Saturday, February 28, 2009

tamadamp

ba't ba kasi ako umo-oo sa mga bagay na di ko kaya tuparin...

pero kelangan pa rin mag-pasa eh.. ng chorva para sa cub recorder... woooooooooh! at least may maiwan ako sa pag-alis ko sa Beda...

oh well.. I guess I have to comply...

plano ko nga pala bumili ng Colorsplash camera.. wala lang.. trip tripan lang.. para may 135 format camera naman ako.. amahal kasi ng film ng Diana eh.. maganda nga siya.. pero amahaaaaaaaaal!

maghihirap ako dun eh.. let's go 135!

pero di ko pa aabandunahin ang Diana ko... dadalhin ko pa naman siya sa Boracay.. basta't armed ako ng limang rolyo ng Provia!

Sunday, February 22, 2009

nung naisipan naming gumawa ng mini pizzas...




may utos saken si tito ping.. ang piktyuran ang bahay ni tita lyn...

at yun naman ay aking sinunod... tutal may mini pizzas naman na hinanda eh..

Tuesday, February 17, 2009

artsy fartsy

sabi kasi ng tito ko na gradweyt ng fine arts sa uste na mag-fine arts rin daw ako eh...

kasi kwinekwento daw ako ng ate ko sa mga artsy fartsy cousins ko.. di ko alam kung ano.. pero na-conclude ng mga aussie cousins ko na creative lang talaga ako...

I'd rather use the term eccentric.. or crazy... or para mas simple at pang-masa... gago

natutuwa ako sa kinalabasan ng first five rolls ng cross processed films ko... natutuwa rin ako na at long last may nag-appreciate rin sa mga photographic endeavors ko.. well all get our breaks... unfortunately.. matagal lang talaga yung saken... four years?

ewan... am I really creative? in the strictest sense of the word? oo nga may seven liberal arts ata or something.. but yeah..

kung may pera lang talaga ako.. nag-aral na sana ako sa International Academy of Film and Television.. or sa College of Saint Benilde.. where the rich and artsy go..

wala naman ako masyadong connections with people in the philippine art scene.. well si Tito Pewee(Green Papaya Art Space) siguro.. pero hello? he's too artsy to accomodate newbies like me... and dito sa pilipinas.. magkakaibigan ang mga artsy fartsy people.. sampol: people in the music scene.. sila sila rin magkakilala eh... konektado si Raimund Marasigan ng Sandwich, Pedicab, at Cambio sa Eraserheads.. at kabanda niya si Ebe Dancel ng Sugarfree na insert relationship here ni Kris Dancel ng Cambio.. blah blah blah.. stuff like that.. ang di lang talaga kabigan ng mga people na 'to ay ang Cueshe.. at siguro na rin yung pogi bands tulad ng Hale at Spongecola.. baka the Spongecola people are too rich and cultured for Raimund's kind.. haha.. joke.. pero kapatid naman ni Yael Yuzon si Yan Yuzon na kabanda ni Ely Buendia na kabanda dati ni Buddy Zabala na kabanda ngayon si Ebe Dancel na ka-ano ano ni Kris Dancel na kabanda ngayon si Diego Mapa na kabanda ngayon si Raimund Marasigan na kabanda ngayon si RA Rivera na kabanda ni Mike Dizon na kabanda ni Mong Alcaraz na kabanda ngayon si Miguel Chavez.. and blah blah blah blah blah blah blah

napag-isipan ko na di na ko mag-co-commerce.. masyadong maraming mathematics dun.. at I'll eventually end up in an office space.. korny yun.. masyadong structured at malinis.. kaya naisipan ko na lang mag-Economics muna.. at mag-phi-Philosophy ako afterwards.. tapos mag-e-MA.. tapos mag-p-PhD.. para maging professor sa kolehiyo at gumawa ng gumawa ng maraming maraming philosophical articles na aaralin ng mga grandsons niyo!

get out of the way!

Monday, February 16, 2009

No need for photoshop... I dream in xpro...


Jethro is a lucky guy... 1st shot pa lang niya sa Diana.. anganda na agad! better luck next time Gesmund

My first five rolls of cross processed films... some got fogged out.. some came out bloody red.. some came out greenish.. some came out yellowish.. some failed.. but all of them looked wild..

di talaga sayang yung binayad kong 150 per roll ng film!

xpro means cross processed... meaning sa maling chemicals dinevelop yung film.. pero maka-digital naman lahat kayo eh kaya no need to know this :p

I LOVE FILM!

Cross Processed
Fuji Astia 100
Diana F+

Sunday, February 08, 2009

all is not lost

oo.. di kami nakapasok sa science congress... oo.. antagal naming pinaghirapan yung paper namin... at oo.. inaasahan talaga naming makapasok...

pero not getting into the congress is a double edged sword... makapasok man kami.. tatagal pa lalo hirap namin.. pero may pagkakataon kaming magkaroon ng konting dignidad pagkagradweyt.. kung hinde man kami makapasok.. which is the case.. we have more time to focus on improtant things in life.. ang aming grades, ang aming relasyon sa ibang tao, at ang mga utang namin...

ang di namin pagkapasok sa congress ay parang storya ng pag-ascend ni Hesus sa langit... matapos ng mahabang paghihirap.. kami'y bumalik sa aming trabaho at sa aming normal na buhay..

*ding!*

uy... naisip ko tuloy na ang buhay ni Kristo ay parang metaphor sa isang romantic relationship.. betrayal kills.. both parties suffer afterwards.. someone will always be anticipating the breakup.. and every breakup needs closure... or else

*dong!*

I can definitely say that either way.. I'm still glad na I'm done with our paper.. yeah.. mas masaya ako pag nag-defend ako sa harap ng expert panelists.. and yeah.. mas masaya ako kung makabawi pa ko sa bagsak kong subjects... na magagawa ko lang pag di kami nakapasok sa congress

I can't say na I don't miss doing the paper...

I'll definitely miss it... or baka yung times lang na kasama ko mga kagrupo ko...

sa tingin ko eh kami lang ang grupo na walang meeting na di kami masaya.. parang pag may pagkakataong tumawa.. pinagtatawanan namin.. pag may pagkakataong maging baliw... nagigi kaming baliw.. we were enjoying the company of one another.. something that I don't think other groups have...

we were happy.. and that alone is enough reason for me not to enter the congress...

c'est la vie

Friday, February 06, 2009

you can't be

too nice in this world...

I never liked nice people... or maybe people who are nice to me... or people who are nice to those who cannot appreciate the deed...

anyway...

di talaga ako makapag-respond ng tama pag may ginagawang nice deed saken.. or pag nagpapasalamat ang tao sa ginawa kong nice deed (they call it nice.. but I say otherwise).. ewan ko ba kung may mental disorder ba ko o ano.. pero mahirap siya...

bumait yung physics teacher ko dahil posible akong di grumadweyt.. and I find myself in an awkward situation when she tries helping me... kasi... ewan..

di lang talaga ko laki sa kabutihan...

kaya pag may taong mabait saken.. di ko alam gagawin ko.. di ko alam kelan magsasabi ng "salamat".. di ko alam kung ano sasabihin pag may nagsabi na "thank you for being there".. at lalo nang di ko alam kung ano sasabihin pag gusto ko nang tumigil yung taong tumutulong o nagpapasalamat...

minsan.. o halos never .. oops.. nakalimutan dapat kong sabihin.. mahina memorya ko..

ayun.. oo.. minsan lang ako humihingi ng tulong.. at most of the time.. yung tulong na hinihingi ko eh extension ng deadline.. kasi keri ko naman yung trabaho eh.. all I need is time.. and a little dose of oxycodone..

Tuesday, February 03, 2009

lesson learned




- do not overexpose a shot
- keep your fingers steady
- GET AN ISO BOOST

Monday, February 02, 2009

I might turn out to be a criminal

tama... malay niyo talaga..

well I do believe so.. na ang pagiging kriminal ay isang posibilidad saken.. unless di niyo pa nababasa yung kaso ni Charels Manson.. baka di niyo siguro mawari kung baket posible yun...

pero malay niyo nga... baka isang araw.. malalaman niyo na lang na head ako ng isang organized crime ring.. mukang mas kekelanganin nila yung kaalaman ko.. at mas mukang may future ako sa organized crime.. pero sa pagiging hitman? malabo... I can't keep my hands still.. kaya bawal akong sniper.. atska I feel uncomfortable pag nakakakita ako ng may pinapatay sa pelikula.. or pag pumapatay ako for the sake of survival sa mga panaginip... pero I do love daydreaming.. comforting mechanism ko na rin yun eh...

preo malay niyo maging head ako ng PDEA at nanghuhuli ng mga drug peeps at pakakawalan rin ng mga gradweyts ng FEU college of law..

but I think I'm more of a criminal.. I have less friends to please, I have more time to waste, and I have all the resources I need to bring the Malacañang down... well.. not really.. buti sana kung alam ko blueprint ng palasyo..

tska kawawa na pilipinas.. why kill something that's already in ruins diba?

kaya magiging kriminal na lang siguro ako sa ibang bansa.. tapos magtatayo ako ng factory ng mga sandata sa may Parola sa Tondo.. tapos pagtatrabahuhin ko yung mga kriminal na nagtatago dun para may income sila.. tapos paminsan minsan bibigyan ko sila ng assignments.. tulad ng pagpatay sa mga tumutuligsa sa aking cause..

o diba? anganda ng aking adhikain para sa mas magandang pilipinas!

der fuhrer! I can walk

Sunday, February 01, 2009

74

I never learn... I never commit...

sa tagal ko na sa basic education eh di ko pa natututunan ang bagay na matagal ko na dapat natutunan...

shet na magket!

ayaw ko na mag-trabaho at maging lider.. di naman kasi ako talaga matalino.. akala lang ng mga kaklase ko yun...

I hate repeating myself.. pero mahina memory ko kaya pag inuulit ko mga sinasabi ko...

oo nga.. seryoso.. sasabihin ng mga dati kong titsers o mga titsers ko ngayon.. matalino ako daw ako.. pero its all a lie... muka lang akong matalino kasi di mahilig mag-recite mga kaklase ko.. kaya pag linagay mo ko sa isang klase na lahat nag-rerecite magmumuka akong basketball athlete...

tuwing math.. ganun ang kaso..

di talaga ako marunong mag-add, multiply, subtract, at divide.. di ko alam kung mga grade school titsers ko ba ang dapat kong sisishin kung ba't pa ko pinasa na wala namang alam sa basic arithmetic o yung utak ko talaga na di kayang mag-proseso ng isang equation...

ba't ba lahat na lang ng mga naging kaklase ko laging naiintindihan yung tinuturo ng math teachers.. tas ako lang yung hinde.. siguro may mga kasabahan ako.. tulad nila Aeron at Tonton.. at kaming tatlo ang mga bagsak sa math sa section namin.. tig-74 kami.. kaya at least.. mas bearable yung alienation.. haha

di niyo rin pwede sabihin na magaling ako sa ibang subjects.. nangangamote ako sa english.. di ko nga kaya ang basic sentence construction.. never pa ata ako nagkaroon ng written essay na walang grammatical error.. tapos bagsak pa ko sa english this quarter.. 74..

bawal niyo rin sabihin na ang-galing galing ko sa physics.. dahil kahit madalas mataas iskor ko.. o madalas akong nag-rerecite(di gaano pag may math at equations na yung physics).. bagsak pa rin ako sa physics.. 74.. isang napaka-laking upset talaga yun sa history ng mundo.. mga kaklase ko nagulat.. pati mga titsers.. mas maraming magugulat sa grade ko sa physics keysa pag natalo ng Bobcats ang Lakers... ay oo nga pala.. nangyari na pala yun nung isang araw lang.. haha

di niyo rin pwede sabihin na magaling ako sa computer dahil ni maglagay nga ng header sa isang Word file di ko kaya eh...

pati sa economics.. dahil kahit anong basa ko sa libro ng economcis.. di ako natututo.. pag nagsasalita lang si Sigua.. dun lang ako natututo.. baka dahil sa titser yun.. at nanganganib na bumagsak ako sa economics dahil may mga quiz akong di na-take.. at 69 yung exam ko..

di mo rin masabing pati sa theology.. dahil.. theology pare.. need I say more?

ano ba mga subjects? PE? never ako nagkaroon ng happy moment sa football team... Music? magkaka-dementia ata ako paglaki dahil sa kakasigaw ni Crisostomo...

nahalata ko lang... parang lahat ng problema ko eh... mga basic stuff.. basic arithmetic, basic sentence construction at basic human interaction..

dapat kasi pinag-repeat na lang ako ng mga titsers ko nung grade school.. edi sana di ako nangangapa ngayon... pwede pa ba mag-enroll sa grade school?

blame it on the boygie