yes... people.. tapos na ang di nyo pinansing "The Kenneth and The Review Center Saga"..
gumulong na kayo sa tuwa! magiging monotonous nanaman ang mga araw ko!
naiinis ako ngayon kaya nagtatagalog ako people.. pagbigyan nyo na.. gusto ko sana gumawa ng blog entry tungkol sa nangyari sa big brother eh.. yung sinigawan nung spanish guy yung taga la salle.. pero I have work to do... and yes.. I sometimes watch big brother.. lalo na yung big brother ngayon.. may espanyol at german eh.. I've always had this certain affinity towards europeans.. mas maayos ako makisalamuha sa mga european friends ko.. okay.. enough about that...
ansaklap.. tapos na ang review classes namin.. andami kong mamimiss.. as in.. nag-enjoy talaga ako.. not so much sa mga classes.. pero ayun.. masaya pag may kaibigan.. kaya siguro pag college ako gusto ko may mga kaibigan agad ako... kasi parang nahalata ko.. pag soloista ako sa isang school year.. parang mabilis yung taon.. kasi.. nung pers yer.. mga gago talaga kami eh.. ginawang bola ng soccer yung bote ng C2.. tas ginagawang drums yung armchair.. makulay talaga.. pero nung 2nd year.. medyo kumorny kasi yung iba na-in love na.. nahahaluan na ng estrogen yung utak ng mga lalaki.. lalo na nung 3rd year.. parang halos lahat na lang ata may syota.. mga syota na lang kasama nila pag lunch.. mga ganun ganun.. unti unting nawawala ang mga gago sa lalaki.. although gago pa rin sila pagdating sa klasrum.. pero di na kasing gago nung immaturity days namin nung pers year.. paano pa kaya pag portyer na kami.. sigurado tataas nanaman populasyon ng may syota.. tataas ang may estrogen sa system nila.. putcha.. dapat hinahaluan ng testosterone inducing substances yung pagkain sa iskwelahan para mas maging lalaki ang mga lalaki sa skwelahan! tas yung mga babae.. dapat.. ano.. damihan ng estrogen para gumanda ang cruves nila.. hahaha.. pero ayun... napa-off topic tuloy ako...
okay.. san na ba ko.. ayun.. di ko na alam..
anyway.. after isang araw na walang review kahit alam kong weekday.. na-realize ko na.. I really need people.. bawal talaga ako magpaka-soloista.. although kaya ko naman.. pero it will seriously damage my well being.. nung nagrereview ako.. I'm well nourished by Sausage McMuffin w/ eggs and bunch of lunch ng shakey's.. tas occasionally pag hapon.. japanese corn along katipunan(WARNING: wag kainin kung ayaw magkatinga).. diba? o.. may go,grow, and glow foods na sa diet ko! pero ngayon.. wala akong almusal dahil alas diyes na ulet ako gumigising.. lunch ko giniling na ginawang burger.. tas miryenda ko Pringles.. tas alaws akong dinner! kaya dapat may giangawa ako pag summer.. parang last year.. nagtre-training ako sa Beda Mendiola.. at least yun buong summer talaga... eh ito.. I'd be as idle as hell! I'd be pretty much vacant the whole may.. but yeah.. napapaingles ako..
grabe... mamimiss ko talaga sila Oscar.. di ko talaga sila naging kaibigan nung school year.. pero ayun.. kahit alam kong may galit sya saken.. hanep sya kasama.. hanep sumabay sa Adventure nila na amoy computer shop.. hanep rin kasama si Ton.. although one time.. nung di pumasok si Oscar.. sumabay ako sa kanya.. naging tahimik kami.. tahimik talaga akong kasama.. or baka sa mga pinoy lang yun? kasi nahalata ko pag kasama ko yung mga european friends ko.. talagang daldalan kami unless nasa kotse tas di umiimik si Jonas tungkol sa love problems nya.. gago yun eh.. ako ginawang love doctor.. niwala naman saken.. haha... pero yeah.. depende lang talaga sa mga tao at kultura yan.. dapat siguro mag immigrate na lang ako sa Spain.. baka at least dun at home ako.. whatever..
mamimiss ko rin yung math 1 at physics instructos namin.. si Ouch at si Stresstabs.. grabe.. kahit di ako natuto sa sobrang bilis ni Ouch.. ayos lang.. nag-enjoy naman ako sa panonood ko sa kanya eh.. parang nanonood ka lang ng one man sitcom ng conyo.. tas si Stresstabs.. enjoy naman sya magturo.. natututo ako.. tas trip na trip ko itsura nya.. di mo aakalaing teacher.. parang si Ramon Bautista.. pero maayos pa naman itsura ni Ramon.. yun talaga.. parang Empoy eh.. pero hanep sya.. gusto ko sya na lang physics teacher namin.. gusto ko ganun talaga lahat ng mga titsers ko.. mga "looks can be decieving" type.. ganda nun eh.. pag let's say may mga sundalong gusto pumatay ng teachers.. hahawak na lang sila ng mop o ng walis.. tas pag linapitan sila ng mga sundalo sasabihin na lang nila "nagtago sa bundok yung mga guro ng iskwelahan na ito!".. ay! oo nga 'no.. angandang ideya yun ng film! isang grupo ng mga studyanteng may malaking galit sa mga titsers.. biglang nag-rebelde.. pinatay lahat ng titsers.. kasi gusto nila ng anarchistic na school environment.. tas ayun..
anghaba na ng nobela ko 'no? madaldal lang talaga ako pag nagtatagalog.. kaya nga ako nag-iingles sa mga blog entries ko eh.. para di masyadong marami sinasabi ko..
1 comment:
ang dami mong ideas. =))))))))))) it's our turn to have review classes!
Post a Comment