Tapos na rin ang summer camp namin sa Taytay. Makakatulog na ulet ako ng 10 hours! Ngunit hinde pa dun nagtatapos ang training ko ngayong summer. Parang trailer lang ang Summer Camp sa isang movie house... ang Feature Presentation ay hinde pa pinapalabas. Sa Mendiola magsisimula ang totoong training... where dreamers dream, believers believe, and survivors survive. Ganyan ang training sa Mendiola...
Ngayong I am training with the big boys and girls now... kelangan ko ng Pakner in Crime. Since day one nung training, isa lang ang kasama ko... at siya si Cabulicious. Nung last days of exams, pumupunta yung taong yun samin para maglaro ng FIFA 07 eh. Tapos ayun... nung Summer Camp sa Taytay, pumupunta si Cabulicious sa amin para magpaka-chef at maglaro ng FIFA 07. A-D-I-K. Pero ngayong nasa kanya ang CD ko ng FIFA 07, Pokemon na lang linalaro nun dito sa amin... at nagluluto pa rin ng mga experimental dishes.
Kanina nga lang binisita namin si ma'am Michelle(Yabut) eh. Sabi ko, gawin kami ni Cabulicious na magkaklase... para ayos! Perst day pa lang ng klase may kasama na agad ako. Hanep siguro kaming tandem.. mala-Super Twins. Boy math yun.. tapos boy History ako! Ayos! Opposites rin kami ah! uber itim ako; tapos sya medyo maputi. Mahaba buhok ko; sya nagpakalbo. Matangkad ako; sya maliit. Menacing ako; sya cute... ako gwapo; sya... tama! Parang yung espanyol ko ring kaibigan nung grade school... palagi na lang kabaliktaran ko ang mga nagiging bespren ko. Sana yung magiging gelpren ko ganun rin... ako maitim, pangit, tahimik, gago... ganun. CHAROS!
may training bukas with the girls of Alabang... sa Mendiola! at alas tres ng hapon! HOORAY! naku.. paano ako uuwi niyan? sad...
No comments:
Post a Comment