baket kaya may mga taong di nararamdaman ang pasko?
may kaibigan akong may girlfriend at mayaman, pero di niya daw nararamdaman ang pasko.
may kaibigan akong weirdo at sakristan na know it all, di rin daw niya nararadaman na pasko.
at ako, ang batang maraming hangups na walang ginawa buong taon kundi man-stalk... pero nararamdaman ko naman ang spirit of christmas.
anong klaseng tao ba ang manhid sa spirit of christmas? malabong isang miserableng tao, dahil may kilala akong thrid world equivalent ni richie rich pero di daw niya nararamdaman na pasko na. posible siguro na may kulang sa kanila o may inaasahan silang may magandang mangyayari sa pasko pero di nangyari kaya nadismaya siguro sila.
kaya as much as possible, I keep my expectations low.
ano ba naman kasi mapapala mo pag nag-expect ka ng bongga diba? as if naman may telepathic ability ka para lalong pagbutihin ng universe na gawin ang inaasahan mo. pwede mo rin sabihin sa tao na mataas expectation mo sa kanila, pero pasko ang pinaguusapan natin. di mo pwede sabihin na mataas expectation mo sa isang abstract idea, kasi magmumuka kang avid reader ng mga self-help books.
wala namang masama sa pag-basa ng self-help books, marangal na pinagkakakitaan rin yan at as if naman ganun ka-laki ang royalties na natatanggap ng mga awtor ng mga librong yan.
pero ayun... kahit papaano umasa na rin ako at na-disappoint. pero dahil naman kasi ang pag-asa lang ang ginawa ko. di ko sinet up yung sitwasyon upang mangyari ang inaasahan ko. tulad lang kanina, inaasahan kong dadaan kami sa isang mall para makabili ako ng Gran Turismo 5. pero next time na lang daw. o inasahan ko dati na mananalo ang Nederland laban sa Espanya nung World Cup Final. pero naputol ang winning streak ng pambato ko. o tulad ng pag-exam ko sa ateneo, na dahil sobrang nadalian ako feel na feel ko nang magiging katipunan boy na ko. pero hinde, ang tumanggap saken ay ang royal and pontifical.
siguro naman mas masaklap ang mga disappointing moments ng karamihan ng tao, pero kahit gano pa ka-babaw ang sitwasyon ko. dagok pa rin ito.
pero di ako magdadrama sa isang tabi buong araw at magsasayang ng oras. hinde, magdadrama lang ako ng ilang minuto for added effect, matapos nito ay pagpaplanuhan ko na ang susunod kong gagawin. madalas ko nga sabihin sa sarili ko "now that I am in deep shit, how do I swim out of it?" oo, kahit sarili kong psyche iniingles ko, at oo yun na yung metaphor na gagamitin ko.
bilang isang ekonomista, lahat ng bagay ay maka-classify as resource, kahit ang time. at trabaho ng isang ekonomista ang pag-maximize ng resources. exception to the rule ang peysbuk, ayos lang pagsayangan ng panahon ang peysbuk... ewan ko kung baket.. pero ayos lang. pero ang pag-dadrama at pag-whine, wala kang napapala dun.. maaring mas wala kang mapapala sa peysbuk.. pero at least di ka malungkot o nababagot... unless nagdadrama ka habang gumagamit ng peysbuk, krimen na yun.
ewan ko ba kung ano point ko, pero lagi naman akong malabo eh... what difference does it make? tska lagi namang wala kang mapapala sa pag-basa nito eh... kaya mag peysbuk ka na lang...
...better yet, go out and make the world a better place to live in one deed at a time. ayos?
4 comments:
Great life advice there. Srsly
Oh fu--
You single-handedly destroyed my 2010 Christmas, Kenneth. =))))))))
Jk. =))
Mari krismas. XD
For one, I agree. :))
Amen to this. =))
Post a Comment