Saturday, September 02, 2006

pagkatapos ng sound trip..

ayan.. tapos na ang araw.. handa na akong matulog.. ngunit bago ko tapusin itong araw na ito.. hayaan nyo muna ako gumawa ng isa nanamang walang kwentang post..

dahil ang buong araw lang naman ako nasa tapat ng PC.. actually 12 hours na akong nasa tapat ng PC.. eh ang ginagawa ko lang naman eh mag AQ at magsoundtrip.. kaya ilalagay ko sa walang kwentang post na ito ang mga paborito kong songs sa araw na ito..

10. Leo Slayer - Disco Duck
- hula ko konti lang ang nakakaalam sa kantang ito.. dahil ito'y isang makalumang kanta! eto pala ung themesong ng The Misadventures of Maverick and Ariel.. nakakatuwa itong kantang ito! sarap sumunod sa musika't sumayaw!! DISCO! DISCO DUCK!! basta.. sarap ito sayawan.. pero pang makalumang disco dance lang pwede ang kantang ito.. kasi makaluma nga sya!!

9. Siouxsie and The Banshees - Christine
- di ko alam kung baket umabot ng number 9 itong Christine ng Siousxie and The Banshees.. pero nagagandahan ako sa gothic-ness nya.. lalo na ung guitars nya.. basta.. malupet ung simulang part nung kanta.. atska sigurado akong hinde kayo makarelate sa sinasabi ko..

8. Up Dharma Down - Giving Birth
- hinde ako sigurado kung Up Dharma nga kumanta nito o hinde.. kasi may lalaking boses itong kantang ito.. tas hinde kaboses ni Up Dharma Down ung kumakanta dito.. pero ung sinasabing kumanta nito ay Up Dharma.. kaya bahala na.. nakaktuwa itong kantang ito.. isa siya sa mga tugtugin na bagay pakinggan habang nag-dra-drive ka sa gimikan habang gabi.. napakagandang atmosphere.. pwede ring patugtugin ito habang 'sumisiping' kayo! ;)

7. The Yeah Yeah Yeahs - Gold Lion
- isa ito sa mga kanta ng The Yeah Yeah Yeahs na pumasok sa top ten ko sa araw na ito.. ewan ko lang kung ba't ko ito napaabot ng number 7.. sadyang masarap siyang pakinggan ng paulit-ulit..

6. Grin Department - 8 Pa
- isa sa mga paborito kong tagalog na kanta sa kasalukuyan.. ba't ko ito nagustuhan? kasi nakaktawa siya! parang siya ung seryosong version ng mga kanta ni Bitoy(huwaaaat?!).. basta! sarap ipatugtog ito ng malakas! MISS MISS OCHO PA, OCHO PA IBAYAD NYO!!

5. Daft Punk - Technologic
- sa normal na tenga.. ang kantang ito ay musika ng mga abnormal.. pero para saken.. ang kantang ito ay masayang ipatugtog sa mga parties.. alam kong 1% lang sa lahat ng nagbabasa nito ay nakakaalam sa kantang ito.. kaya maswerte ka kung alam mo ito.. masaya na siya sayawan sa part na sabay-sabay na ung vocals, analog drums tska ung vocoder(?) o gitarang may halong vocals.. o kahit ano man un!! kung panonoorin nyo ito sa YouTube.. it's either matatakot kayo o maweweirdohan.. pero mas marami sigurong weweirdohan.. diba Kat? ;) /kis

4. Sunflower Day Camp - Goodyear All The Way
- wala mang gaanong point ang kantang ito.. sa katunayan nga eh jingle lang siya ng Goodyear Tires eh.. pero nakakatuwa pa rin siya pakinggan.. parang makalumang kanta na may halo ng moderness.. pero bahala na kayo mag decide kung ano ba talga itong kantang ito..

3. The Late Isabel - 68
- haaaaaaaaai.. isa sa mga peyborit kong The Late Isabel songs ko.. maganda sya pakinggan pag feeling mo malapit ka nang mamatay eh.. kaya masarap sa aking pandinig.. ;)


2. Daft Punk - Around The World
- aaaahhhh.. isa sa mga all-time-peyborits ko.. kahit paulit-ulit lang sinasabi ang 'Around The World' sa kantang ito.. masarap pa rin sa tenga yung kanta! ewan ko na lang kung di nyo magustuhan ito.. or baka kasi di nyo trip ang French House..


1. The Yeah Yeah Yeahs - Maps
- hmmmmm.. eto na siguro ung isa sa mga kantang pinakingan ko ng sunod-sunod at hinde nagsawa.. ngayon ang Maps ay umaabot na sa 127 times na na play sa Winamp ko.. kasama nga pala ung Maps sa 'MyPod' ko.. kaya kung gusto nyong pakinggan.. don't hesitate! (masyadong mahaba ang comment ko sa kantang ito kaya di ko na ilinagay)

No comments: