Tuesday, May 01, 2007

faust

gising... alas sais... training... late... commute... kain... isda.. Cabural... Toru.. Civilization... Pokemon... download... Age of Empires... install... laro... Zen... G-sides... faust... download.. Kuro Hana... Animanda... Death Note... vlog hopping...

napakaboring talaga ang araw ko... *looks at the clock* oh waw.. May 1 na pala... sabi ng mami ko bibilhan na daw nya ako ng regalo! waw! amazing! April 7... tapos ngayon lang makakakuha ng regalo!(pramis.. wala pa akong natatanggap na regalo) pero oh well... marami namang taong galit saken eh. Kaya I don't blame them... AYOS!

nababaliw nanaman ako... patawad. Patawad rin kung may dalawang cassette tapes na nag-ple-play sa blag ko sa kasalukuyan. Hinde po talaga mapipigilan, so it's either wag nyo na lang tingnan ang blag ko(na alam kong gagawin nyo talaga kahit wala yung dalawang cassette tapes) o pindutin nyo na lang yung pause button sa cassette tapes mismo(na gagawin lang ng hinde bored sa summer nila at dun sa mga loyal fans ko! SALAMAT SA INYO![Paolo Tiausas at Paolo Chua] kayo ang nagpapaandar ng blag ko!)

okay.. okay... SERYOSO NA! TAKE TWO!

Mga kaibigan, sa kapanahunang ito, ngayo'y papalapit na ang eleksyon at bukas na iapapalabas ang Spiderman 3 sa mga sine... kelangan nating mag-kaisa... mag-unite para sa isang mas magandang Pilipinas. Kelangan nating maging mapag-masid sa mga dayaan ngayon eleksyon at wag po nating kalimutan na magpa-reserve na tayo ng seats para sa mga movie houses, pangit naman po siguro kung manonood ka ng Spiderman nang nakaupo sa hagdanan di po ba? Pero alam niyo po ba? May mas malalang isyu na kinakaharap ang Pilipinas... at yun po ay ang patuloy na paghahanap ng iba nating kababayan ng porn sa YouTube. Sinasabi ko po sa inyo mga kaibigan, may 10% chance kayo na makakita ng nude o kahit anong pornograpiya sa YouTube at may 3% na chance na makahanap ka ng quality porn sa YouTube(oo, speaking from experience). Mga kababayan kong naghahanap ng porn sa YouTube, tama na ho ang paghahanap... parang lang yan search sa remains ni Jesus, imposibleng mangyari. Kasi nag-ascend sya sa heaven. Imposible namang ma-iwan niya ang kanyang kamay o paa o braso dito sa lupa. Ang YouTube kasi ay isa nang kumpanya na ngayon... parang Yahoo at Google. Kaya kelangang i-filter ang mga bideyos na isinusumite ng mga users sa YouTube. Pero wag kayong madismaya mga kaibigan, katulad ko rin kayo... oo, naghahanap rin ako ng porn sa YouTube. Nakahanap ako ng kasagutan! Ang pangalan niya: Daily Motion. Sa Daily Motion lang ako nag-titwala(dahil hinde naman po ako mahilig manood ng porn.. TOTOO YUN!). Pero kelangan niyo po muna ng membership at ng fake na birthdate... makakapanood na kayo! Kahit ang pinakasimpleng salita na 'sex', ay makakahanap na kayo ng resulta. Pero mga kaibigan, wag na po kayo maging maarte. Wag na po kayong mag-hanap ng scandal! Eh ampangit-pangit ng image quality nun eh! At mga amateurs pa ang gumawa at gumanap!

okay... tama na.. hinde ko kaya maging seryoso ngayong gabi/madaling araw... patawad nga pala dun sa mga gustong mapuntahan yung Daily Motion. Sira pa rin si blaggerbot eh... hinde ma-hyperlink yung Daily Motion... daliymotion.com lang naman yun eh... tapos sign-up. tapos!

No comments: