mas mapaguusapan pa rin ang NBA Finals
kasi naman, ang madalas na reklamo ng mga pilipino sa football ay antagal maka-iskor. ang paboritong linya na narinig ko mula sa isang kaibigan ko "kabadtrip yan eh 'no? pag 80 minutes ka nang naglalaro tapos 0:0 pa rin ang iskor"
at napaisip ako, baket iskor lang ang pinapansin ng mga tao sa isang sport?
siguro kasi tayo'y isang basketball loving nation at nasanay tayo sa high scoring games kaya nakakapanibago ang isang laro kung saan sobrang madalas umiskor ang isang team.
pero naisip ko naman...
siguro ang mga taong di maka-appreciate sa football ay mga taong walang hilig sa sports
kasi sa basketball, madaling malaman kung anong team ang nagpeperform ng mabuti at kadalas yun yung team na may lead. so sa isang tinginan pa lang alam na ng isang viewer ang performance ng dalawang teams. pero sa football, mas dapat pansinin kung ano ang nangyayari sa pitch keysa kung ano ang nangyayari sa scoreboard. so importanteng pinagtutuunan mo ng atensyon ang laro.
pero naisip ko rin...
na baka di colonial mentality ang dahilan kung baket mabenta ang basketbol sa pilipinas
kasi kung cononial mentality nga, edi dapat mabenta rin sa atin ang american football. sadyang kinalakihan ng bansa natin ang basketbol... kahit di tayo isa sa mga top basketball countries.
sports... kung saan sa individual events lang nagsa-succeed ang pilipinas
says a lot about our country eh?
3 comments:
Friend, yun kasi ang basehan ng outcome ng game. Kaya gets.
Team event din ang boxing 'no. Boxer, coach, cutman/whatever they call it, the people who leech off the boxer's prize money and fame...
True dat, yo. :))
Post a Comment