Sunday, February 01, 2009

74

I never learn... I never commit...

sa tagal ko na sa basic education eh di ko pa natututunan ang bagay na matagal ko na dapat natutunan...

shet na magket!

ayaw ko na mag-trabaho at maging lider.. di naman kasi ako talaga matalino.. akala lang ng mga kaklase ko yun...

I hate repeating myself.. pero mahina memory ko kaya pag inuulit ko mga sinasabi ko...

oo nga.. seryoso.. sasabihin ng mga dati kong titsers o mga titsers ko ngayon.. matalino ako daw ako.. pero its all a lie... muka lang akong matalino kasi di mahilig mag-recite mga kaklase ko.. kaya pag linagay mo ko sa isang klase na lahat nag-rerecite magmumuka akong basketball athlete...

tuwing math.. ganun ang kaso..

di talaga ako marunong mag-add, multiply, subtract, at divide.. di ko alam kung mga grade school titsers ko ba ang dapat kong sisishin kung ba't pa ko pinasa na wala namang alam sa basic arithmetic o yung utak ko talaga na di kayang mag-proseso ng isang equation...

ba't ba lahat na lang ng mga naging kaklase ko laging naiintindihan yung tinuturo ng math teachers.. tas ako lang yung hinde.. siguro may mga kasabahan ako.. tulad nila Aeron at Tonton.. at kaming tatlo ang mga bagsak sa math sa section namin.. tig-74 kami.. kaya at least.. mas bearable yung alienation.. haha

di niyo rin pwede sabihin na magaling ako sa ibang subjects.. nangangamote ako sa english.. di ko nga kaya ang basic sentence construction.. never pa ata ako nagkaroon ng written essay na walang grammatical error.. tapos bagsak pa ko sa english this quarter.. 74..

bawal niyo rin sabihin na ang-galing galing ko sa physics.. dahil kahit madalas mataas iskor ko.. o madalas akong nag-rerecite(di gaano pag may math at equations na yung physics).. bagsak pa rin ako sa physics.. 74.. isang napaka-laking upset talaga yun sa history ng mundo.. mga kaklase ko nagulat.. pati mga titsers.. mas maraming magugulat sa grade ko sa physics keysa pag natalo ng Bobcats ang Lakers... ay oo nga pala.. nangyari na pala yun nung isang araw lang.. haha

di niyo rin pwede sabihin na magaling ako sa computer dahil ni maglagay nga ng header sa isang Word file di ko kaya eh...

pati sa economics.. dahil kahit anong basa ko sa libro ng economcis.. di ako natututo.. pag nagsasalita lang si Sigua.. dun lang ako natututo.. baka dahil sa titser yun.. at nanganganib na bumagsak ako sa economics dahil may mga quiz akong di na-take.. at 69 yung exam ko..

di mo rin masabing pati sa theology.. dahil.. theology pare.. need I say more?

ano ba mga subjects? PE? never ako nagkaroon ng happy moment sa football team... Music? magkaka-dementia ata ako paglaki dahil sa kakasigaw ni Crisostomo...

nahalata ko lang... parang lahat ng problema ko eh... mga basic stuff.. basic arithmetic, basic sentence construction at basic human interaction..

dapat kasi pinag-repeat na lang ako ng mga titsers ko nung grade school.. edi sana di ako nangangapa ngayon... pwede pa ba mag-enroll sa grade school?

blame it on the boygie

No comments: