Saturday, September 02, 2006

pagkatapos ng sound trip..

ayan.. tapos na ang araw.. handa na akong matulog.. ngunit bago ko tapusin itong araw na ito.. hayaan nyo muna ako gumawa ng isa nanamang walang kwentang post..

dahil ang buong araw lang naman ako nasa tapat ng PC.. actually 12 hours na akong nasa tapat ng PC.. eh ang ginagawa ko lang naman eh mag AQ at magsoundtrip.. kaya ilalagay ko sa walang kwentang post na ito ang mga paborito kong songs sa araw na ito..

10. Leo Slayer - Disco Duck
- hula ko konti lang ang nakakaalam sa kantang ito.. dahil ito'y isang makalumang kanta! eto pala ung themesong ng The Misadventures of Maverick and Ariel.. nakakatuwa itong kantang ito! sarap sumunod sa musika't sumayaw!! DISCO! DISCO DUCK!! basta.. sarap ito sayawan.. pero pang makalumang disco dance lang pwede ang kantang ito.. kasi makaluma nga sya!!

9. Siouxsie and The Banshees - Christine
- di ko alam kung baket umabot ng number 9 itong Christine ng Siousxie and The Banshees.. pero nagagandahan ako sa gothic-ness nya.. lalo na ung guitars nya.. basta.. malupet ung simulang part nung kanta.. atska sigurado akong hinde kayo makarelate sa sinasabi ko..

8. Up Dharma Down - Giving Birth
- hinde ako sigurado kung Up Dharma nga kumanta nito o hinde.. kasi may lalaking boses itong kantang ito.. tas hinde kaboses ni Up Dharma Down ung kumakanta dito.. pero ung sinasabing kumanta nito ay Up Dharma.. kaya bahala na.. nakaktuwa itong kantang ito.. isa siya sa mga tugtugin na bagay pakinggan habang nag-dra-drive ka sa gimikan habang gabi.. napakagandang atmosphere.. pwede ring patugtugin ito habang 'sumisiping' kayo! ;)

7. The Yeah Yeah Yeahs - Gold Lion
- isa ito sa mga kanta ng The Yeah Yeah Yeahs na pumasok sa top ten ko sa araw na ito.. ewan ko lang kung ba't ko ito napaabot ng number 7.. sadyang masarap siyang pakinggan ng paulit-ulit..

6. Grin Department - 8 Pa
- isa sa mga paborito kong tagalog na kanta sa kasalukuyan.. ba't ko ito nagustuhan? kasi nakaktawa siya! parang siya ung seryosong version ng mga kanta ni Bitoy(huwaaaat?!).. basta! sarap ipatugtog ito ng malakas! MISS MISS OCHO PA, OCHO PA IBAYAD NYO!!

5. Daft Punk - Technologic
- sa normal na tenga.. ang kantang ito ay musika ng mga abnormal.. pero para saken.. ang kantang ito ay masayang ipatugtog sa mga parties.. alam kong 1% lang sa lahat ng nagbabasa nito ay nakakaalam sa kantang ito.. kaya maswerte ka kung alam mo ito.. masaya na siya sayawan sa part na sabay-sabay na ung vocals, analog drums tska ung vocoder(?) o gitarang may halong vocals.. o kahit ano man un!! kung panonoorin nyo ito sa YouTube.. it's either matatakot kayo o maweweirdohan.. pero mas marami sigurong weweirdohan.. diba Kat? ;) /kis

4. Sunflower Day Camp - Goodyear All The Way
- wala mang gaanong point ang kantang ito.. sa katunayan nga eh jingle lang siya ng Goodyear Tires eh.. pero nakakatuwa pa rin siya pakinggan.. parang makalumang kanta na may halo ng moderness.. pero bahala na kayo mag decide kung ano ba talga itong kantang ito..

3. The Late Isabel - 68
- haaaaaaaaai.. isa sa mga peyborit kong The Late Isabel songs ko.. maganda sya pakinggan pag feeling mo malapit ka nang mamatay eh.. kaya masarap sa aking pandinig.. ;)


2. Daft Punk - Around The World
- aaaahhhh.. isa sa mga all-time-peyborits ko.. kahit paulit-ulit lang sinasabi ang 'Around The World' sa kantang ito.. masarap pa rin sa tenga yung kanta! ewan ko na lang kung di nyo magustuhan ito.. or baka kasi di nyo trip ang French House..


1. The Yeah Yeah Yeahs - Maps
- hmmmmm.. eto na siguro ung isa sa mga kantang pinakingan ko ng sunod-sunod at hinde nagsawa.. ngayon ang Maps ay umaabot na sa 127 times na na play sa Winamp ko.. kasama nga pala ung Maps sa 'MyPod' ko.. kaya kung gusto nyong pakinggan.. don't hesitate! (masyadong mahaba ang comment ko sa kantang ito kaya di ko na ilinagay)

This is me pretending..

naku.. nagsayang ako ng isang araw sa posibleng 70 years of my existence.. pero ayos lang siguro ito.. andami na ring araw na nasayang sa quatorseng taon ng aking pamumuhay.. baket ba ako ng sasayang ng araw? eh kung ayusin ko na lang kaya buhay ko para kahit papaano eh mamuhay naman ako ng normal.. tas pagkalaki ko.. tutulong ako sa pangimprove ng Philippines!


wahaaaaaaaaaaaaai.. walang nangyari sa araw na ito.. pero ala singko pa lang naman.. eh kadalasan gabi nangyayari ang mga 'bagay'.. hehe.. kahit wala man nangyari sa araw na ito.. espesyal pa rin itong araw na ito! baket? kasi ngayon ko na ulet nabawi ung mga kulang kong tulog this week! putchak.. simula linggo hanggang huwebes 5 oras lang tulog ko!! shet naman.. tas pag uwian na namin.. naglalaro ako ng football.. tska nawawala pa ung Centrum ko! waaah.. pero baka sabihin nyo naman na 'eh ba't ka pa maglalaro ng football kung 5 oras lang tulog mo?'.. sagot ko dun eh.. mahal na mahal ko ang football.. parang religion ko na nga un eh! kaya hinde ko mapipigilan ang sarili ko na maglaro ng football pagkatapos ng isang magulo na araw!! shet!

ay.. putragis.. nakakuha lang ako ng text message mula kay Elmar na natalo ang Beda laban sa PCU.. ang iskor ay 7:1!! sheeeeet!! malas!! trabaho lang daw nina Elmar ay Water Boy/Sawsaw.. tae! malas!! ba't pa ganun? pero mapapatawad pa naman ung mga naandun.. mga istar players lang naman nila eh sina Renzi, Kan at si Malibiran.. pero paano kaya kung naandun ako? paano kaya kung naadun si Pan? ano kaya itsura ng laro? haaaaaaaaaaaai.. kelan ba ako masasali sa line up sa RIFA?? WAAAAAAAAAH!! GUSTO KO NANG MAKAPAGLARO NG FOOTBALL!! SHEEEEEEEEEEEET!!

shet.. ansakit na ng mata ko.. kelangan ko nang tumigil..

Thursday, August 31, 2006

Don't hold on.. go and get strong..

ahaaaaaai.. ayan.. tapos na isa sa mga proyekto ko sa english.. ang 3d sumthing-sumthing! siyet na malagket! ba't pa kasi kelangan ng ganun!! fotek naman!!! pero mas trip ni Quimbo ung ganun.. kasi pwede mo daw gawing unique ung produkto mo.. haaaaaai.. siguro pagsisisihan ko ung pag-pe-petiks ko english at isa iba pang subjects.. tinatamad lang talaga ako.. baket kaya? baket? baket? baket?

shet.. nakakainis.. pagod na pagooooooooooooooood ako.. tangina.. nanghihina binti ko.. parang pa-bigay na tuhod ko.. kaya ngayon.. kumakaen ako ng macaroni soup.. na kung tawagin ay.. sopas.. ayan.. naka tatlong bowls na ako ng sopas.. mahilig ba kayo sa sopas? kasi ako paborito ko tong kainin! putchak.. paborito ko ito eh! lalo na ung malapot na malapot! tas may mga chicken strips o kung ano man tawag dun.. pero basta! masarap siya! ayaw ko lang ng sopas na may buto-buto pa ung chicken.. tas may hotdog pa! yuck! shet.. gusto ko sa sopas ko eh ung may repolyo tas may garlic.. tas meron pang chicken strips at malapot siya! sheeeeeet! ansarap nun! sana magkaroon ako ng kaibigang magaling magluto ng sopas na malapit lang sa bahay namen! sheeeeeet! tuwing weekends magpapaluto ako sa kanya ng sopas.. kumpleto week ko nun! haharapin ko ang bagong week nang may ngiti sa mukha at mabigat na tiyan!! haaaaaaaaaaaai.. friday na bukas.. magtatapos na ang week!! mukang wala namang masyadong gagawin bukas.. sabi ni Apple baka magkaroon ng Convocation bukas.. hmmmmmm.. hinde na ako umaasa ng makakakuha kami ng banner.. parang nagkalat kami eh.. basta.. ayun.. tapos na ako sa fourth bowl ko.. bukas na rin pala vertey(birthday) ni Ms Manda.. parang ayaw ko mag-attend.. feeling ko kasi galit siya saken eh.. binigay nya kasing conduct grade ko from 1st to 4th quarter ay 75!! kaya mas nararapat na lang na hinde ko siya puntahan dun.. kasi maalala nya lang ang mga masasaklap na pangyayari sa klase nya.. haaaaaaaaaaaaaaaai..

Tuesday, August 29, 2006

layuan ang mga drugs.. it's bad for you!

kami'y nanalo sa sabayang pagbikas sa ikalawang taon.. kami'y maswerte't nandyaan si Ser Sonajo para tulungan kami.. at kami'y maswerte dahil naandyan ang mga malilikhaing nilalang ng 2-20.. pero kami'y malas dahil sa mga petiks na lalaki.. tska dahil kay Limlengco.. PAX!

May mga narinig akong sali-salita mula sa ibang estudyante na mas nararapat ang 2-21 na manalo.. at ang masasabi ko sa inyo ay ito.. tama nga kayo na ang 2-21 ay mas nararapat manalo ng perst place.. ngunit nasa kamay ng mga judges ang desisyon.. kaya kung ako sa inyo.. kaibiganin nyo ang bawat guro sa Beda.. malay nyo.. pag prends nyo sya.. baka taasan pa ang grade na ibigay sa inyo pag magprepresent kayo! ;)

ahaaaaaaaaaaai.. ba't ba ganun? tuwing sinusubukan ko maging seryoso.. napupunta rin sa kalokohan? ano bang meron saken at hinde ko mapanatili ang ka-seryoso-han ko?!?! wahaaaaaaaaai..

Gusto nyo ng donut? ako gusto ko ng donut.. pero wala akong perang pamasahe.. huhuhu.. kawawa naman ako.. buti pa ung iba.. may perang pambili ng donut.. at may perang pamasahe.. ako? bente na lang natitira sa aking bulsa!! putchak! nawalan pa ako ng wallet at ng aso!! tae! medyo nalulungkot ako dahil namatayan kami ng aso.. Dalmatian pa naman un.. tska hinde ko sya nakunan nung kakamatay nya lang!! WAAAAAAAAAH!! anganadang letrato sana un.. pero mas madrama ung pagkamatay ng pusa naming si Blue(na kulay puti ang fur).. kasi hinde na sya nag-palibig samen.. siya na mismo ang nag-libing sa sarili niya! paano? nag-hukay kasi kami nung isang araw.. para sa mga basura.. gusto atang i-contaminate ng mga tao samen ung lupa.. pero.. bago pa namin ilagay ung basura.. natulog na lang siya dun.. at bumaho.. at pinagtirahan na ng mga maggots.. kaya nung binuksan ko ung pusa.. puno ng mga uod! andami-dami nila! it sent shivers down my spine! shet! pero dahil dun.. naitigil ang aming masamang plano para i-contaminate ang lupa!! kaya lab na lab ko ung mga pusa.. kahit pusang kalye ka man o pusang sosyal! I LOVE CATS!!
and Kat also! haha.. ULOL!

ba't ba wala akong magawang matino sa buhay ko ngayon? tingnan mo.. ung post bago ito.. gagung-gago! tae.. ano bang nangyayari saken? baka it's just a part of growing up.. NYEH~.. or siguro kasi dahil ito sa istress.. kaya kelangan ko ng rest!! hinde lang rest na tulog! basta.. ibang klaseng rest.. isang rest na mag-soo-soothe ng spirit.. at ayaw ko ng Yoga! may pagaaralan ka pa dun.. basta.. ibang klaseng rest ung tinutukoy ko! wag na kayong mangialam.. pero kung trip nyo namang makialam.. please.. hesitate.. NYEH~

nu na ba nangyayre saken?! shet..

Sunday, August 27, 2006

get high with God, not with drugs

ahaaaaaai.. it's raining on a sunday evening.. nahalata nyo bang tuwing weekend nagkakaroon ng ulan? nakakainis! shet! dalawang araw na lang nga para magpahinga hinde pa pagbibigyan! tangina mo ulan!! pero paano yan? walang nanay ang ulan.. or meron siguro.. kasi nagkakaroon ng ulan dahil sa mga clouds na napupuno ng tubig.. at dahil sa sobrang bigat na nya.. bumababa sya at hinuhulog ang mga tubig nya.. kaya ang ina nya ay ang tubig ng mga sinampay na damit at tubig mula sa bodies of water.. kaya tangina mo tubig!! pero kung wala namang tubig eh paano tayo mabubuhay? dapat hinde natin ginaganyan ang tubig! importante rin yan 'no! kaya dapat nateng respetuhin ang tubig dahil ito ang nagbubuhay saten! nahahalata nyo ba ako na palaging tubig lang iniinom ko? at ang mga tubig na iniinom ko ay kadalasang galing sa Summit o Absolute.. pero kadalasan Summit iniinom ko kasi ayaw ko sa green(GO LA SALLE!! haha).. tska un lang naman ung meron sa Beda maliban sa Refresh at dun sa water dispenser.. kaya dapat rin nateng pasalamatan ang mga gumagawa ng de-bentang tubig.. salamat Refresh! salamat Albsolute! salamat water dispenser ng Beda! salamat Summit! salamat Wilkins! salamat Viva! at salamat sa mga gumagawa ng de-bentang tubig na hinde ko na nasabi ang pangalan.. pero naisip nyo ba kung baket pa dapat ibenta ang tubig? syempre kasi mas malinis ito.. pero hula ko lang.. may conspiracy sa mga gumagawa ng de-bentang tubig!! dinudumihan nila ang mga bodies of water para hinde dun uminom ang mga tao at bumili na ng tubig sa kanila!! mula san ba ung mga basura sa tubig? maliban sa ihe at tae ng mga iskwater at daga.. mula sa mga factories!! at pag pagod sila(mga trabahador).. ano iniinom nila? tubig!! alanganamang ihe ng iba ung inumin nila! kasi mga desperado mga gagawa nun.. hinde rin naman pwede Gatorade o kahit ano mang energy drink dahil hinde naman nila kaya bilhin ung mga ganung bagay..

baket ko kaya sinasabi ang mga ito? siguro kasi gwapo ako.. baket ko kaya sinabing gwapo ako? kasi sinugnaling ako.. at kung sinungaling ka.. pwede mong sabihin kahit ano! parang I LOVE YOU BEA!!

Thursday, August 17, 2006

dahil sa wala..

LICKS ASS:
  • school
  • exams
  • my cheapo-mp3 player
  • Cueshe
  • babagsak ako sa english
  • jocks
  • cocks
  • and clocks..
KICKS ASS:
  • bago naming digicam
  • isang kahon ng Centrum
  • bagong housing ng celepono
  • RIFA na sa tuesday!!
  • pupunta kaming Davao bukas
  • nakapagpahinga ako ngayon!

Tuesday, August 15, 2006

Rak et!

ba't ganun.. exams na bukas.. gumagawa pa ako ng post sa aking blag.. hmmmmmm.. siguro kasi may ipis sa tulugan ko kaya hinde ako makatulog agad! XD

basta.. kaya naisip ko na eto na ang pinaka magandang paraan para mag-sayang ng oras.. take note: pagsasayang ng oras ang sinabi ko! kaya ang pag-rereview ay hinde kasama dun kasi ang pag-rereview ay hinde pagsasayang ng oras!

nahalata nyo ba.. may tinatawag tayong rock music at heavy metal? kung pakikingan nyo sila.. iisipin nyo.. ano naman pagkakaiba nung dalawa?? pareho lang naman silang maingay eh! isa iyun sa pagkakamali ng mga tao.. dahil ang heavy metal ay mas maingay kung ikukumpara mo sa normal na rock lang.. kaya nga 'metal' ang tinawag dun eh.. kasi mas matigas.. it's harder! kaya mas maingay.. at guys.. please.. wag kayong maniwala saken.. dahil barbero ako!!

napanood nyo na ab ung video ng The Prime Time of Your Life ng Daft Punk? or alam nyo ba ung kanta nilang The Prime Time of Your Life?? or alam nyo ba ung Daft Punk?!?! basta.. kahit bata ka man o matanda.. isa sa ito sa mga videos na dapat mong mapanood! baket? kasi isa ito sa mga pinaka-disturbing na videos na mapapanood nyo! at maganda ang message nung video.. kahit disturbing sya.. ano ba ung message nung video? bahala na kayong mag-decide.. tska may nakalagay naman dun eh.. hanapin nyo na lang sa You Tube un kung gusto nyong mapanood(hula ko.. isa o walang titingin dun.. kasi wala namang nagbabasa ng blag ko eh)..

ayan.. inaantok na ako.. bonne nuit.. at ako'y magpapanhinga na..

Sunday, August 13, 2006

eggpies in the middle of the night..

ugh.. nakakainis kainin ang crust ng eggpie.. haaaaaaaaai.. inuwian ako ng mum ko ng eggpie mula sa Goldilocks.. since gutom naman ako.. kainin ko na lang ito!!

haaaaaaaaaaaaaaai.. paborito ko talaga na mga eggpie.. ansarapsarap.. at may protien pa! eto na lang siguro ang nagpapagising saken ngayon.. dapat natutulog na ako.. pero dahil nasira ang body clock ko.. eto, tingnan nyo.. gising pa rin ako.. lupet ano? yo!(nahalata nyo.. magkakarhyme? NGEEEEEEEEEEEE~).. naku.. naubusan na ako ng eggpie.. T_T mukang tuna sandwich na lang muna ang titirahin ko buong gabi..

galing o.. pagkatapos ng ilang silces ng eggpie.. lumawak ang aking isipan.. kaya pwede na akong mamatay.. pwede na akong mabuhay nang wala ang wallet ko.. at pwede na akong mag-sayang ng precious na oras..

grabe.. habang kumakaen ako.. nakikinig ako sa mga na-download kong kanta ng Radioactive Sago Project.. shet, anlupet ng musika nila.. napakahusay ng lyrics ni Lourd.. lalo na dun sa kanta nilang 'Gin Pomelo'! it makes a lot of sense! shet! angaling rin ng iba nilang kanta.. pero naiinis lang ako dun sa 'Nalulunod sa Isang Basong Tubig' at sa 'Huwag Maingay May Naglalala' dahil nawawala ung jazzy-ness nila.. at alam nyo naman sa gabi na.. ampanget makinig sa maingay na musika sa ganitong oras.. kaya 'slow sounds' pakinggan naten.. aaarrrgghh! putcha.. nasira Winamp ko!! AMP!

haaaaaaaaaaaaaaai.. wala na eggpie, paubos na tuna sandwich, sira na Winamp, walang kwenta Windows Media Player namen.. haaaaaaaaaaaaaaai.. ano na ang nangyari sa mundo?

Kung paguusapan natin ang mundo.. nagtataka lang ako.. ba't ba andaming nagtatanong saken kung kami na daw ba ni Bea? ano bang nakikita nyo samin at nagtatanong kayo ng ganyan? pero ngayon-ngayon lang.. may nakuha akong text message na nagsasabing may chemistry daw kami nina Bea.. waw.. psychic.. pero chemistry?!?! ano un? halos wala nga akong nakikitang chemistry saming dalawa eh.. or is it just me? basta! tas may mga nagsasabing palagi daw kaming magkasama kaya muka na daw kami! tanginang yan.. eh meron ka ngang nakikitang mga lalaki't babaeng magkasama pero hinde sila eh! haaaaaaaaaaaaaai..

haaaaaaaaaai.. nagtataka ako.. baket ba amputiputi ng palad ng mga tao? kung titingnan mo ung mga maiitim(katulad ko) maputi ung palad.. tas kung titingnan mo naman ung mga pauputi.. mapuputi pa rin ung palad? baket kaya?? gusto kong malaman ito!! at gusto ko ng scientific na explanasyon!!

Wednesday, August 09, 2006

bawal na gamot

The quick brown fox jumps over the lazy dog near the bump of the river.. ugh.. pinapatype kami.. kailangan daw nasa tamang posisyon ang daliri nang sa gayoon ay maayos an mgagawa namin para sa practical test bukas.. T_T.. nakakainis.. nakakawalang gana..

baket pa kasi kailangan mag ganito.. baket? baket? baket? pero kung tutuosin.. magagamit rin namin ito kung magiging encoders kami balang araw.. diba? malaki rin sweldo dun.. at kung may kwarta ka.. masaya ang buhay mo.. at kung masaya ang buhay mo.. mamamatay kang nakangiti.. at kung mamamatay kang nakangiti.. pwede kang pumuntang heaven! :D

Saturday, July 29, 2006

Dorks in Space

haaaaaaaaaaaai.. nakakingit ang mga mapeperang tao.. kaya nila bilhin ang mga gusto nilang materyal na bagay.. haaaaaaaaaaaaaaai.. pero mas mabuti nang maging middle class.. hinde ko lang masasbi kung baket(hinde naman na dahil ito'y masama.. ngunit ito'y hinde ko mailagay sa salita)..

YAMAN
naiingit ako sa mga mayayaman.. pero diba sabi nila masamang maingit? pero hinde natin maiiwasan un eh.. kaya nagpupursigi akong maging magaling sa larangan ng football(or soccer para dun sa mga influenced ng mga Americano).. baket? kasi pag magaling ako sa football pwede akong matangap sa isang football club.. tas aasenso rin ako.. tas kukunin ako ng mga european football clubs! eh milyon-milyon pa naman ang bayad sa mga football players!!! hehe..

kaya pag nagkapera ako.. eto bibilhin ko:
1. buong set ng The Sandman
2. ang mga translated versions ng XIII(volumes 1-5)
3. PS3
4. Xbox 360
5. Nintendo Wii
6. Nintendo DS
7. High-end PC(P4 3.0 GHz Processor, 120 GB HD, 256 MB na video card.. pwede na ATi Radeon, surround sound enabled na sound system at 1GB of RAM)
8. HDTV!!!
9. maayos na sound system
10. Korg na synths
11. Bass Guitar
12. Electric Guitar
13. Effect Pedals(Delay, Distortion, Chorus)
14. Nokia N91
15. Adidas +Teamgeist ball
16. Adidas +F50
17. isang malaking lote kung saan pwede ako magpatayo ng isang football field
18. replica jerseys ng France, Netherlands, Germany, Argentina, Barcelona FC, Chelsea FC, Manchester United, Arsenal, Real Madrid at ng PHILIPPINE TEAM!!
19. pagkain para sa mga skwater dito.. :D

BACK TO REALITY
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. tama na ang pananaginip ng gising.. wala lang akong mapapala dito.. haaaaaaaaaaaaaaaai.. sadyang lahat talaga ng bagay ay may kapalit.. haaaaaaaaaaaaaai.. ay! naku! di ko pa pala nagagawa mga dapat kong gawin!!! HALA!!

baket pa kasi ako nagbasa ng The Sandman.. T_T.. pero may naitulong ang pagbabasa ko ng The Sandman sa mga gagawin ko.. since dapat kaming gumawa ng comic book para sa english.. nakakuha na ako ng inspirasyon! kaya lalagyan ko ng dark elements ung gagawin kong komiks.. gagawin kong 'graphic novel' ang 'comic book' na hinihingi ni Elemento..

ano nga ba ang pinagkaiba ng comic book sa graphic novel? eh pareho lang naman silang mga drinawing na istorya.. nakapanel para ipakita ang mga aksyon na nangyayari.. pero ang pagkakaiba nila ay ang comic book ay hinde gaanong seryoso.. more on the funny side sya.. eh ang graphic novel naman ay mas seryoso.. at minsan.. hinde na nakakatawa.. o.. ayan nanaman.. mga definitions ng isang troubled boy.. salamat sa pakikinig..

Buko Juice at Babaeng Puto..

haaaaaaaaaaaaaaaaaai.. isang kulay lang ang naiisip ko sa araw na ito.. ito ay ang kulay green.. baket? nayari ako kay Seguban dahil sa BJ(buko juice).. tska habang pinaguusapan namin ung gagawin sa Buwan ng Wika(with Mr. Benjie Sonajo) sabi nya na gusto nya ng BJ mula kina Sean(Pomperada) at kay Rainier(Hermosa).. at sa huli.. nung oras na ni Ms Michelle Duka.. nalaman nya ung tungkol sa BJ nina Rainier at ni Sean.. kaya sabi nya.. gusto nya rin ng BJ mula kina Sean at Rainier! at sabi pa nya.. dapat maihandogan kaming lahat ng BJ mula kina Sean at Rainier!! tska sabi nya marami daw BJ sa UP.. idinagdag ko naman na marami sa Sunken Garden.. na BJ! at sabi nya gusto rin nya ng puto at babaeng puto.. sinigaw ko naman na meron sa Junction.. 350 pinaka-mura.. pero sabi nya.. Kutsinta ung babaeng Puto! haaaaaaaaaaaaaaaaaaai naku!!


KULUR GREEN
haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. baket kaya sinasabing green ang mga kabastusan o ka-'L'an?? wala na ba talagang maisip ang mga tao ngayon at sa kulay green nila isinasama ang kabastusan?!?! ano ba ang meron sa kulay na green?? wala ka namang maiisip na bastos kung tinitingnan mo ang kulay green.. kung tutuosin nga.. masakit sa mata ang kulay green eh(maliban lang sa dark green).. tska lalo lang akong nahihilo pag tinitingnan ko ang kulay green! kaya baket nila iaasociate ang green sa kabastusan?!?! haaaaaaaaaaaaaaaai.. pagkatapos ikumpara ang pula sa galit o away(at sa pinaka-magaling na team ngayon sa NCAA Basketball!! hohoho!).. or ikumpara ang asul sa kalungkutan at tranquility(na hinde ko alam ang ibig sabihin).. or puti sa purity.. or sa yellow na pwedeng maassociate sa kasiyahan o sa pinaka banong team sa NCAA Basketball (tska samahan mo ng dark blue para hinde matamaan ung ibang iskwelahan).. at sa pink na maassociate sa femininity.. haaaaaaaaaaaaaaai.. hinde ko na alam ang aking sasabihin..

CSJL-SBC MATCH
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. sayang.. hinde ko napanood ang laban ng Beda't Letran.. sold out na kasi eh.. T_T.. nakakainis!! pero since may ID naman mum ko at pwede naman syang lumusot sa mga guards pag may laro sa NCAA, nakapanood sya! nakakaingit.. pero sabi ng mum ko parang championship ung laban dahil sa sobrang dami ng tao!! tska sabi nya baka daw may magsuntukan kasi nagmumurahan daw ung dalawang iskwelahan.. haaaaaaaaaaaaai naku!! mga pare pa naman mga humahawak sa kanilang iskwelahan(Jesuits para sa Letran at Benedictines para sa mga Bedista).. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. naiingit ako sa mga nakapanood..

Isang malaking tagumpay ang pag talo sa Letran! baket? kasi sila ung nasa tuktok ng standing sa NCAA Basketball.. at nakakatuwa naman kung matatalo ng Beda ang Letran na nakatalo sa PCU ngunit nakatalo sa Beda.. gets? basta.. hinde man ako basketball fan(dahil naboboringan ako sa laro) sapat na ang saya ng mga tao pag nananalo ang isang team para mahiligan ito.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. ano kaya ang mangyayari sa Finals?? hehe..

Wednesday, July 26, 2006

Steff Nick

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. nakakainis.. ansakeeeeeeeeet ng leeg(neck) ko.. stiff neck daw.. ansakeeeeeeeeeeeeeeeeet.. buti't walang practice ang football team.. sumakit na rin ung right binti ko.. T_T

OMEGA PAIN KILLER
Sandamakmak na Omega Pain Killer na pinahid ko sa aking leeg kanina sa clinic.. pero ansarap nya.. mainit sa balat.. enjoy! :D.. sinubukan ko ito nung umaga habang nag-sascience.. since wala namang paki si Seguban kung may ginagawa kang kagaguhan sa papel.. naisipan kong gumawa ng komiks.. tungkol sa isang super hero.. inspirasyon ko ang init na nadarama dahil sa Omega Pain Killer.. kaya ginawa ko si Omega ang Pain Killer.. walang kwenta naman ung komiks ko.. kalaban ni Omega ay si Alpha.. walang istorya.. nagpapasiklaban lang naman ng 'powers' ung dalawa.. ang power ni Omega ay mag-dura ng green na fluid na nakakatunaw ng bagay.. at si Alpha naman ay nakaka-restore ng mga bagay na nasisira ni Omega.. nakalimutan ko pala.. si Omega ay isang malaking bote na may kamay't binti.. tska mata't bibig.. at si Alpha ay bote rin, ngunit sya'y cute.. :D

Pagkatapos ng science ay nagisip pa ako ng mga bagay na pwedeng idagdag sa komiks ko habang pinoproblema ko ang aking stiff neck.. naisip ko.. magbabati rin balang araw si Alpha at si Omega.. at ang magkukunekta sa kanila ay si Beta! tska si Numeric.. para may AlphaBeta at AlphaNumeric!!(NGEEEEEEEEEEEEEEEEE~ KORNI!!!!)..

ALPHA PAIN GENERATOR
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. lam nyo ba pag mahaba ang mga hai's ko, ibig sabihin nun eh bored ako.. at kung maiksi.. wala akong magawa.. ano pinagkaiba nun? ayon sa aking diksyonaryo ang bored ay tinatamad sa isang bagay at nagsasawa na.. at ang walang magawa ay wala talagang magawa maliban sa ginagawa nya nung sinabi nya na wala siyang magawa.. eto example: nag-sasaoundtrip ang isang bata habang gumagawa ng bagong post para sa kanyang walang kwentang blog at may ka-chat sa YM o sa kahit ano mang instant messenger chorva.. nakipag-chat sya sa isang contact nya.. 'uy pare, wala akong magawa..'.. pero kitang-kita naman na nag-sasoundtrip si adik at gumagawa pa ng bagong chorva para sa kanyang blog.. ganun ang walang magawa!!

lupet 'no? kung gusto nyong mag pa-define sakin ng mga salita.. mag-comment lang kayo sa post na ito at gagawa ako ng bagong post kung saan nakalagay ang definiton ng salitang gusto nyong maintindihan.. pero kung nalalabuan kayo.. dontcha worry! dahil bumubobo ako pag may stiff neck.. :D

weyt por moir..

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. uwian at naandito pa ako sa Beda.. nakakainis.. mahirap mag hintay nang walang kasama.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaai

wala lang talag akong magawa.. pero kahit ganito kaiksi itong post na ito.. masaya na ako dahil ito ang pinakauna kong post sa blog na ito na ginawa ko sa kompyuter lab ng Beda.. :D

Monday, July 24, 2006

Gusto ko ng Baboy

ahhhh.. gloomy mornings.. hinde ko lang alam kung baket mas pipiliin ko ang mga sunless mornings keysa sunny ones.. nagiging abnormal na ba ako?

Napakasaya at maulan at walang pasok! Pero nakakainis dahil hinde ako makakasali sa football team ngayon.. kasabayan ko sana si Toru.. dapat nga sasali sya nung thursday pero pinigilan ko para may kasama ako!(wat r prends r por? lol) astka kailangan daw may studs ung sapatos na gagamitin.. inde nyo alam ung studs? ang studs ay ang mga maliliit na bagay na nakalawit sa sole ng mga sapatos na pang football.. may matulis, may hinde.. m
ay malambot, may matigas.. may rubber, at may plastik.. teka.. may naiisip ba kayong bastos sa mga sinabi ko?? hehe..

FUTBOL
Binigyan ako kahapon ng dad ko ng 5k pambili daw ng equips na gagamitin ko para sumali sa football team.. ang plano ko sanang bilhin ay ang Adidas F30 na nakita ko sa Shang, atska kahit anong knee high socks at disenteng shin guards..

ayan ang Adidas F30.. ganyan na ganyan ung nakita ko sa Shang.. 4k isa nyan.. pero iniisip ko.. kailangan ko ba ng ganyang sapatos? eh hinde nga ako sigurado kung makakatagal ako sa team eh.. pero with my strong passion.. makakatagal ako sa team.. sana(NGEEEEEEEEEEEEEE~)

MUISQUE
haaaaaaaaaaaaai naku.. mukang nagiging emoer na ako.. kasi sabi ng aking WinAmp naplay ko na dwa ng 126 times ang kantang A Promise ng Chicosci.. habang ang ibang kanta katulad ng Lullaby ng The Cure atska Follow(The Mad March) ng The Late Isabel ay umaabot lang ng 40+.. kaya napagisipan ko na munang i-erase ang kantang A Promise sa PC ko.. sayang at may topak DSL namin.. andami ko na sanang na-download.. gusto ko sana ung Something About Us ng Daft Punk.. atska ung TAMANG version ng Voyager ng Daft Punk ulet.. haaaaaaaaaaaaaaaai.. mukang mas mainam na iwanan ko na ang mundo ng mga rockers dahil nagiging korni na at napupuno na ng mga posers ang pinas.. sa electronic music na lang ulet ako.. at least sa electronic music pwede kong gawin ng walang kasamang iba.. basta't may kompyuter lang ako at pwede na akong gumawa ng sarili kong musika!!

PINOY POSERS
nakakahalata lang ako sa mga batang nakikita ko dito sa Rizal/Cainta/or kung saan man.. nahahalata nyo ba ung mga taong may mga bags ko shirts o kahit anu man na may sign ng Anarchy atska ng Swastika? basta.. ako nakakahalata na.. sure ako hinde alam ng mga nilalang na iyan kung ano ang TOTOONG ibig sabihin ng mga signs na iyan! pasuotsuot pa sila ng ganyan.. pero.. hinde ko pa natatanong ang meisang batang nagsusuot ng ganun.. kaya dinedare ko kayo na maghanap ng mga GANUNG nilalang at tanongin nyo 'ano ibig sabihin nyan?'*sabay turo sa swastika/anarchy sign*
.. pero kung alam nga nila un.. baket ayaw nilang manira, magnakaw, pumatay, man-rape? ganun naman pag anarchy diba? atska pag may swastika.. wag na wag na silang pumunta sa church o mag dasal!! tae.. parang inverted na cross ang katumbas nyan sa chatholicism! pero sa pagkakaalam ko.. roman cross na tabingi ang swastika.. blah! bahala na..

ang mahiwagang swastika.. siguro sasabihin ng mga tao.. 'Nazi yan!'.. isasagot ko.. 'sa palagay mo asteeg ka na kung may ganyan ka? alam mo ba ibig sabihin nyan?..

ang mahiwagang anarchy sign.. asteeg daw.. pero kung asteeg nga.. gawin nga nila ung mga ginagawa ng taong namumuhay sa isang bansang nasa anarchy!

Saturday, July 22, 2006

Cause I've Got 68 Days to Live

wasting time.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaai naku.. hirap talaga ng buhay ng mga mahihirap.. mas konti ang mga prebilehyong nakukuha mo.. at mas konti ang mga pleasures na natitikman mo.. pero on the other hand.. mas murang tax ang babayaran mo.. :-P

baket yan ang naisip kong topic? WALA LANG!! wala talaga akong magawa.. as in.. pero sabi ng utak ko gawin ko na ung project ko para sa Soc Sci.. pero sabi naman ng katawan ko next time na lang.. wala nang sinabing iba ang aking katawan.. haaaaaaaaaaaaai naku.. amboring nitong araw na ito.. sa simula lang maganda.. baket? kasi may pumunta kami sa tahanang walang hagdan..

TAHANANG WALANG HAGDAN
ang tahanang walang hagdan ay isang tahanan na walang hagdan.. NGEEEEEEEEE~
totoo nga un.. pero ang nakakapagtaka.. baket pa kaya tatawaging 'Tahanang Walang Hagdan' ung lugar na un kung wala naman silang second floor?!?! nu ba naman un?! atska hinde lang mga pilay ang naandun! may mga 'i-special' na mga nilalang dun! natuwa ako dun sa isang MALIIT na nilalang.. mga nasa 70-sumthing years old na DAW.. mabilis daw kasi tumanda.. lupet nga eh.. anliit.. mas maliit pa kay Dagul!! atska ampayat nya!! nakakatuwa nga nung nakita ko sya may dala-dalang plastic bag na may laman na ispaghetti at burger(mula kay Jan Corcuera).. halos 1/3 na ng katawan nya ang size nung plastic bag!! putaningang yan!! nag-enjoy lang naman kasi ako dito kasi nakakain ako ng 2 ispaghetti atska 4 na burger mula McDo.. solb na!!

BAKET NAGING BORING ANG ARAW
haaaaaaaaaaaaaaaai naku.. nakakainis.. sira nanaman DSL namin.. gago talaga PLDT.. ampanget ng serbisyo nila!! AARRRGGHH!! napilitan tuloy akong gumawa na lang ng musika.. nasa kwarto lang ako magdamag.. tumutugtog ng Keys atska ng 5 string acoustic guitar.. baket naging 5 string? kasi naputol ung isang string.. T_T.. putcha.. apat na oras ako sa kwarto ko.. pinageexperimentuhan ang iba't ibang tech chorva ng keys ko.. sa keys ko Square Lead kadalasan kong ginagamit pero minsan ginagamit ko rin ang Analog at ang Grand Piano.. at since tanga ako sa gitara.. puro E, A, G at C ang nagagawa ko.. T_T.. malas.. kaya ang ginawa ko na lang.. sinubukan kong i-arrange sila sa iba-ibang orders or iniba ko ung pag-strum ko.. kaya nakagawa ako ng shit(song).. ang title nya ay 'Silence'.. isang kanta tungkol sa loneliness at kung ano ang epekto nito sa pagiisip mo.. atska nakagawa rin ako ng isang piyesa gamit ang Grand Piano.. malungkot ang tunog nya(katulad ng ibang piyesang nagagawa ko)..

68 DAYS TO LIVE
lam nyo ba.. habang ginagawa ko itong blog post na ito.. nakikinig lang ako sa 68 ng The Late Isabel mula sa album nilang The Doll's Head na mabibili nyo sa mga leading record bars.. nagagandahan ako dun sa kanta (pati kay Wawi).. lalo na ung isang part na may sisigaw.. ngagandahan ako sa linyang 'cause I've got 68 days to live, and I've got nothing much to give' atska sa 'hands clutching, soon gasping ahhhhhhhaaahaaaa'.. gusto nyo marinig? http://www.geocities.com/thelateisabel/dollshead.htm << ayan link.. enjoy!!

Friday, July 21, 2006

Secondyer

haaaaaaaaaaaaaai naku.. secondyer na ako.. lalong bibigat ang aking paghihirap.. naku!! Bio.. Statistics.. Afro-Asian Literature.. Asian History.. hala.. atska mukang mas mahirap ang aking secondyer life kasi mali ang nabagsakan kong seksyon.. ang dos-bente St. Alberic..

DOS-BENTE
ang dos-bente ay isang section na hinahandle ni Ms Michelle Duka.. si Ms Duka ay isang math titser ng secondyers at ng terdyers(ata).. karamihan ng mga tao sa dos-bente ay mga mababait na tao('lupet ha.. walang nambababra').. or matatalino('pare.. pakopya ng assignment').. or mapera('PALIBRE!!').. ang dos-bente ay nasa ilalim ng rule ng presidenteng si Apple.. at sa assistant ni Apple na si Nicole.. at ang taga-kuha ng tax na si Dyan.. at ang guardya ng sagradong lalagyan ng pera na si Kevin.. at ang opiser na pang-intrams na si Camille.. pero sa palagay ko.. Anarchy ang type ng government ng dos-bente..

at kung may depatment of health at kung anu-ano pang chrova ang pangulo ng Pilipinas.. meron ring ganyan ang dos-bente! committees ang tawag dyan!! may Peace Committee(kung saan ako nabibilang) led by Jan Corcuera.. ang committee na yan ang nag-didisiplina sa mga estudyante ng dos-bente.. pero dahil sa katamaran ng lider ng committeeng iyan.. balewala na rin sila.. meron ring Faith Committe.. hinde ko alam ung lider kasi hinde naman ako kasali sa comitteeng iyan.. sila daw ung mga nag-aayos ng misa at kung anu-ano pang religious na bagay na gaganapin.. susunod naman ay ang Hope Committee.. paki ko rin ba sa lider ng committeeng iyan.. pero sila ung mga tumutulong sa mga tamad na bata or sa mga batang minalas dahil boring mag-turo ung guro.. sunod naman ay ang Work Committee.. led by fafa Sean Pomperada.. sila ung mga taong nag-aayos ng ewan ng mga ewan.. basta.. ganun na un!

ang mga nilalang na bumubuo ng dos-bente:
Akeem Aragon - pinakamaliit na lalaki ng dos-bente
Mikki Barrameda - isa daw sa mga lalaking barako ng seksyon
Camille Bartolo - ang isports rep ng seksyon na puno ng mga matatalinong estudyante
Kevin Cabral - maliit rin.. wala pa namang kakaiba sa kanya.. natutuwa naman si Pascual at si Rivor sa kanya..
Gerard Chu - si Dragon Ball.. at palaging amoy wax ang buhok nya
Paolo Chua - emo boy DAW.. isa rin sa bading ng seksyon..
Julian Cirineo - isa sa mga matatalinong bata ng seksyon at ang nag-iisang batang may kulay ang buhok.. na hinde natural!!
Jan Corcuera - ang lalaking may pinakamababang boses sa dos-bente.. mapera pa!!
JM Corotan - si Boy Angas..
Charmaine Dela Cruz - isa sa pinakamayaman sa klasrum.. at isa ko ring kaklase lastyer
Merlin Dionisio - ang katabi ko!! un lang.. hehe
Clang Dombrique - isa sa mga new istudents ng Beda.. varsity rin ng taekwondo.. tibo daw..
Russel Endaya - mtalinong bata!! atska sacristan!!
Kenneth Fernandez - ang pinakapogi na bata sa dos-bente.. ULOOOOOOOOOOL!!
Shenyll Fuentes - ang babaeng hinde nag-eexist sa Beda dahil Sheryll ang pangalan nya sa record.. NGEEEEEEEEEEEEE~
Amira Gocela - bagong estudyante.. di ko kilala..
Rainier Hermosa - isa sa mga pogi sa klasrum.. kasunod lang ni Kenneth Fernandez..
Mike Limlengco - ang pinakaunang nabara(na-weh) sa dos-bente.. maliit rin! :D
Dyan Lucero - ang pinakamaliit na babae sa dos-bente.. at ang aming tax collector
Apple Mertalla - ang presidente namin.. T_T
Sid Pacis - ang aking bespren sa klasrum!! atska may kras sya kay Guillen
DJ Pascua - semi-kal.. un lang.. :D
CJ Pascual - ang paboritong estudyante ni Mrs Elemento..
Pieranne Penero - dati kong klasmeyt.. un lang! XD
JC Perez - anak ng presidente ng parents chorva ng dos-bente
Sean Pomperada - isa sa mga pinakapoging estudyante sa dos-bente.. kasunod lang ni Kenneth.. XD
Paolo Quimbo - ang messenger boy namin.. aka PRO
Jonell Remigio - dating taga-trese.. un lang!!
Emmanuel Reyes - hinde daw sya bading.. un lang!!
Kevin Rivor - ang tagapagbantay ng mahiwagang lalagyan ng pera ng dos-bente.. aka Auditor
King Rull - ang pinakahuling estudyanteng dumating sa klasrum.. at ang estudyanteng may pinakamaraming tawag.. 'King!', 'Jerusalem!', 'KJ!', 'Rull!'..
Katz Rullan - dati kong kaklase.. un lang!!
Ralvin Torres - ang higante ng dos-bente.. dating dos-bente-dos.. at vartisy ng basketball.. :D
Nicole Tulagan - ang assistant ng presidente.. at isa rin sa mga matatalinong estudyante..
Anzel Valderama - pang-emo ung frame ng eyeglasses.. un lang!!
Redmond Zapanta - isa sa mga pinakagwapong estudyante ng dos-bente.. kasunod lang ni Kenneth!! dancer rin.. atska vatisy ng Table Tennis.. :D

BUHAY SECONDYER
andaming bago ngayon.. si Sid na kasama ko on a regular basis, prends na kami nina Toru, nakakausap ko na rin sa personal si Bea, in lab na si Justin Malicdem.. may pa-angelface-angelface pa silang natututunan!! nahalata ko rin.. andami nang mag-syosyota sa secondyer.. nakakpagtaka lang.. baket kaya sila magkakaroon ng ganyan eh kung hinde naman sila marunong mag mahal.. or hinde pa nila naiintindihan ang meaning ng love.. pwede mo ring masabing puppy love yan.. pero baket umaabot na sa pagkakaroon ng syota?? wooooo.. strange.. buti pa ang mga single!! ansasaya!! pero depende na rin sa tao un.. may iba na gustong magkasyota.. may iba na hinde.. at isa ako sa mga ayaw magkasyota!! baket masaya? kasi mas marami kang time para ma-enjoy ang iyong pagkabata! admit it.. mga bata pa tayo(except sa mga 15 yrs old pataas).. i-enjoy muna natin ang mga araw natin na kaunti lang ang mga responsibilidad.. pero kung gusto nyo nang magka-syota.. sige.. go.. hinde ko kayo pinipigilan.. sino ba ako para mag-dikta sa inyo?(nakana.. pan-drama na!! whooooooo!!)

Thursday, July 13, 2006

+5 Team

nahahalata ko lang.. nauuso ngayon ang pagagawa ng +10 teams.. sa mga hinde nakakaalam nun.. ang mga +10 teams ay mga dream teams ng mga tao sa football.. kaya sa mga hinde football fans dyan.. wag na kayong mag sayang ng oras at tingnan nyo na lang ang mga blog ng iba!! pero.. since hinde naman ako football person(owsss?) +5 na lang gagawin ko.. baket? kasi futsal pa lang nalalaro ko! :D


now let's begin..

ang magiging formation ko ay 1-2-1.. para ung dalawang midfields pwede sa opensa at sa depensa.. .. sorry kung panget itong nagawa ko.. tanga ako eh!


for my goalkeeper.. pipiliin ko siguro si Oliver Kahn ng Germany.. wala lang.. nakita ko
lang ung iskills nya nung WC.. isipin mo.. 37 yrs old na sya!! ayos!


or.. pipiliin ko si Edwin van der Sar ng Netherlands.. lufet!!

or.. si Toru Takahashi!!! da bestest!!


kung defender pag uusapan.. baka piliin ko si Marcel Desailly.. pero.. di kami close.. T_T

tapos sa midfield.. ilalagay ko ay ang pass master! si Zizou! ang lalaking nanheadbutt sa finals ng
WC!!

ako rin kasama nya!! :D













striker ko.. Paulino Alcantara.. ang pinaka-malupet ng Pinoy Football player!! siya rin ung highest scorer ng FC Barcelona!! san ka pa?!

magkamuka kami 'no? hehe..

at salamat sa inyong oras na nasayang.. :D

Friday, July 07, 2006

my blog sucks.. :D

itim na template.. nakakatamad na.. amboring pa..

wala ka nanamang magawa 'no? naisipan mong tingnan ang aking walang kwentang blog.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai.. baket kaya itim lang ang meron sa blog ko? wala na kayong mapapala dito sa blog ko! parang spam! kaya ang dapat nating gawin ay magpakamatay!! Gayahin natin ang mga emo-friends natin!! /heh

WALA AKONG MAGAWA!!

Sunday, May 28, 2006

Dahil nahihirapan na ang aking utak sa kaka-ingles...

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai... grabe... hello pala! mabuti at binabasa nyo ito.. kasi isa lang ibig sabihin nyan! wala kayong magawa at amboboring ng buhay nyo! or wala lang talaga kayong magawa?

bahala na... pero mabuti at naisipan nyong basahin ito... kasi ito ang pinaka una kong tagalog post ko!(watch out for my Bisaya, Pangalatok and Spanish post!) lufet!! ulol!

eto na rin siguro ang post na may pinaka masayang feel sa blog ko to date! <- hinde ako sure kung tamang grammar... pero bahala na!

alam nyo ba kung baket ako nag post nito? kasi wala akong magawa!at nahihirapan na ang aking dila sa pag-iingles! kaya naisipan ko namang magtagalog... kaya eto... ang 1st tagalog post ko! let's celebrate!!

Tuesday, May 02, 2006

FOOTBALL!!

man... I can't think of anything but football(and a little bit of Up Dharma Down)... right now im wondering how come I had a hidden passion for this sport... Since I saw FIFA 06's(EA's newest FIFA game... but I like Pro Evo more) commercial, I got addicted to football... just seeing the dribbles and screamers... man...

Love for the sport-

Since im a footie fan I need to have favorites... right? and I do have favorites... such as Manchester United(English Premiership), FC Barcelona(Primera Liga), Real Madrid(Primera Liga), the Netherlands national team(International) and of course the Philippine Team...

For the past few weeks i've been visiting the AFC website... beacuse the Philippines is on the AFC Challenge Cup... and they lost... yeah... they lost... and I know that the kids reading this wouldn't even give a damn... that's one of the problems that the Philippine Football Team face... lack of support...

Everyone knows that Basketball is the sport that the Filipinos love right? And football would be around the bottom of the top ten sports... second would be boxing... third would be volleyball... fourth would be badminton... fifth would be... I don't know! But Im sure that most of the Filipinos think that Football(or Soccer) is one boring game... probably because you would need a huge pitch for that game... so the towns would rather make basketball courts than football fields... and football pitches needs some maintenance...

The Football Dream-

Since I saw the FIFA 06 commercial... I wondered... Can I make it to the National Team? Yeah... I don't have the skills but I have the passion nad love for the ball... I can't make those Ronaldinho dribbles... or Beckham's bends... or even Rooney's goals... but I will do my best to score a goal... I will do my best to keep the ball under my contol... i'm sure that I will miss some goals... or get my ball stolen... but that's life... there are times when you have the ball; and there are also times when you don't...

*this is for the Bedan kids who reads my blog*
- paano makakasali sa football team ng Beda? may pag-asa pa ba ako?

*this is for everyone else*
- aalis ako sa May 6(2006)... pupunta akong Davao... at sabi ni Madam Auring eh mag-cracrash daw ang airplane na sasakyan ko...