Friday, February 23, 2007

balls don't cry

"dream big!" yan ang sabi sa amin ng Asian History Teacher ko na si Jason Lorenzo (J.Lo for short). Sinabi niya yun sa amin nung dinidiscuss namin ang Nationalism. Sabi niya ang problema daw sa ating mga Pilipino ay we're not dreaming big. Karamihan daw, iniisip na magiging employees daw sila pagka-graduate o magiging call center agent. We should dream big! Wag daw tayo makontento sa pagiging employee. Why not become the employer rather than the employee. Tingnan nyo si Lucio Tan o si Henry Sy! They started small pero tingnan nyo kung nasaan na sila! Kaya pagkalaki ko, gagawa ako ng factory ng fishballs! At susubukan kong maging number 1 producer ng fishballs sa buong Asia!

In line with that, I want to share an experience kanina lang. Dismissal time, gutom na gutom na ako. Pinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa, 4 pesos na lang ang natitira. Nakakita ako ng pizza sa cafeteria. "Kelangang kong mabili yun!" sabi ko sa sarili ko. Syempre, gumana na ang pagka-chinese ko. Nagsimula na akong mag hanap ng mga taong pwedeng hingian ng pera. Kadalasan, pag may hihingi, sinasabi nila "oy! pautang/pahinge ng bente". Para sa akin, isang malaking pagkakamali iyun. Dahil pag ganun ang ginawa mo, mas bababa ang chances mong mabigyan ng pera. Kaya ang hinihingi ko ay limang piso lang. Oo, 5 pesos. It might sound stupid pero effective yun! Lalo na kung marami kang kakilala at uwian na(dahil by that time... konti na lang ang may pera)! Syempre ang challenge sa paghingi ng singko ay kelangan mong humingi sa maraming tao. Pero at least pag ganun, pwedeng umabot ng 100+ ang makukuha mo. Let's say may 10 kang kaibigan sa bawat section, at hiningian mo ng tig-lilimang piso ang bawat isa. May 50 ka na! at since may anim na sections sa 2nd year, pwedeng umabot sa tumataginting na 300 pesos ang mabuburakot mo! Pero may limitasyon ang pambuburakot. Dapat paminsan-minsan ka lang mamburakot! Dahil pag nahalata ng mga kaibigan mo ang modus operandi mo, baka hinde ka na nila bigyan! At dapat rin, may script ka rin! Wag yung "oy, pahingi ng singko". Dapat smooth, yung tipong mapapaniwala sila o maaliw sila. Para mabigyan ka naman ng pera dahil sa effort mo. Balik sa storya ko... nung tiningnan ko kung sino ang mga tao sa cafeteria, nakita ko sila Rochelle at iba pang upper classmen. Bawal ko nang hingian ng pera sina Rochelle dahil nahuli na nila ako. At bawal ko naman hingian ng singko ang mga hinde ko kilala. Pero nung papalabas na ako, nakita ko si JC(Perez). Humingi ako sa kanya ng singko. Wala daw sya, pero sabi ko hingian nya ang mga friendly friends nya. At nagbigay naman ng singko yung friend nya. Hanep, may 9 pesos na ako. Pumunta na akong Mendiola Hall, at nakita ko sina Joanalou at si Arabhel. Naghanda na ako ng script. Sabi ko inaatake na ako ng ulcer, kaya kelangan ko ng pambili ng pizza(na sabi ko ay 25 pesos). Natuwa naman sila saken at binigyan nila ako ng pera, at may 25 pesos na ako! Pumunta na akong cafeteria ulet, at kinuha ang pizza. Pero nagulat ako nung 35 pesos pala yun! Mali ang pagkakadinig ko na-order ko na, lagot. Pero Jelyn appeared in the nick of time. Nag-ayos ulet ako ng script. Sabi ko pinambayad ko sa class fund yung dapat kong pambili ng pizza. Eh mukang nainis, at gusto na nya ata akong mawala. Binigyan nya ako ng 10 pesos! YAY! Pagkatapos kong kumain ay nauhaw ako. Syempre, dahil wala na akong pera, pumunta akong clinic. Libreng inom naman yun eh, basta may gamot ka. Sabi ko "ate, pahingi ng neozep, angsakit ng tiyan ko eh". Kumagat naman sya sa script ko. At binigyan nya ako ng Neozep. At nakainom ako ng libre!!

Kita nyo... mula sa 4 pesos ko. Nakabili ako ng Pizza na nagkakahalagang 35 pesos! We should be more like the Chinese! matiyaga! Kaya dream big mga Pinoy! Kaya natin 'to!

No comments: