gutom ako... kaya gugutumin ko rin kayo!!
pero baka di niyo trip ang Wendy's kaya patatakamin ko kayo sa isa pa!!
mmmmmm.. sarap
grabe... gusto ko talagang kumain sa Wendy's ngayon. Pero ayaw kong gastusin pera ko...cheap ako eh.
kaya I'll do the next best thing... homemade na bacon mushroom melt!! woohoo!
tamang tama... may bacon at cheese sa ref, may 'shrooms at tinapay in can sa cabinet. kulang na lang yung burger patty. naku po! pero iba rin kasi yun buns ng Wendy's eh. may sesame seeds na parang keso yun eh. At di hamak na mas marunong mag-luto ng bacon ang mga minimum wage chefs ng Wendy's keysa saken. kaya baka magihihintay na lang ulet ako sa susunod na pagkakataon para makapunta sa Sta Lu o sa Araneta. Pero overpriced sa Araneta eh... pero madumi naman yung Wendy's sa Sta Lu.. pero lahat naman tayo may dalang dumi kaya sa Sta Lu na lang ako.
kelangan ko talaga ng Wendy's... di ako tatagal ngayong linggo ng walang Wendy's.
sinisisi ko ang CAGcast(na isang podcast)... kinasuhan daw sila ng Wendy's dahil namimigay sila ng fake coupons ng cheese burger nila or something.. ah basta! Wendyyyyyyyyyyy's
no match ang burger ng McDo o ng Jollibee sa burger ng Wendyyyyyyyyyy's... kahit sabihin mo pang 1/3 of a pound yung Champ ng Jollibee or sikat yung patalastas ng Cheesburger ng McDo... no match pa rin sila sa cholesterol ng Bacon Mushroom Melt!!!
huminga ng malalim
No comments:
Post a Comment