ngayon ko pa lang nakakausap ng maayos si Luis Alberto Mata...
at kamuka niya ang lalaking yan... medyo..
si Luis Alberto Mata nga pala yung taga Ateneo de Davao.. na gusto kong i-befriend since day one... una, dahil taga-Davao siya (UNSA MAN GID! haha).. mahal ko ang Davao eh.. at pangalawa, dahil naalala ko si Jethro/Jiggs Cacho sa kanya.. at mahal ko si Jethro Cacho..
he and I share the sentiments.. na compared sa dati naming klase.. jologs ang 1eco1... yung sa kanila kasi.. suntukan ang uso.. sa beda.. ewan.. marami?
sabi niya madalas daw siyang nasa principal's office.. dahil marami daw silang binubugbog.. naisip ko.. ano ang mas malala? yung pambubugbog niya.. o yung screwdriver case ko? quantity over quality ang labanan nito..
maganda ang buhay sa davao.. dun rin kami nag-a-agree... pag kausap ko nga siya.. eh parang may kausap akong kababayan.. kahit di ko naman lugar ang Davao.. napamahal lang talaga ako sa Davao.. kung pwede nga sana.. sa Davao na lang ako nakatira eh.. ansaya dun.. buhay ang nightlife.. maraming tuna belly.. hinde mausok ang mga lugar ng inuman.. marami at mura ang liempo at manok... malaki ang chicken mcdo.. maraming mapuputi.. mabibili mo ng kumpleto ang buong Pugad Baboy... at andun nga pala ang Hagar's! the best carbonara in the Philippines!
maginhawa ang buhay sa Davao... dun ata nagalit saken si bea nung pinadownload ko yung lecheng antivirus na yan... haha.. at sa Davao.. pwede kang maglakad sa lansangan ng naka-pajama.. tapos oorder ka ng isang buong manok sa presyo ng dalawang chicken fillet ng mcdo.. at walang papansin sa'yo...
hay buhay sa dabaw.. da best
No comments:
Post a Comment