Thursday, July 03, 2008

Masarap ang Mang Tomas sa Kanin na may Pandan

oo.. isa po 'tong blag entry na may sense ang title... baka di nyo lang nahahalata na mga random phrases o words ang linalagay ko sa title ng mga blag entries ko... malas mo swerte ko...

pinahiram ni Ponce ang Tugish Takish nya ngayon.. masaya ako at nabalikan ko na rin ang musika ng Pedicab.. nakakamiss ang tracks nila tulad ng Bukas at Giving and Receiving..

shit ansakit ng tuhod ko.. nagloko utak ko kanina eh.. nakalimutan kong 11 ang stairs namin.. and I took only 10 steps! kaya ayun.. subukan nyong bumaba ng stairs na nakapikit at may kulang na step.. malalaman nyo yung nagyari saken.. pero ayos naman yung hawak kong pineapple juice.. di tumapon dahil sa super spidey reflexes ko..buti pa yung can ng juice eh.. maayos ang pagkakabagsak.. eh ako.. shit.. ansakit sa tuhod..

ansarap ng buhay ko ngayon.. parang araw-araw na lang may Mang Tomas kami.. tas linalagay ko sa kanin na may pandan.. tapos chicken o pork chop ulam namin.. ansaraaaaaaaap.. tapos may ice cream pa kami for dessert.. yung vanilla.. inubos ng mami ko yung saging eh.. kaya di ako nakakagawa ng banana split.. pero grabe.. inaantok na ako...
eleksyon nanaman ng mga kungwaring may ginagampanang responsibilidad pero isang bagay lang pala ang magagawa sa isang taon.. iboboto ko si Pan.. pero I have a feeling na si Benedict ang mananalo.. may projector sila eh.. :D sila Pan TV lang.. kaya kung gusto mo makita plataporma nila.. kelangan mong sadyain yung spot nila.. eh pano kung nahihiya yung tao lumapit kasi nakakatakot daw yung mga nandun? kaya malupet talaga yung ginawa nila Benedict.. kasi proejctor.. kahit sa malayo kita mo yung nakalagay.. tas karamihan ng mga iboboto ko nasa SURE party.. bilang lang sa isang kamay ng cartoon character ang mga iboboto ko sa SMART party.. pero sa huli di naman importante kung sino manalo eh.. kasi at the end of the day wala rin naman silang magagawa eh.. di kasi sila marunong kumausap sa mga Alumni ng Beda.. andyan si Manny Pangilinan o! si Echiveri! si Bistek! ano ba kayo SC?? hingi naman tayo ng tulong sa kapwa nating Bedista sa mundo ng mga propesyonal.. kaya na-e-alienate ang Beda Rizal sa mga Mendiola People eh.. pero kasalanan rin ng mga Bedistang Taga-Bundok.. kasi parang pangalan lang dala natin eh..

inaantok ako grabe.. pero nagpapatulong pa sa psalm si Oscar eh.. grabe.. nakakapanibago.. parang ako na lang yung pinupuntahan ng iba kong kaklase pag may kelangan silang assignment.. pero ayos lang.. madali lang naman gumawa ng assignment eh.. katamaranat at mga desires mo lang naman ang kalaban mo eh.. sana kasi wala na lang assignment eh.. basta aral na lang tapos seatwork.. quiz.. tas exam.. tas magsulat ng random 2 digit number na nagsisimula sa 9.. tas tapos! edi masaya tayong lahat.. basura naman kasi ang assignments eh

ba't pa kasi naimbento ang sipon eh.. tuloy.. sumasakit ulo ko..

No comments: