Tuesday, March 03, 2009

glove trotter

nasanay na ko sa pagkakaroon ng mga bagay na pinoproblema at kinakatakutan... parang ngayon wala na lang eh.. tutal final finals ko na bukas sa Beda..

nakakabadtrip eh.. parang I've lost a reason to live ba ang drama.. pero tutal marami namang dahilan para mabuhay eh.. kaya ayos lang mawalan ng isa o dalawang dahilan..

o baka nabahiran ako ng pilosopiya ng Oldboy (isang Koreanong pelikula tungkol sa revenge and raison d'etre.. panoorin niyo!).. kung pwede lang ulet mag hayskul at magaral na lang forever at magpuyat para sa mga project... oo pahirap yung mga prajek na pinapagawa samin tas di ko rin ginagawa.. pero parang naging necessary evil na siya saken.. parang di kumpleto ang feeling pag di ka man pinahirapan ng kahit anong subject.. siguro kasi sa hirap mo na-aappreciate ang sarap kaya ngayong wala nang pahirap at nagwa-wallow na lang ako sa pagkawala nito..

expected na siguro na boring summer ko.. at.. well.. korny naman pag nag-suicide ako dahil sa extreme boredom.. muka naman akong gago siguro sa news nun.. "hayskul gradweyt nagpakamatay! bored daw kasi".. tska takot ako mag-inflict ng pain sa sarili.. kaya more or less tatalon ako sa building.. wag naman sa Beda.. baka magmulto ako dun eh.. dun na lang sa nakakatuwa pagmultuhan.. tulad dun sa makitid na daan sa may Sogo sa Sta Lucia.. nakakatuwa magmulto dun! patay bukas patay bukas yung ilaw pag may magkasintahan na planong magtalik..

sana lagi na lang may klase kasi eh.. pero wag lang yung boring na subjects.. siguro ganito magiging schedule ko pag may sarili akong klase:

7:15AM - 7:45AM Morning Assembly aka "Maging Tuta ng Mga Marshals" time
7:45AM - 8:50AM Philippine History with Jason Lorenzo with 30 minute gut wrenching recitation sessions
8:50AM - 9:00AM donut break recess
9:00AM - 10:45AM Physics with Sophia Estabillo without the math
10:45:00AM - 10:45:59AM CR break
10:46AM - 11:30 Renaissance Literature with Virginia Sobredo-Elemento with fishbowl session and seatwork na parang quiz
11:30AM - 12:45PM Lunch break
12:45PM - 1:00PM "ate masakit po ulo ko.. tulog po muna ako" session sa clinic
1:00PM - 2:00PM Economics with Dennis Sigua
2:00PM - 2:01PM "painit muna sa labas ng klasrum kasi anlamig ng aircon sa loob" session
2:01PM - 4:00PM Understanding Philippine Law and Using Them to Take Advantage of the Legally Uneducated with Jason Lorenzo and select Supreme Court Justices
4:00PM - 5:00PM Independent Filmmaking with Quentin Tarantino
5:00PM - 6:00PM Philosophy with Fr. Ferroils and/or Prof. Malbarosa

tas ayun.. hanggang alas sais klase ko.. tas heavy duty subjects na at the end of the day.. kahit puro yun lang pag-aaralan ko.. solb na ko! kung ako lang si Michael Jackson.. di na lang ako bibili ng roller coaster at McDonalds.. babayaran ko na lang yung mga titsers na yun para turuan ako!

pero boring ang katotohanan.. kaya I have to get used to it...

5 comments:

Lazybones Sasis said...

Cool.
Tsaka using the power of medicine over the human body to blackmail critically ill senators. =))

Bea Sigua said...

Andito pa naman ako eh! HAHAHA.

Mikko dC said...

'Di ko alam kung san ako magre-react eh, kaya dito na lang. =))
Nung isang beses na lumaboy kami ni Kristine sa Sta. Lucia (girl na inaasar niyo sakeng object of pedophilia), kasama namin si Lea at Pieranne, dumaan kami 'dun sa lagusan na 'yun.
Mga naka-uniform pa kami ng San Beda, lumabas kami sa may harap ng Sogo. =))

You probably don't care. =))
Kaya sige, mag-multo ka na lang 'dun. :))

Dexter Ancheta said...

kenneth yung bass ko

obedodo . said...

<3333333333333333333333333333