Wednesday, September 27, 2006

...

andyan ka na ulet.. tapos na ang mga araw na wala na akong pinagagawang matino.. tapos na.. wala na.. basag na ang mga picture frames.. sunog na ang mga love letters na puno ng mga salitang walang saysay.. tuyo na ang mga tissues na pinampahid natin sa mga luhang wala namang kwenta.. balik na ulit tayo sa normal.. tao na tayo.. na nakatira sa isang napakalupit at napakalamig na mundong walang paki sa atin.. bumalik ka na sa garden mo at mag-dilig.. habang naandito ako sa madilim kong kwarto na gumagawa ng mga basura.. putang ina ko.. putang ina mo.. putang ina nating lahat!! baket pa kasi tayo naghihirap? baket pa kasi tayo nabubuhay? baket pa kasi tayo humaharap sa mga problema ng buhay? eh kung pwede naman natin tapusin ang ating mga walang kwentang buhay! baket pa natin kailangang kumain at matulog eh kung sa huli naman ay mamatay tayo?! masasayang lang ang pinaghirapan natin sa huli!!

normal na ulet tayo.. pero hinde na tayo magkakilala.. pareho tayong mga stranghero sa isang bar sa The Fort.. tayo'y mga nilalang na magtitinginan na lang sa Mini Stop pagkatapos ng isang gig.. tayo'y mga nilalang na magkakabungo na lang sa National Bookstore at hinde na magpapansinan.. lahat ng ito'y nangyari.. dahil saken.. lahat ng ito'y nangyari.. dahil sa iyo.. pero wag na wag mong iisipin na bobo ako..

magandang gabi.. at paalam..

No comments: