peklat.. eto nanaman po tayo. Ang mga unang araw ng summer ko ay sinira ng chickenpox. Pero susulitin ko pa rin ang dalawang buwan kong kasama ang aking kompyutah! Pero kelangan ko daw mag-take ng sleeping pills sabi ng doktor... so ayun, most of the time tulog ako; kung hinde ako tulog; kumakakin ako; pag hinde ako kumakain, ay nasa-tapat ako ng PC. Star Wars Knights of The Old Republic 2 ang linalaro ko ngayon. Nakakasawa na yung Sims 2 after an hour of gameplay. Boring na rin yung mga nasa TV! Ang maganda na lang panoorin ay ang Ramon Bautista Show. Pero hinde pa sya isang legit na show na may definite timeslot! Kelangang mong chambahan sya! Parang yung mga Legendary Dogs sa Pokemon.
Gusto ko pong ipamahagi sa inyo ang isang kwentong nagawa ko kanina lang... habang kumakain ako ng chicken burger ng Jolibee. Ito'y isang produkto ng boredom... kaya patawad kung pangit.
Chickenpoxmehn
Nakahiga ang nanay ni Boyo. Ang nanay lang niya ang nandun at siya lang ang natira. Si Boyo na daw kasi ang dapat magbantay sa kanyang nanay. 45 years old na ang nanay ni Boyo, at 13 lang siya. May chickenpox ang nanay niya, at heavy drinker, smoker at sky diver ang nanay niya. "Nay, matulog na po kayo, you need rest." sabi ni Boyo. Ngumiti ang nanay ni Boyo, "Boyo, may gusto akong sabihin sa'yo..." sabi ng nanay niya. "Ano ho yun inay?" tanong ni Boyo. "Bago ako mamatay--" "HINDE! HINDE AKO PAPAYAG NA MAMATAY KA!". Nagwala si Boyo, dahil siya'y isang impulsive na nilalang. Biglang inatake sa puso ang nanay ni Boyo. "Nay?! INAY?! INAAAAAAAAAAAAAAAY!!!" sigaw ni Boyo habang hawak ang kanyang nanay. "Inay, wag po kayo mag-alala. Ipahihiganti kita!" sabi ni Boyo habang irinorolyo ang kanyang nanay sa mga kumot.
Umaga, naagnas na ang katawan ng nanay ni Boyo. Kasama ni Boyo ang kanyang nanay sa tabi ng isang construction site ng Manila Waters. Umiiyak siya, "ngggggh.. mga p******ng ina ninyong mga g***ng p**a! Gagantihan ko kayo! T**ng ina ninyo! Mga g***ng b***! mga t***a!" sabi ng umiiyak na Boyo. Habang hinde tumitingin ang mga taga-pagayos ng mga pipelines ng Manila Waters, isinuksok na ni Boyo ang bangkay ng kanyang nanay sa isa sa malalaking pipes doon. "mga g**ong p**ang ina nyo!" huling sigaw ni Boyo bago siya umalis.
Matapos ng dalawang buwan, normal na ang flow ng tubig ng Manila Waters. Pero ang problema, nagkakaroon ng kakaibang sakit ang mga taong gumagamit ng Manila Waters. Para silang nagkaka-chickenpox pero kakaiba! Imbis na matuyo ang mga lesions nila, ito'y naagnas. Hangga't mga muscle tissues na nila ang naka-expose. At pagkatapos ng 7 days na naka-expose ang kanilang muscles, may lalabas sa poso na babae. Flat breasted sya kaya sorry na lang dun sa mga gustong mansamantala. Ang babaeng iyun ay covered sa kumot at pa-talon-talon sya maglakad(dahil nga hinde niya kayang igalaw ang paa niya. Parang constricted). At mamatay ang mga binibisita niya! Pero may isang Russian Scientist na gumamit ng tubig ng Manila Waters. Nakita niya na nagkakaroon na siya ng mga lesions. Pero nang irinekuenda niya ang tubig sa iba pang Russian Scientist, tumigil ang kakaibang chickenpox niya. Pero dahil sa kasamaan ng mundo, nagtransform ang mga muscle strands ng Russian Scientist. Naging maggots! Kaya ayun.. namatay syang pinagbabahayan ng mga maggots. Hinde sya natagpuan ng mga kaibigan niya, kasi namatay rin sila... the end.
Plano ko ngang gumawa ng Children's Book eh. Sa palagay niyo kaya bebenta siya? Ang title nya... Death: A Collection of Lives. SHET! VESTSELLER 'TO!
No comments:
Post a Comment