Wednesday, June 30, 2010

nagaaral ako tapos bilang may na-amoy akong iniihaw na liempo

kaya naisipan kong bumalik sa friendster

oo, may koneksyon yun... maniwala ka saken.

linibot ko ang friendster (na siyempre, naka-anonymous) at di ko akalaing magiging isang time capsule ang websayt na ito.

dito ko binabalikan ang masalimuot kong kabataan kung saan ang ka-weirdo-han ko ay buhay na buhay pa. sinubukan kong alalahanin ang mga nakasulat sa profile ko dati, kaso nga lang di ko forte ang pag-alala ng kahit ano, so ang tanging tagapag-paalala ng aking nakaraan sa friendster ay ang mga profile pictures ko.

noon ay ginagamit ko pa ang 7250 ng aking ina para kumuha ng letrato at gumastos ng kinse pesos para lang ma-send sa e-mail ko at ma-upload sa friendster upang gawing profile picture. pa-goth pa ko nun at walang pimples. kahiya-hiya, oo. pero wala akong magagawa, ganun talaga ako. kaya siguro naiintindihan ko kung pano gumana ang utak ng mga pa-cool, dahil I was once there. pero di ako nagpapaka-goth dati para magmukang cool sa paningin ng ibang tao, ginagawa ko talaga ang ka-goth-an na yun para sa sarili ko talaga, dun ko nararamdaman na may kinalulugaran ako sa mundong ito, kahit ang pagiging goth ay pagiging out of place sa society.

dun pa lang eh, malalaman mo nang weirdo talaga ako. muka akong gago sa mga pose ko sa mga profile pictures ko, as ngayon iniisip ko "ano nga bang pumasok sa utak ko't ginawa ko yun?" so nung kabataan ko pa lang, sinisira ko na imahe ko. so ngayon talaga, dapat ang maging gelpren ko ay isang taong di alam ang aking history. dahil sa tingin ko naman eh nag-bago na ko. ata? ewan, weirdo pa rin siguro ako, kaso nga lang ngayon... aware ako na weirdo ako so di ko na sineseryoso sarili ko at pinagtatawanan ko na lang mga ginagawa kong ka-weirdu-han.

pero ewan ko ba, di naman ako nanghihinayang na puro ka-weirduhan pinag-gagawa ko noon. pero kahit ngayon, ka-weirduhan pa rin pinag-gagawa ko eh. sadyang ginawa ako ng diyos upang maging weirdo sa mundong ito. at tanggap ko yun. pero that doesn't mean na bawal ko baguhin.

dahil ang importante lang naman sa buhay ay maging masaya.

1 comment:

MITCHIE murillo said...

This really made me LOL. =))