITANIM! hahahaha... Pichay! Itanim! bffffft.. angkorny alam ko. Pero nagbago na rin yung itsura ni Joker Arroyo ah. Mas gwapo pa nga yung Joker Arroyo na drowing keysa sa mismong Joker Arroyo eh! oh well... I guess some people look better when they're immortalized.
Naalala ko tuloy, nung nag-lelecture yung paborito kong teacher(si J.Lo). Napunta sa kung saan napupunta yung buwis na binabayad ng lipunan. Feeling ko lang, kaya mas binabayaran ng gobyerno ang utang natin keysa sa development ng education natin ay para mas konti ang mga edukado. Alam kong it sounds stupid pero tingnan nyo. Pag nangangampanya ang mga politicians, konti lang ang mga seryosong TV ads. Puro may gimmick. At alam naman natin na ang mga uneducated na voters ay madaling kumagat sa mga gimmicks ng mga politicians! Baka may conspiracy! Paano kaya kung naging Communist country tayo? hmmmmm... siguro mawawala yung mga Chinese sa 'Pinas.
A long time ago, nasabi daw na tinest ng mga Chinese ang anti-satellite missiles nila. And a longer time ago, nasabing may mga nuclear weapons ang North Korea. Could it be possible na gumawa ng bagong Axis powers ang China at North Korea? Oo, alam kong nakipag-deal na ang UN sa North Korea. Pero hinde ko pa alam kung ano nangyari. Kung nabaklas man o natanggal yung mga weapons. Sure ba silang nawala na completely ang mga Nuclear Weapons ng North Korea? Magingat kayo! At dun naman sa anti-satellite whatever ng China. Baka makatulong pa yun. Nabasa ko sa news na may meteor na papalapit sa atin. Posibleng mawala sa course yung meteor na yung kung gagamitin ang anti-satellite whatever ng China. Pero sa pagkakaalam ko, hinde lang China ang may ganun. May ganun rin daw ang Australia...
haaaaaaaaaaaaaai... the product of extreme boredom. Sira pa rin po PC ko...
No comments:
Post a Comment