Saturday, April 12, 2008

patayin sa gutom ang mga mahihirap!

dahil tungkol sa sitwasyon ng bansa ang paguusapan natin ngayon mga kaibigan.. ako'y magtatagalog para asteeg tayo!

gusto ko magfeeling na may paki ako sa society natin.. kaya gagawa ako ng blog entry tungkol sa krisis na hinaharap ng mga mahihirap.. at yun ay ang kakulangan ng kanin.. or something like that

sa tingin ko eh.. di dapat tingnan as krisis yang kakulangan sa kanin eh.. baket? well.. nagaral kami ng Bio sa expert guides nung isang araw.. at pinagaralan namin ang theories of evolution.. naalala ko tuloy yung natural selection ni Charles Darwin(kaya dapat habang binabasa mo 'to eh may idea ka kung ano yun.. or pwede ka rin pumunta sa google at hanapin mo meaning nun).. pero ayun nga.. dapat.. di na talaga tinutulungan yang mga mahihirap na yan eh.. dapat tulungan nila sarili nila! ba't pa kasi sila lumipat sa manila.. eh may magandang buhay naman sa probinsya.. parang isang mahirap na studyante na mas pipiliing mag aral sa Ateneo kasi maraming maharlika dun keysa mag aral sa UP.. laking salot ang kahirapan sa pilipinas.. kaya dapat.. di na tinutulungan mga yan! dapat sinasabi ng government "gusto nyo ng kanin? punta ka kayong probinsya at matuto kayong magsaka!"
 kaya sa tingin ko.. dapat maging presidente si Ping Lacson o si Trillanes.. wag na si Bayani Fernando.. ang aga mangampanya eh.. tas ginawang mala-1984(George Orwell) yung manila.. lul sya.. tas pink pa background.. pero ayos lang.. may konting femininity yung generealy masculine demeanor nya sa tarpaulins.. kaya ayun.. dapat ang government natin ngayon maging super strikto eh.. wala na kong paki kung ano mang anomalyang nangayayari sa loob ng Malacañang.. basta't mawala ang mga di kayang mabuhay ng maayos sa maynila.. walang tao tao.. kung di nila kaya.. pwes! mamatay sila sa gutom! gawan nila ng paraan ang kahirapan nila at wag umasa sa government.. tska yung crusade ni Lozada.. langya.. kelan ba sya titigil? di naman sa di ako naniniwala.. oo.. naniniwala ako na may mga anomalya sa ZTE-NBN deal.. given na yan eh.. parang 'x' sa isang algebraic expression.. where x is the amount of corruption.. korupsyon yan people.. di yan mawawala.. kahit maprove nyo man na may anomalya sa ZTE-NBN deal.. so what? mawawala na ba korupsyon sa pilipinas? tao naman kasi tayo diba?

oo, nakakainis pag nalalaman mong napupunta lang sa luho ang mga taxes na binabayaran mo.. pero.. ang mas mainam na lang gawin eh tanggapin natin yun.. Pilipinas 'to eh.. 3rd world country.. pero kung ayaw mo yun tanggapin at gagawa ka ng eksena sa mga rally.. it's your bloody choice.. pero di naman sa pinipigilan ko ang mga tao na mag rally.. dalawang presidente na ang na-overthrow ng mga rallies dito sa pilipinas.. pero yung mga ganun.. yun yung tipong lahat talaga nag-aagree on one premise.. tska may Cardinal Sin sila.. ngayon wala.. si Jun Lozada? wala.. di bilib mga ibang tao dun.. di rin naman sya religious figure.. pero that doesn't mean na it's a prerequisite na maging religious figure ka para maging instrument of change.. if we can all act as one.. then there wouldn't be a need for a leader.. at ang maganda dun.. di lang isang tao ang magte-take ng glory.. di nya masasabing "oo, ako ang dahilan kung ba't natanggal ang presidente".. lahat lahat ay makakapagsabing "kami ang dahilan kung ba't natanggal ang presidente".. pero kelangan talaga ng leader sa society natin ngayon.. ang isang utopia ay isang suntok sa alpha centuari..

ang haba pala ng blog entry na 'to 'no? gulat ako eh.. mas marami pala akong nasasabi sa tagalog keysa pag nagingles ako.. tipid salita ko pag ingles eh.. pero mas maraming nakakaintindi ng ingles.. right mga coño?

kidding aside.. siguro dapat.. ilagay 'to sa isang publication.. hahaha.. libre mangarap uy!


kaya ayun mga kaibigan.. nagulat ako sa mga pinagtatype ko.. sana wag ako patayin ng mga loyalista ni Lozada.. peace tayo mga la salle kids ha! mahal natin ang isa't isa!

No comments: