alam kong sawa na kayo sa itim!(except kung poser ka... PEACE MGA KAIBIGAN KONG POSERO!) Kaya ginawa kong kulay *alam nyo na* ang blog ko. Para rin ma-match ang blog header! ;)
Ba't ko napili ang theme ng wala pa ring kwenta kong blag? Nagsimula iyon ng isang hapon, may chicken pox ako, at sabi ng nanay ko pupunta daw kami ng ospital. Nang nasa tapat na kami ng Buenas, may nakita ako. 'Operation: Tuli'. Dun ko nakuha ang inspirasyon ko. It brought back the wonderful days of childhood and circumcision. Alalang-ala ko ang circumcision ko. It was given to me by my parents as a surprise birthday gift. Syempre hinde ko inaasahan yun, dahil surprise, atska wala sila sa aking minemention na circumcision. Agad-agad kong kinuha ang bespren ko noon, na si Josef Quilala. Balong pa ang tawag ko sa kanya. Hinde ko nga alam kung baket Balong, hinde naman sya long(korny na). He's 4'10"(sinuportahan pa rin ang kakornyhan). Nagpatuli ako sa Sta Lucia Health Centre, sa basement yun ng lumang Sta Lucia sa may mga furnitures. Buti't halos walang tao dun!(maliban lang dun sa mga salesmen and saleslady ng god forsaken store na yun). Kaya dirediretso lang pasok ko dun, walang pangamba! Nalala ko pa nun, iniimagine ko, papasok ako dun at pupunta ako sa desk. Sasabihin ko sa nurse dun "Nurse, gusto kong magpatuli!". Pero yun pala, ang magulang ang bahala sa negosasyon. Kaya pagkatapos makipag-usap ng tatay ko sa nurse, naghintay ako sa waiting area(pwede ka ring manood ng TV sa waiting area! hinde lang waiting ang pwedeng gawin!). Kaya pagkatapos waiting, pinapunta na ako sa waiting room. Pinagsuot ako ng full operation regalia(robe, shower cap)... and the rest is history.
another minute of your life down the drain...
No comments:
Post a Comment