Sunday, December 26, 2010

put your hang up in the air

aftermath ng pasko...

marami sigurong di nakatanggap ng regalong inaasam nila, marami sigurong di nagkaroon ng matinong celebration, at marami rin sigurong di nagpasko... dahil di sila katoliko.

...at sa dinami-dami ng taong yun, kayo lang ang magbabasa nito na di man lang aabot ng double digits.

oo, nadismaya rin ako... pero di lang ngayong holiday season. on a regular basis, nadidisappoint ako. irrational, oo, pero what can I do, di naman ako makina para maka-get over it kaagad. come to think of it, pag nadidisappoint ako ng bongga, nag-va-vow ako na balang araw mapapa-sakin din yung di ko natanggap noon.

kaya pag di ko nabibili yung laruan na gusto ko talaga, pina-pramis ko sa sarili ko na "balang araw, magkakatrabaho ako, yayaman ako, at mabibili ko rin yang laruan na yan" magpupursigi akong makuha yan para balang araw ma-re-live ko yung youth that I've always wanted. parang si Michael Jackson. at oo, alam kong wasak ang buhay niya. pero what can I do, I don't have the luxury of being human enough to care for others.

oo, isa akong selfish na nilalang. yun lagi ang pinupukpok ng magulang ko sa aking kokote. pero di ko na sila kokontrahin, aminado naman ako eh. I only care about myself, and I only care about others if their well being will benefits me.

pero ayun, nabubuhay ako para sa sarili ko, para sa mga gamit na di ko nakuha. at pagkatanda ko, pagka wala na ang magulang ko ay may asawa na mga kapatid ko, nakatira ako mag-isa sa condo ko na puno ng mga laruan na may dalawang tennis court, isang hard court at clay.

lahat ng makamundong bagay ay inasam ko ng sobra...

...until I discovered religion.

oo, religion changed my life.

*this is the part where you get shocked and not be able to fully grasp the idea that Kenneth was touched by religion*

no, the scriptures didn't tell me anything. napipikon ako pag nagse-sermon ang pari, lalo na pag tungkol sa pamilya o sa pera o sa trabaho o sa marangyang buhay... as if naman may sapat na karanasan siya bilang isang ama, o negosyante, o in demand na bachelor. at ang masaklap pa dun, linggo-linggo pumupunta ang libu-libong nananalig para sabihang may mali sa kanila and shit. o baka di sila nakikinig critically habang nagsesermon ang pari o baka nag-zo-zone out lang sila habang misa at ginagawa lang ito na parang routine. at yun ang masaklap sa catholic church.

kaya I have found solace in Hinduism.

oo, sa relihiyong nageencourage na hugasan ang sarili sa maduming ilog ng Ganges.

oo, sa relihiyiong sinusunog ang mga newly-widowed.

oo, sa relihiyong rine-revere ang holy shit.

salamat sa subject kong Philosophical Anthropology, ang bullshit (pun intended) na practices ng Hinduism finally made sense. sa paniniwala ng mga Hindu ko nabitawan ang pagiging materialistic ko, ang pagiging stuck sa cycle ng consumerism, and most importantly, ang mga hang up ko.

oo, masyadong mystical ang paniniwala ng mga Hindu. at oo, mas may rational explanation ang Buddhism. pero ewan, Hindu belief really struck home for me. mula sa mga readings ng Upanishads, at ang pag-explain na within us are souls which is Atman, which is a part of the greater universe which is Brahman. so ibig sabihin our souls and the universe flows as one, we are part of the universe in as much as the universe is part of us.

pero on a more practical sense, sa Hinduism ko rin natutunan na we give in to our material wants in order to appease the pain of being incomplete. and Hinduism encourages us to find the true self, the self which does not experience pain and therefore does not need worldly belongings, the state of dreamless sleep. because in our waking hours, we are stuck in a cycle of wanting something and once we get it, we shift our wants elsewhere. I mean we already are already stuck in a cycle of birth and rebirth, according to Hindu and Buddhist beliefs, although I do not subscribe to that concept fully.

cause at the end of the road when all is said and done, you'll look back and ponder... what did I live for? what were the dreams that I chased? for what did I spent my past 60 years (assuming you live up to the life expectancy of a male Filipino) for?

will you allow yourself to be hung up on a cycle of materialism in order to get your mind off the pain of living with the material self?

or will you take the noble path?

...to find the self which does not experience pain from a lack of material things. the self which finds solace on its own without having to depend on anything.

6 comments:

Mikko dC said...

Naisip ko na rin yan minsan. HAHA. Paano nakakapagsermon ang mga pari about family life at away-mag-asawa kung sila mismo, di naman nararanasan ang mga ganun. :))
Pero anyway, so far, may mga pari akong napakinggan na sobrang magaling mag-sermon. :))

Isa na dun si rector. :>

Mikko dC said...

Go and convert. :))
Find your solace. :D

Lazybones Sasis said...

One word Two words: R fucking H bill. Pun not intended

Lazybones Sasis said...

+1 ako dito. ^_^ Go por et

Lazybones Sasis said...

Hindi nila naranasang maging babae complete with a functioning reproductive system.

Kenneth Francis Fernandez said...

Kenneth likes this