Monday, August 15, 2011

kelangan ko ng blag

wala akong matinong makausap sa oras na ito. kung di sabaw ang usapan, di sila mag-re-reply. pero sanay naman na ko sa scenariong yun. hmmmm... except siguro yung sabaw na kausap, kadalasan kasi di talaga nagrereply mga kachat ko eh.

pero baket nga ba natin klenagan ng kausap? baket nga ba natin kelangan ng kasama? at baket nga ba natin kelangan natin manatiling in touch sa mga tao? lalo na't uso na ang internet at sms, kahit mag-isa tayo para na ring andyan mga kaibigan o kaaway natin. sa panahon rin ng internet at sms lalong nagiging cheap ang pagiging torpe. dati-rati kapag torpe ka, upang makilala ang iniirog mo, magpapatulong ka sa mga kakilala niya. may socialization na nangyayari on a personal level, pero ngayon andali na lang mag-add... madali rin ma-reject. ang bridge mo online service, devoid of any meaningful human interaction, not unless you consider typing a meaningful human interaction... though nowadays that seems to be the trend, especially for people who practically live in the internet.

erase... ayaw kong mag-ingles.

dati-rati rin kapag torpe ka upang makapag-reach out sa iniirog mo, gagawan mo pa siya ng love letter. di pa uso emoticons nun, kaya mas formal pa dating. pero most importantly, sulat kamay at sariling papel ang gamit... in short, heartfelt pa ang pag-communicate. ngayon, ang synthetic ng feel. pwede na mag-text, pwede na mag-im, pwede na mag-poke.

dati-rati kapag torpe ka upang makilala ang iniirog mo, either kilalanin mo through her friend o kilalanin mo talaga siya. eh ngayon andali na lang mag-type ng pangalan sa google, not unless google-proof ang pangalan mo tulad ng Kenneth Fernandez. pinadali ng internet ang pag-sa-stalk, I should know dahil experto ako dito.

pero sino nga ba ako para ipagkumpara ang practices ng mga torpe noon at ngayon? oo aminado ako na modern day torpe ako. nakikita't nararanasan ko ang kung anu-anong katorpehan ng internet age. oo, madali, pero it cheapens the sincerity of your advances. pero if your online advances can translate well into the real world, good for you... eh malas ko na lang.

pero oo nga naman, kung real life ang tawag mo sa personal interaction... so ibig sabihin di real ang interaction niyo online?

7 comments:

Mikko dC said...

HAHAHA. Oops! I mean, I feel for you man. =))

Mikko dC said...

To stay in touch with reality :))))
Kapag wala kang ibang kausap, mababaliw ka. Kahit nga si Voldemort, may kausap na ahas eh :)))

Mikko dC said...

True dis. :))
Kasi sa internet, pwede mo baguhin kung sino ka talaga eh.
Kaya in my case, I try to stay true to myself even in the online world. That way, 'pag nasa "real life" na ang setting, there's not much difference. XD

Mikko dC said...

Technically, yes. Virtual kasi eh. Sabi ko nga, pwede mo baguhin kung sino ka talaga sa internet. :))
There's no certainty you're talking to the "real" person you're talking to. xD

Lemon R said...

Good point. Nowadays, internet lang ang means ko para maka-usap mga kaibigan ko... I would say it depends on the context of the situation.

Kenneth Francis Fernandez said...

yes, kasi kahit sa real life di mo pa rin ako kinakausap.

Mikko dC said...

Precisely. Diba, walang masyadong difference sa virtual at real world Mikko. =)))