Saturday, June 20, 2009

sunny dee

college feels weird without math...

seriously..

parang puro mga social sciences lahat kami at puro salita ng salita mga ka-blak ko at chorva lang sa tahimik na buhay ni Kenneth Fernandez...

keri naman ang pag-commute araw-araw ng pagka-layo layo.. magastos nga lang.. kaya pag ganun ka-laki ang gastusin ko eh laging puno ang hunger bar ko.. sorry sobrang naiimpluwensyahan ako ng sims.. linalaro ko nga pala ang sims 3 ngayon..

I made new friends... dahil di sila taga Luzon! nakalimutan ko yung pers name nung sinabi ko sa huling blag entry ko eh.. yung taga Ateneo de Davao.. surname nga pala niya eh Mata.. at may punto ang pananalita niya..  at yung isa ko namang kaibigan na nakasama ko magdamag nung friday eh si Eduardo Gaspar.. na taga Butuan.. pati ako nahahawa na sa punto niya.. pero at least naiintindihan ko ang bisaya!

gusto ko ang mga prof ko tuwing tuesdays and thursdays.. dahil ang mga subjects ko ay eco 1, philo 1, eco 2, at lit 1..

eco 1 prof - Leah Estacio - Stacy - sigurado akong mag-eenjoy sa klase niya dahil ang mga katangian niya ay meron sa dalawang paborito kong guro nung hayskul.. namely si Dennis Sigua at si Antoinette Fronteras... 2 in 1.. sana may plus 1.. pero ayos na ko.. dahil hello? parang twin sister niya si ma'am fronteras talaga.. as in.. sa pananalita sa kutis.. at sa.. paraan ng paghahandle ng klase.. tska gusto ko kasi ulet maging studyante ni ma'am.. translation: crush ko siya.. haha.. ginagamit ni Stacy yung "translation: blah blah".. alam ko ginagamit ni ma'am rin yun eh.. pero yeah.. at Siguang-sigua ang method ng pagtuturo niya.. elibs brad..

philo 1 prof - Emer Gonzales - una eh.. philo ang tinuturo niya.. matagal ko nang inaasam ang magkaroon ng subject ng philo.. at pangalawa eh 2 in 1 rin siya! pinaghalong Jason Lorenzo na boses at sense of humor at itsurang Ariston Caslib! mga legends ng beda.. haha.. echos.. taong basketbol 'to.. at ngayon eh may enough knowledge na ko sa basketbol para magets ang humor niya.. tulad ng joke niya tungkol sa nigerian naming ka-blak na si Richmond(e).. sabi niya "the only Nigerian hero I know of is Hakeem Olajuwon" at walang tumawa.. ako lang ata.. anjologs ko naman kung ganun.. haha

eco 2 prof - di ko alam ang pangalan - imagine ser Revilla ng science department.. then imagine him teaching practical corporate chorva... tapos yun lang.. feel ko yung mga ganung klaseng lectures eh.. yung mga praktikal na bagay.. as if naman kasi gagamitin mo yung sine cosine tangent sa trabaho eh.. buti pa mga sinasabi niya "don't work for your monthly salary... work for your retirement!"

lit 1 prof - Ferdinand Lopez - Ferdie Lo - ang kauna-unahang prof na nagpahiya saken! pero feel ko siya dahil I find transvestites interesting.. at naiintidihan ko naman kung baket niya ko pinahiya.. kaya ayos lang ako.. tska buti pa ko di nahihiya mapahiya.. di katulad ng mga kaklase ko na sobrang takot sa kanya! wasak pare! dili man sila naka-ngisi.. buti pa ko.. habang umiikot siya sa klasrum at naninindak.. ineenjoy ko yung klase!

pero yeah.. college feels weird without math.. pero I shall not fret.. dahil may college algebra kami.. at kaming mga eco majors lang sa buong arts and letters ang may calculus! no match!

pero feeling ko di ako tatagal sa klase.. first day na first day pa lang sobrang nasapawan na ko ng mga mahihilig mag-recite eh.. pero keri lang saken.. kasi ang pag-rerecite nila eh yung pagsagot sa basic question ng "what".. kaya puro memorization pa lang.. malalaman natin pag magtatanong na sila tungkol sa mga bagay na kelangan ng grey matter ng utak.. kasi siyempre.. ang pag-memorize ay madali.. pero ang pag-process ng information at chumorva sa prof ay another thing..

dahil ako ang dakilang tamad nah hinde mahilig mag-memorize!

3 comments:

Mikko dC said...

Wala ba kayong Math 101? =(

Ang sakit sa ulo kaya ng college Math. T_T

Lemon R said...

ISA KANG ALAMAT!

Joolian Cirineo said...

butuan!? talaga??? cool. haha. pumunta kami dun tuwing summer :D