may nabasa akong essay or blag entry siguro, pero sa peysbuk ko nakita na baka kinuha mula sa spot.ph... so sabihin na lang natin gawa niya.
whatever
nakakatuwang basahin ang mga gawa ni Lourd De Veyra... at mas lalong natutuwa ako kapag nagkakapareho kami ng sinusulat.
nabasa ko lang kanina, na mukang matagal na niyang ginawa, yung tungkol sa di pagka-hilig ng mga pinoy sa football. medyo nagkakatugma kami sa ilang punto, may mga punto akong mukang ako lang magiisip dahil baliw ako, at may mga punto siyang di ko man lang naisip.
na ang mga pinoy ay mahilig rin sa team sports... tulad ng basketbol.. so di lang si Pacquiao o Bata Reyes o si Vera ang minamahal ng bayan... mahal rin ng bayan ang Boston at Lakers!
kaso nga lang, sino ba pinapanood ng mga pinoy sa basketball? yung team as one functioning unit ba o si Kobe as a one man team?
pero pwede ring i-argue na di lang naman isang tao ang nagdadala ng isang team sa Finals.. tingnan mo si LeBron, hirap dalhin ang Cavs eh... so kelangan talagang may supporting cast ka.. tulad nila Gasol, Pippen, at Williams.
kaso nga lang sa sports equipment market, ang lumalabas individual sport pa rin ang basketball. Tingnan mo mga sapatos pang basketbol ng Nike at adidas, nakapangalan kila LeBron at Kobe at Durant at T-Mac at KG.. ikumpara mo naman sa football shoes, ang tanging sapatos na ipinangalan sa isang atleta ay ang R10 ni Ronaldihno.. matapos nun the shoes exist on their own.
enough about me bashing basketball, don't get me wrong, I play basketball... cause I have no other choice really. but when you're exposed to something for so long, you start to love it.
and the simplest answer why filipinos don't love football, is cause we just don't play it.
as simple as that...
No comments:
Post a Comment