Friday, March 20, 2009

grinderbreadman

magbla-blag agad ako bago ko makalimutan...

marami na kong mabibiling stir fried noodles sa 2,800... mga isang daang ganun!

kung di lang kasi ganun kaganda yung lugar eh.. the place was beautiful but the event was lackluster.. or I dunno.. di ko lang siguro kasi nagustuhan yung pagkain.. pero kahit papaano na-redeem nung pumpkin soup na pinuno ko ng croutons yung 2,800.. halos tatlong libo na kasi yun eh...

ilang rolyo ng film rin yun!

I never liked formal events... parang masyadong.. organisado.. tska di ko rin nagets kung baket ganun dapat ang sayaw ng mga tao.. yung sidestep lang kayo ng sidestep.. parang naglalaro kayo ng Dance Dance Revo na puro sa left at right lang yung mga steps.. mas nakakatuwa pa rin yung mga kantang may buhay.. at least dun pwede ako magpakagago..

pero kahit yung senting tugtugan gago pa rin naman ako eh...

keri naman yung event... may mga bagay na di ako nagawa at ginawa.. mga bagay na di naayos.. at mga dishes na di natikman.. ayaw ko namang isiping sayang o masaklap.. kahit ganun na nga yung kaso... oh well.. lagi namang ganyan eh.. at nangyari na rin naman...

pwedeng ayusin.. pwedeng hinde..
pwedeng kalimutan... pwede na rin mag-rock band

3 comments:

Mikko dC said...

'Di ko pa nga rin naa-absorb na naka-coat and tie ka eh. =))

Bea Sigua said...

Gwapo naman ni Kenneth ah! :D

Kenneth Francis Fernandez said...

yehes! gwapo na rin ako! finally! after sixteen years of hard work!