masaya na ko at natapos ko na rin ang UPCAT... kahit di na ko pumasa basta't di na lang ulet ako daranas ng ganung klaseng torture...
di naman mahirap yung UPCAT eh.. talagang katawan ko lang ang kalaban ko.. parang habang sinasagutan ko yung test gusto nang pumikit mga mata ko.. tae.. hindi naman ako kinulang sa tulog.. 8 hours nga tulog ko eh.. tapos habang sinasagutan ko yung exam ay sumasakit ang buong katawan ko.. binti, dibdib, likod, ulo, balikat... lahat sumasakit.. di tuloy ako makapag-focus sa exam... pero kahit na makapag-focus man ako di ko rin kakayanin yung exam kasi di ko alam kung pano sagutin yung Math part eh.. di ko sasabihing mahirap yung Math kasi kung alam ko naman yun sisiw lang yun saken! parang nung tinitingnan ko yung mga sagot.. parang woah andali lang nito pero di ko alam kung pano gawin.. at ang nakakainis pa eh sa huli linagay yung Logical Reasoning! parang halos lahat na lang ata ng item sa Math test iniiskipan ko eh.. dapat sa unahan nila linagay ung Logical Reasoning para may motivation ako na ituloy yung exam eh.. pero parang sa simula pa lang di ko na alam kung anong letter ang she-shadean ko.. tae.. pero puro common sense lang naman kelangan dun eh.. kahit di ka na mag-aral makakapasa ka na.. lalo na yung Language Proficiency at Reading Comprehension.. basta't mabilis at mapanuri ka magbasa sisiw lang yung dalawang yun eh.. pero natuwa talaga ako sa last three items ng exam! yung tatlong abstract reasoning.. kung puro yun lang yung exam ansaya ko na.. yun yung pinakamadaling parte ng test eh.. although di naman counted.. pero kahit na ba! at least may time ako para mag-enjoy.. kahit ubod na ng sakit ang buong katawan ko...
nakita ko si Dyan Lucero sa testing center eh.. hanep nga eh.. may kachika syang ibang tao.. tas ako wala lang.. wala na ngang kausap wala pa kong bag na dala.. maliban sa balls ko.. lapis, eraser at permit lang dala ko eh.. isa ako sa mga maangas na walang dala.. haha.. tas ang malupit pa dun eh dalawang pirasong Kisses lang yung baon ko! san ka pa? pag pumasa ako sa UPCAT yun ang ipagmamayabang ko.. di ang pagpasa ko sa peyups.. kasi parang andali dali ng UPCAT eh.. subukan mong tumagal sa UP ng apat o limang taon! yun ang totoong acid test.. kaya di ako masyadong kinabahan sa UPCAT eh.. atska pinapasalamatan ko rin ang nanay ko dahil sya ang sponsor sa pre-UPCAT pampering package ko.. nilibre nya ko sa Relaksasi sa may Robinsons Metro East.. grabe! nawala ang stress at kaba ko nung minasahe ako.. pero sayang.. sabi ng mami ko ako naman daw ang mag-sponsor sa post-UPCAT pampering chorva ko.. eh ayaw ko namang gumastos dahil nagiipon ako.. kaya ayun.. eto ang post-UPCAT pampering chorva ko!!
ansakit talaga ng katawan ko.. ewan ko kung bakit.. grabe.. if stress manifests itself as pain then I'm totally stressed out.. pero ayun.. suntukan nalang tayo para mawala 'tong stress ko..
siguro sawa ka na sa mga UPCAT related entries.. kaya ibahin naman natin!!!
nakakatuwa yung ibang parte ng UP eh(di na yan UPCAT.. UP na yan :D:D:D).. parang Baguio ang dating nung 2000.. nung time na di pa uso yung SM sa Baguio..
dhe.. joke lang.. eto seryoso na...
lumalabo na mata ko.. kelangan ko na talaga ng eyeglasses.. dumadami na rin pimples ko.. kelangan ko na talagang kontakin si Belo.. dumadami na lalo ang mga problema ko... kelangan ko na talaga ng unan..
----------------------------------
grabe... may post-UPCAT adrenaline high pa ko.. kung pano ako magbasa nung Reading Comprehension ganun na rin ako magbasa dito.. kaya nakakapanibago.. tinuro kasi ng tatay ni Cabural na dapat tingnan lang daw yung mga importanteng salita eh.. kalimutan na lang daw yung mga words na kinocompose ng less than four to three words.. kaya ayun.. ka-badtrip.. ayaw ko na...
galing 'no? naglagay ako ng mga dash para iseparate yung mood dun at sa mood dito..
tara.. iseparate ulet natin!
-----------------------------------
poke back mountain
3 comments:
four to three letters dapat. haha.
san ka ba nag exam? putanginang math yan. dapat binabaon sa lupa yan.
Physics building ako.. tamang tama.. peyborit subject ko pa naman din... atska madali lang kaya yung math! kung alam mo kung pano sagutin.. nyahaha
eh yun na nga. di ko alam kung pano. hahaha. tinitigan ko lang yung exam ko eh. dapat natulog nalang ako. XD
Post a Comment