sa tingin ko eh wala na kong pag-asa umasenso sa buhay...
o baka wala akong will para umasenso sa buhay...
pero may mga tao pa rin naman na pag sinabihan ko na "gusto ko nang mamatay para di na ulet ako dapuan ng ipis".. sasabihin eh "awww.. wag kang ganyan.. achuchuchu"
pinagpapawisan ako...
kinakati ako...
inaanghit na ko...
dalawang beses ko nang ginagamit ang side A
sino ba ang hinde mawawalan ng pag-asa sa ganitong sitwasyon?
isa akong bohemian..
o baka poserong bohemian..
either way... maari rin akong tawaging ermitanyo.. o hermitanyo..
gusto ko maligo.. pero tinatamad ako... gusto kong matulog.. pero ang-uncomfortable pa ng feeling ko... gusto kong kumain.. pero patay na ang ilaw sa baba at takot ako sa multo...
andami kong gusto gawin... pero dahil sa tamad ako.. at inaatrasan ko ang mga trabaho ko...
sigurado akong wala akong pag-asa...
pero kung ganun ang magiging laman ng resume ko... pwede ako maging congressman.. o mayor.. tapos lagi ako kukuha ng komisyon...
yung maliit lang.. mga 5% lang ng isang 10 billion peso project..
gusto ko gumawa ng kanta... ayaw ko ng banda kasi andaming gumagawa nun eh.. gusto ko solo.. tapos ako tutugtog ng mga parte ng kanta.. parang yung Reznor ba yun.. yung Nine Inch Nails ata.. pero gusto ko ng babaeng bokalista.. yung tipong Karen O o Amanda Palmer ang dating... pero gusto ko rin kumanta... kahit panget ang boses ko.. dahil syempre.. di naman kelangan boses mo maganda.. basta't may konting tono.. madaling makanta.. kung medyo sintunado ay hayaan mo na...
kelangan ko lang siguro maligo...
1 comment:
betlog
Post a Comment